6.30.2003

June 30, 2003 || 1:59 am


After watching Angela Lindvall on CQ, you just realize that Nash from A Beautiful Mind is so wrong. What an awful awful thought from an awful awful movie. Another reason why people should stay away from the move like genital herpes.

"But what if none of us goes for the blonde? We won't get in each other's way and we won't insult the other girls. It's the only way to win."
     — Nash on "A Beautiful Mind"

Blondes rule!

Angela Lindvall Grace Kelly Renee Zellweger
Cate Blanchett Kate Hudson Ingrid Bergman
Mandy Moore


Napaisip tuloy ako kung sino nga ba ang unang blondie na nakita ko sa personal. Napadpad ang utak ko sa kabataan ko, si Tisay nga pala na pinsan nila Pot. Na binobosohan at pinagpraktisan namin. Bata pa kami noon kasi ang tanda ko'y naka-Transformers na brief pa kami at kasagsagan pa ng Family Computer, Teenage Mutant Ninja Turtles pa nga yata ang nilalaro namin o Adventure Island.




Maniniwala ba kayo na si James Joyce ang nagsulat nito:

"You say [your letter] is worse than mine. How is it worse, my love? . . . You say what you will do with your tongue (I don't mean sucking me off) and in that lovely word you write so big and underline, you little blackguard. It is thrilling to hear that word (and one or two others you have not written) on a girl's lips. But I wish you spoke of yourself and not of me. Write me a long long letter, full of that and other things, about yourself, darling. You know now how to give me a cockstand. Tell me the smallest things about yourself so long as they are obscene and secret and filthy. Let every sentence be full of dirty, immodest words and sounds. They are all lovely to hear and to see on paper even but the dirtiest are the most beautiful . . .

     I am happy now, because my little whore tells me she wants me to roger her arseways and wants me to fuck her mouth and wants to unbutton me and pull out my mickey and suck it off like a teat. More and dirtier than this she wants to do, my little naked fucker, my naughty wriggling little frigger, my sweet dirty little farter.

     Goodnight, my little cuntie. I am going to lie down and pull at myself till I come. Write more and dirtier, darling. Tickle your little cockey while you write to make you say worse and worse. Write the dirty words big and underline them and kiss them and hold them for a moment to your sweet hot cunt, darling, and also pull up your dress a moment and hold them in under your farting bum. Do more if you wish and send the letter then to me, my darling brown-assed fuckbird."

          — sipi mula sa sulat ni James Joyce sa asawang si Nora Barnacle Joyce, ika-9 ng Disyembre 1909

Ernan at 2:05 AM

0   comments


6.29.2003

June 29, 2003 || 3:18 am


Nagkamali ako. Akala ko hindi mahusay ang CG sa Hulk ni Ang Lee. Hindi pala. Maganda at maayos ang effects.

Ngunit bukod doon, nakulangan ako sa pelikula. Masyado nitong sineryoso ang sarili nito. Maari ngang magandang talakayin ang psychological repercussions ni Bruce ngunit nagkulang ang script. Mas lumitaw pa at nabuo ang pagkatao ni Betty. Hindi rin naman kinakailangan ng lubos na drama sa bawat tagpo para maipalabas ang lalim ng loob. Lahat ng mga tagpong di action ay tila may inaabot na drama, hindi dramatic kundi drama. Ang mga tagpo'y tila isang biyolin na pilit binanat ang kuwerdas. Naghihintay lang ng isa pang ikot at mapuputol na. Sobra at malabnaw.

May narinig na akong merits at kapangitan ng editing. Ang hinihingi ko lang ay mas malalim na dahilan sa ganoong devise (dahil na rin naniniwala akong kaya niyang mas linangin ang style na higit sa mababaw). Naiinitindihan ko naman na napapalitaw ang "comics quality" sa ganoong edit ngunit heto lamang, nagbabasa ba ako ng comics? Hindi. Nanonood ako ng pelikula. Kapag ang libro ba'y isinalin mula sa nakasulat patungo sa pinilakang tabing, may mga chapter breaks ba? Wala. Bukod na lamang kung ito'y ginamit na style at tunay na nagpapalalim sa pelikula.

