6.23.2003

June 23, 2003 || 12:47 pm


Vive le France! Ang saya saya saya ng Fete ngayong taon na 'to. Kung hindi kayo nakapunta, belat!

Pero seryoso, sayang. Ang daming magaganda at magagaling na performance.

Si Cynthia, kahit dadalawang kanta lang ang naabutan ko. Ang Imago, tumugtog pa sila ng bagong kanta. Itchyworms. Sugar Free at ang walang kamatayang Mariposa. Pan at ang makulit na si Dong Abay. Ang ritmo ng Pinikpikan at pagsasayaw ni Ochie. Ang buntis na si Skarlett habang kumakanta-umiindak sa Come On Eileen kasama ng buong Brownbeat Allstars. Ang mahiwagang K-hon, sikat na! Makiling Ensemble. The Brass Munkey.

Mas masaya ngayon ang Jazz set at hindi na lang pulos matatanda o puti ang nanonood. Biruin mong may Italyano pang kumanta ng Tu Vuo Fa l'Americano siyempre in Italian. Lasing ka man sa beer o simpleng bangag, mapapaindak ka sa sarap ng beat. O gaya ni Edwin LaChica, mapapasabay sa pagkanta ng "all of me, why not take all of me..."

Gusto ko ring isipin na mas maayos ang audience ngayon. Nariyan pa rin ang sakitan. Ngunit rock concert e. Inaasahan na 'yun. Pero mas-organized na sila at hindi lang basta mosh at slamming, nakakapag-body surf na rin. Nakakabuhat na sila ng tao at maipapatagal nila sa ere ng humigit kumulang na 30 segundo. Ganoon na katagal at madalas pa. Kumukonti na rin ang mga nambabato ngunit mayroon namang umaakyat at naghuhubad ng pantalon. Wala na rin masyado ang mga amoy anghit. Pawisan at nanlalagkit ngunit walang anghit. Natututo na ring maligo ang mga foreigners. Salamat na rin siguro sa init ng mga nagdaang araw.

Pero kung gusto mo talaga ng mababango, tumambay ka sa Hip Hop at R&B set sa may Side Bar. Kung sa last year ay rap slamming sa kalye at mga jologs ang nakiki-bob, trendy na ang mga itim kaya't mas maraming beautiful people ang nag-"me and my girlfriend..."

Sa lagay na ito, sayang pa at ang dami ko pang di nakita. Hindi man lang nasilip ang Blues set (Mr. Crayon, The Jerks, Cooky, Lampano Alley!) dahil laging puno ang TJ's. Hindi ko rin narining ang Drip at Rubber Inc. dahil hindi ko mahanap kung saan ang Electronica set (daming tao, putsa...) Hindi ko rin napanood ang Cambio at Fatal.

Hay! Sayang.

Kaya kita-kits na lang ulit next year sa susunod na Fete.

Ernan at 1:13 PM

0   comments

0 Comments

Post a Comment