6.09.2003
June 9, 2003 || 12:11pmAng laki ng pasasalamat niya at hindi niya kinakailangang magbihis ng kayabangan o ilantad ang pagiging iba. Walang akto na "tignan mo ako".
Hindi niya kinailangang magpinta ng mukha, tumayo ng pabaliktad, sumirko-sirko, ipalupot ang paa sa leeg. Para masabihang astig. Para masabihang ikaw ay ikaw, walang iba, kundi ikaw. Hindi niya kinailangang magpakita ng galos, ng mukhang katatakutan, maninindak ng kapuwa.
Hindi siya kabilang sa freak show.
Ano pa ba ang maitatawag? Ang circus ay pakitaan ng kagalingan. Ang carnival ay pakikisali sa katuwaan. Ang freak show ay palabas ng mga nagaastig-astigan ngunit kawawa naman talagang nilalang. Wala silang ibang maipagmamayabang kundi ang yabang nila. Kaya't lubus-lubusin ang yabang. Wala silang maipapakita kundi ang iba sa sarili. Kaya't itodo ang pagka-iba at bulatlatin ang sarili.
Ngunit walang namamangha kundi sila-sila rin lang. At ang ismid ng mga tao sa kanila'y ugat ng kanilang katuwaan. Ipinapalagay nila sa kakitiran ng isip ng mga tao o sa pagiging uber konserbatibo.
Ay kabataan! Hindi matimpla ang abuso sa sarili, hindi mamukhaan ang pagkalito!
Dati'y naiisip niyang maaari lahat sa kabataan, na mapapatawad. Billy goat years. Nalaman niyang hindi rin.
May pagtanggap at pagharap sa mundo na hinihingi ng bawat isa. Ang kahibangan ay tunay lamang kung tunay sa sarili at hindi isinusuot na parang kuwintas ng isang pimp daddy. Walang pop, walang alternatibo, walang sell-out.
Hinhiram niya ang ilan sa mga salita ni William Stafford. Babaluktutin niya ang sinasabi sa tulang A Ritual to Read to Each Other para mai-ayon sa sinasabi:
"If you don’t know the kind of person I am
and I don’t know the kind of person you are
a pattern that others made may prevail in the world
and following the wrong god home we may miss our star.
For there is many a small betrayal in the mind,
a shrug that lets the fragile sequence break...
And as elephants parade holding each elephant’s tail,
but if one wanders the circus won’t find the park,
I call it cruel and maybe the root of all cruelty
to know what occurs but not recognize the fact.
And so I appeal to a voice, to something shadowy,
a remote important region in all who talk:
though we could fool each other, we should consider --
lest the parade of our mutual life get lost in the dark."
Nga pala, Happy Birthday Hannah. Disisyete ka na.
Bakit tila sa panahong ito nagmamadali ang mga babae?
Sa mga hindi pa nakakaalam, ikinasal na si Roms.
At ikakasal sa Miyerkules si Renee Ann kay Segun.
Mukha ring binabalak na rin ni Mely na mag-asawa (sa wakas!).
Congrats sa inyo!
Ernan at 1:20 PM