Lalo akong nanghinayang sa edit kasi may mga cut naman siyang nagamit niya ang style ng husto. Tulad na lamang sa bisita ni Atheon guy (nakalimutan ko ang pangalan) sa opisina nina Betty at Bruce at nang papaalis ay hinati niya ang screen sa tatlo, tig-iisa na close-up sa mga mata nila. Sa ilang segundo naipakita nito ang relasyon ng tatlo at ang nararamdaman ng bawat isa sa isa na higit pa sa usapan.

Ngunit ang iba at ang karamihan (lalo na ang ilan sa simula) ay nakadagdag sa lamang sa kaguluhan sa panonood. Eye candy, oo. Ngunit hindi nakatulong sa pag-iintindi ng manonood sa layon ng pelikula. Bagkus, nakahadlang pa.

Hindi rin nakatulong na wala kang maituturong "bad guy" o tunay na kalaban sa pelikula. Maganda ang hangarin ngunit pumalya ang script. Tuloy, pag labas mo ng sinehan ay lito ka at walang mahawakan. Tumalon na't kumawala ang Hulk.

Manood ka na lang Adaptation.




Ang hirap palang kumain sa labas kapag hindi ka kumakain ng karne ng baboy. Halos wala kang makainan.

Bigla kasi, isang gabi, kumakain ako ng siomai, at habang nginunguya at nginangasab, nararamdaman ko ang buo-buo at maliliit na parte ng giniling na baboy sa dila ko. Kakaiba ang lasa. Naisip ko na nalalasahan ko ay baboy. Baboy na buhay. Nanigas ang dila ko at nagsara ang lalamunan. Niluwa ko ang nanguyang siomai.

Kinabukasan, sinubukan ko ulit. Hinapunan ko'y inihaw na baboy. Masarap iyon. Lalo't may Mang Tomas. Ngunit isang subo lang at parang sinundot ang dila ko. Hindi ko makayanan ang lasa. Kakaiba. Ang pangit. Ang laswa.

Kaya hayan, ilang linggo na akong hindi kumakain ng baboy.

Senyales kaya ito na maging muslim, tinatawag ba ako ni Allah? Baka tulad ito ng maliwanag na araw ni St. Paul, o burning bush ni Moses, o mangingisda ni San Pedro.

Pero heto lang ang sigurado ako, hindi masarap ang baboy at mahirap maging vegetarian sa Pinas.




Sa mga taong interesado sa blogging community. Punta ka rito.

May ilang mga teoryang napapaloob na may kaunting diskusiyon.

Tama nga. Masarap siguro gawing thesis o case ang blog para sa Economics. Hanapan ng istruktura at paano nagsasalungat at nagkakabuhol ang bawat isang komunidad sa net.

Hindi ako makapaniwala, tila nami-miss ko yata ang Economics. Dapat akong mangilabot.

Ernan at 3:40 AM

0   comments


6.27.2003

June 27, 2003 || 9:10 pm


Dalawang tasang kape ang katapat ng gabi at isang biglaang brownout. Nalusaw ang mga tala sa tulaan at dungeons and dragons.

Lagpas dalawang linggo na ang nakaraan nang mabanggit ni Ceres na sinubukan nilang tipunin ni Larry ang kani-kanilang paboritong tula. Dalawmpu ang kailangang bigkisin mula sa baon mula unang pagbabasa. Tinanong niya ako kung ano ang akin. Lumamig ang kape na hawak-hawak, di ko pa rin mabigyan hulma ang dalawmpung tula.

Ngayon lang. Ngayon lang, matapos balikan ang mga kuwaderno, matapos ligpitin ang mga libro, matapos busisiin ang sarili—naririto ang pinili kong dalawmpung tula. Wala sa anumang ayos, hinugot sa kaloob-looban.


1. Pag-ibig - Jose Corazon de Jesus
2. XX: "Tonight I can write" - Pablo Neruda
3. Lumbay - Rolando Tinio
4. Huwag Ka Sanang Magagalit - Rayvi Sunico
5. Between-Living - Edith Tiempo

6. The Name Achieved Through Names - Juan Ramon Jimenez
7. Landscape with Boat - Wallace Stevens
8. Truly - RS Thomas
9. Under A Certain Little Star - Wislawa Szymborksa
10. Book of Hours I,13: Ich bin auf der Welt zu allein und doch icht allein genug
        "I am too alone in the world"- Rainer Marie Rilke


