6.12.2003
June 13, 2003 || 3:15 amIsa pang leksiyon mula sa taxi driver: kapag nag-asawa ka kinakailangan mong kumuha ng isang kabit. Kakaunting pambobola lang at ayos na. Tularan daw siya na may asawang taga-Davao, may kabit na Batangueña at ngayo'y may disisyete anyos na GRO na taga-Bulacan na kinakarinyo.
Kaya nagkakandaletse-letse ang traffic sa Maynila e.
Text ni Neva:
Love has no point.Nagsimba akong muli isang hapon. Alas-sais. May karikitan, papasok ka sa simbahan na maliwanag pa at kapag natapos ang misa'y nakalatag na ang gabi. Maaari mo na uling higaan ang mundo.
Love is the point.
— Alan Moore
God is Love. Naiintindihan ko ulit iyon. Sana hindi ko makalimutan. Sana hindi na ako bumangon sa siping ng ganoong lagiang pagtuklas.
Ernan at 3:13 AM