11. Things I Didn't Know I Loved - Nazim Hikmet
12. Capri - Ceslaw Milosz
13. Anniversaries of War - Yehuda Amichai
14. Butterflies on Fire - Jim Pascual Agustin
15. The Meaning of Simplicity - Yannis Ritsos

16. Pilat Sa Sagwan - Tomas F. Agulto
17. Star - Langston Hughes
18. No Second Troy - William Butler Yeats
19. Pasyong Mahal ni San Jose - Jose F. Lacaba
20. Spring - Edna St. Vincent Millay

Ernan at 9:31 PM

0   comments


6.23.2003

June 23, 2003 || 12:47 pm


Vive le France! Ang saya saya saya ng Fete ngayong taon na 'to. Kung hindi kayo nakapunta, belat!

Pero seryoso, sayang. Ang daming magaganda at magagaling na performance.

Si Cynthia, kahit dadalawang kanta lang ang naabutan ko. Ang Imago, tumugtog pa sila ng bagong kanta. Itchyworms. Sugar Free at ang walang kamatayang Mariposa. Pan at ang makulit na si Dong Abay. Ang ritmo ng Pinikpikan at pagsasayaw ni Ochie. Ang buntis na si Skarlett habang kumakanta-umiindak sa Come On Eileen kasama ng buong Brownbeat Allstars. Ang mahiwagang K-hon, sikat na! Makiling Ensemble. The Brass Munkey.

Mas masaya ngayon ang Jazz set at hindi na lang pulos matatanda o puti ang nanonood. Biruin mong may Italyano pang kumanta ng Tu Vuo Fa l'Americano siyempre in Italian. Lasing ka man sa beer o simpleng bangag, mapapaindak ka sa sarap ng beat. O gaya ni Edwin LaChica, mapapasabay sa pagkanta ng "all of me, why not take all of me..."

Gusto ko ring isipin na mas maayos ang audience ngayon. Nariyan pa rin ang sakitan. Ngunit rock concert e. Inaasahan na 'yun. Pero mas-organized na sila at hindi lang basta mosh at slamming, nakakapag-body surf na rin. Nakakabuhat na sila ng tao at maipapatagal nila sa ere ng humigit kumulang na 30 segundo. Ganoon na katagal at madalas pa. Kumukonti na rin ang mga nambabato ngunit mayroon namang umaakyat at naghuhubad ng pantalon. Wala na rin masyado ang mga amoy anghit. Pawisan at nanlalagkit ngunit walang anghit. Natututo na ring maligo ang mga foreigners. Salamat na rin siguro sa init ng mga nagdaang araw.

Pero kung gusto mo talaga ng mababango, tumambay ka sa Hip Hop at R&B set sa may Side Bar. Kung sa last year ay rap slamming sa kalye at mga jologs ang nakiki-bob, trendy na ang mga itim kaya't mas maraming beautiful people ang nag-"me and my girlfriend..."

Sa lagay na ito, sayang pa at ang dami ko pang di nakita. Hindi man lang nasilip ang Blues set (Mr. Crayon, The Jerks, Cooky, Lampano Alley!) dahil laging puno ang TJ's. Hindi ko rin narining ang Drip at Rubber Inc. dahil hindi ko mahanap kung saan ang Electronica set (daming tao, putsa...) Hindi ko rin napanood ang Cambio at Fatal.

Hay! Sayang.

Kaya kita-kits na lang ulit next year sa susunod na Fete.

Ernan at 1:13 PM

0   comments


6.21.2003

June 21, 2003 || 3:10 pm


Kaarawan ngayon ni Irish Tisoy Chris. Pumunta kayo sa site niya at pupugin ng Happy Birthday. Beer!




Good luck nga pala kina Larry at Jason. Sila na ang bagong co-moderators ng Heights. Itaguyod niyo ang isang magaling ngunit bukas na sining. Para sa mga nagsusulat!




Kagabi, sa gitna ng usapan ng paniniwala at di-paniniwala, sa katotohan ng malalim na ukit sa ibaba ng mata ni San Pedro, ng misteryo at paglalang, ni San Agustin, Santo Tomas at Mother Teresa, nabanggit niya—

mas gusto niyang magsimba kapag normal na araw at hindi Linggo. Nararamdaman niyang mas totoo ang misa, mas taso-puso. Ang mga nagsisimba'y hindi napipilitan at mas nadadama niya ang pagmamahal sa kapuwa at sa Diyos.




At may ipinahihiwatig ang Chobits na si Chii at ang mga kontrabida sa mga soap opera tungkol sa pag-ibig.

Lagi na lang sinasabi na nagkukulang sa pag-ibig kaya natatapos ang isang relasyon. Ngunit paano kung kabaliktaran?

Makakayanan mo ba ang maharap sa isang wagas na pag-ibig? Hindi ka ba matatabunan, malulunod, masasakal nito? Hindi mo kaya iiwasan ito.

Paano kung nakilala mo ang isang tao na ikaw lamang para sa kaniya? Haharapin mo ba siya o tatakbuhan?

Kung Kristiyano ka, naniniwala ka na walang maliw ang pag-ibig ng Diyos. Ngunit naibabaluktot natin ito. Sa harap ng mata ng pag-ibig ng Diyos, makailang ulit kang pumipikit. Para kalimutan? Para takasan? Para hindi paniwalaan? Para hindi makita?

Maari ngang hindi mahambing sa isang pag-iibigan ng tao sa kapuwa tao. Ngunit isipin mo. Kung alam mong lagi siyang nandiyan, hindi ka ba tatayo at aalis. Hindi ka ba tatalikod. Sapagkat nariyan siya lagi't puwedeng balingan.

Baluktot man, kakaiba ang pag-ibig ng mga kontrabida sa bida. Nilalapastangan na sila'y patuloy pa rin sa paghabol sa napupusuan. Hanggang sa huli, tinatalikuran siya ng bida. O ang pagtingin ni Hideki kay Yumi-chan.

Kaya mo bang makipagsabayan ng titigan sa isang alam mong laging nakatingin sa'yo. Hindi siya bibitaw. Ikaw, bibitaw ka ba?

Ernan at 3:37 PM

0   comments


6.20.2003

June 20, 2003 || 4:59 pm


"...and we are both blowing the summer
...I am not doing much. Toph and I are playing frisbee, are going to the beach. I am taking a class in furniture-painting, and I am taking the class very seriously
...and while I am applying my twelve years of art education to the painting of furniture, I am wondering what I will do, in a more general, futuristic sense, what exactly I will do
...I come inside in the afternoon, remove my thick rubber gloves, and on the deck, as the sun sets I permit my own bright glow to subside for the evening. Maybe I will have to get a job at some point, but for the time being, for the summer at least, I am allowing us time to enjoy this, this lack of anything, this lack of humidity, this time to look around
...and otherwise we lose weeks like buttons, like pencils."

         — Dave Eggers, A Heartbreaking Work of Staggering Genius


Pumatak na ang unang patak ng ulan. Natighaw na ang huling uhaw ng tag-araw. Tapos na ang summer.

Nagsisimula nang manuya ang orasan. Tick tock tick tock...




I thought hard and I agree, I do not know what to make of compliments.

Ernan at 5:09 PM

0   comments


6.17.2003

June 17, 2003 || 5:49 pm


Odd to find myself pleased when someone remarked "you never change".

I realized that is what I want to be. Impulsive like the wind but consistent as a rock.




Just enjoyed The Dangerous Lives of Altar Boys. Kieran Culkin is indeed better than his brother. I am loving Lance Acord's shots.

There's this one great scene there when the two kids found this dying dog by the side of the road. Both were stoned out of their asses for the first time and you can feel the hyper realism. One kid, Tim, fell to the side of the dog to pick it up. He was feeling for the measly mutt. The other kid, Francis, kept insisting that the dog's dead or was practically dead. The viewer realizes that this wasn't about the dog. But were the characters aware of it? Confusion was a part of them as their feelings were. Even statements made to each other are out of mixed confusions and feelings. Even statements like "Don't talk to me about being real." They left the dog by the side of the road.

There was this one line in the movie that made me think. In a Grade Six foreplay mode, Margie Flynn asks his boyfriend, Francis, to tell her the most amazing thing he has ever heard.

I asked myself that too. What is the most amazing thing have I ever heard?

After much thought, I came upon two simple things. I wish I could say that they're something quite devilish, or adventurous, or religious. Something from the Bible or one of great learning or something so simple it's heartbreaking. But mine aren't. Nonetheless, I feel that they are the most amazing things I've ever heard.

Your heart is almost exactly the same size as your closed fist.
Knowing this, for the life of me, I can't deny that man is a wonderful creature. A frail yet perfectly conceived being.

The North Star is constant. It doesn't change position.
For a couple of hundred years more, the North Star is Polaris. But after and before that, the North Star is a different star.

Ernan at 6:04 PM

0   comments


6.16.2003

June 16, 2003 || 11:55 pm


Nagsimula na naman ang pagiging geek.

Tatlong role playing campaigns ang nilalaro ngayon. Dalawang Dungeons and Dragons at isang Iron City Secrets. Nagiging schizoid na ako sa pag-aayos ng mga characters.

Sa isang laro, elven rogue ako na shadowdancer. Ibig sabihi'y kaya kong magtago basta may anino. Bata pa siya sa edad na 112 years old at medyo mayabang. Ikinulong niya minsan ang isang adult na black dragon sa force cage, pinaliit at saka nagsasayaw-sayaw sa labas nito. Dati'y sarili lang ang inaasikaso ngunit dahil na rin sa katangahan ng mga kasama'y natutong pangalagaan ang kapuwa. Para malupig ang isang arch-mage, lumipad sa pamamagitan ng mahika, niyakap ang kalaban, saka nagpalabas ng salamangka na kokontra sa lahat ng mahika. 1,500 ft sila sa itaas ng lupa. Ibig sabihin, nagpatihulog siya kasama ng arch-mage sa tiyak na kamatayan. Ngunit buhay pa siya at kasalukuyang nagigiliw sa isang munting rogue na kinakikitaan niya ng sarili noong siya'y nasa ganoong edad.

Buti na lang at wala nang nagbabawal o nagsaasbing matanda ka na para maglaro pa niyan.

Hay! Di naman sa pagtakas sa realidad o sa paggitaw nito. Ngunit hindi ba mas buhay ang paligid kung paminsan-minsan iisipin mo ang mga ganitong posibilidad. Na may dragon sa loob ng isang kuweba, na may mahiwagang singsing sa loob ng aparador mo.

Ernan at 11:56 PM

0   comments


6.13.2003

June 13, 2003 || 1:24 pm


It seems that everybody's into the blogwagon. Just added so many links of people's blogs. See the kawing section.

And talking about friends. Got these from them.

Rob's Amazing Poem Generator
Putsa

This But it highly
unlikely either. pertinent or a cry
I know, him. Because I Grow
Up all my painSignals
cross and their music. always means
the dark blue colour replace the
fact that he said
Call it was swelling. A person you
down, says Mike, as a film
Probably my demon spirits I have
had the Stars Go by a shrug that
show ay pakitaan ng mga Patay.



The Infinite Teen Slang Dictionary
ernan
v. to think about violence with chart music.

So Christian Bale was doing the ernan in American Psycho. Astig!



Horses can sing. Click here to see proof.

Ernan at 1:19 PM

0   comments


6.12.2003

June 13, 2003 || 3:15 am


Isa pang leksiyon mula sa taxi driver: kapag nag-asawa ka kinakailangan mong kumuha ng isang kabit. Kakaunting pambobola lang at ayos na. Tularan daw siya na may asawang taga-Davao, may kabit na Batangueña at ngayo'y may disisyete anyos na GRO na taga-Bulacan na kinakarinyo.

Kaya nagkakandaletse-letse ang traffic sa Maynila e.




Text ni Neva:
Love has no point.
Love is the point.
— Alan Moore
Nagsimba akong muli isang hapon. Alas-sais. May karikitan, papasok ka sa simbahan na maliwanag pa at kapag natapos ang misa'y nakalatag na ang gabi. Maaari mo na uling higaan ang mundo.

God is Love. Naiintindihan ko ulit iyon. Sana hindi ko makalimutan. Sana hindi na ako bumangon sa siping ng ganoong lagiang pagtuklas.

Ernan at 3:13 AM

0   comments


6.09.2003

June 9, 2003 || 12:11pm


Ang laki ng pasasalamat niya at hindi niya kinakailangang magbihis ng kayabangan o ilantad ang pagiging iba. Walang akto na "tignan mo ako".

Hindi niya kinailangang magpinta ng mukha, tumayo ng pabaliktad, sumirko-sirko, ipalupot ang paa sa leeg. Para masabihang astig. Para masabihang ikaw ay ikaw, walang iba, kundi ikaw. Hindi niya kinailangang magpakita ng galos, ng mukhang katatakutan, maninindak ng kapuwa.

Hindi siya kabilang sa freak show.

Ano pa ba ang maitatawag? Ang circus ay pakitaan ng kagalingan. Ang carnival ay pakikisali sa katuwaan. Ang freak show ay palabas ng mga nagaastig-astigan ngunit kawawa naman talagang nilalang. Wala silang ibang maipagmamayabang kundi ang yabang nila. Kaya't lubus-lubusin ang yabang. Wala silang maipapakita kundi ang iba sa sarili. Kaya't itodo ang pagka-iba at bulatlatin ang sarili.

Ngunit walang namamangha kundi sila-sila rin lang. At ang ismid ng mga tao sa kanila'y ugat ng kanilang katuwaan. Ipinapalagay nila sa kakitiran ng isip ng mga tao o sa pagiging uber konserbatibo.

Ay kabataan! Hindi matimpla ang abuso sa sarili, hindi mamukhaan ang pagkalito!

Dati'y naiisip niyang maaari lahat sa kabataan, na mapapatawad. Billy goat years. Nalaman niyang hindi rin.

May pagtanggap at pagharap sa mundo na hinihingi ng bawat isa. Ang kahibangan ay tunay lamang kung tunay sa sarili at hindi isinusuot na parang kuwintas ng isang pimp daddy. Walang pop, walang alternatibo, walang sell-out.

Hinhiram niya ang ilan sa mga salita ni William Stafford. Babaluktutin niya ang sinasabi sa tulang A Ritual to Read to Each Other para mai-ayon sa sinasabi:

"If you don’t know the kind of person I am
and I don’t know the kind of person you are
a pattern that others made may prevail in the world
and following the wrong god home we may miss our star.

For there is many a small betrayal in the mind,
a shrug that lets the fragile sequence break...

And as elephants parade holding each elephant’s tail,
but if one wanders the circus won’t find the park,
I call it cruel and maybe the root of all cruelty
to know what occurs but not recognize the fact.

And so I appeal to a voice, to something shadowy,
a remote important region in all who talk:
though we could fool each other, we should consider --
lest the parade of our mutual life get lost in the dark."



Nga pala, Happy Birthday Hannah. Disisyete ka na.




Bakit tila sa panahong ito nagmamadali ang mga babae?

Sa mga hindi pa nakakaalam, ikinasal na si Roms.
At ikakasal sa Miyerkules si Renee Ann kay Segun.
Mukha ring binabalak na rin ni Mely na mag-asawa (sa wakas!).

Congrats sa inyo!

Ernan at 1:20 PM

0   comments


6.07.2003

June 7, 2003 || 3:46 pm


Kapag pinanood mo ang balita, mapaniniwala ka nilang walang mabuti sa mundo. Pulos masasamang pangyayari na lang ang binabalita nila. Rape, banggaan ng dalawang bapor, patayan, nakawan, pagbaba ng standards of living, pagong na dalawa ang ulo, giyera. Kung hindi ka cynic o jaded, magiging cynic o jaded ka kapag araw-araw kang nanood ng balita.

Parang kasamaan na lang ang nangyayari sa mundo. Parang walang mabuting bagay na dapat ibalita.

Naalala ko na kung bakit tumigil akong manood ng balita at, sa halip, umakyat na lang ng bubong at bitbit ang libro, magbasa habang papalubog ang araw at kinakagat ng lamok.

Ernan at 3:50 PM

0   comments


6.03.2003

June 3, 2003 || 2:19 am


Nakakaklama para sa'kin ang pagblog-hopping. Masarap pakinggan (paminsan-minsan) ang iniisip at pakiramdam ng iba, kahit di mo kakilala. Nakakatuwa ang mga bagay na binubunyag nila (natin pala) sa harap ng isang monitor na mababasa ng kung sinu-sino, kahit di mo kilala.

Kalungkutan, kulang sa pansin, angst, fraternity, vanity. Anuman ang dahilan, ngayon nagpapasalamat ako dahil kahit papaano puwedeng makasalamuha ang ibang mukha ng mga taong ito. Ang saloobin na laging nakatago. Hindi na kailangan pang magpalabok o malasing, makakasilip ako sa nakahawlang sarili nila.

Kahit sa ilang bytes per page man lang, makagat ko ang kakaibang sila.

Ernan at 2:22 AM

0   comments