6.21.2003
June 21, 2003 || 3:10 pmKaarawan ngayon ni Irish Tisoy Chris. Pumunta kayo sa site niya at pupugin ng Happy Birthday. Beer!
Good luck nga pala kina Larry at Jason. Sila na ang bagong co-moderators ng Heights. Itaguyod niyo ang isang magaling ngunit bukas na sining. Para sa mga nagsusulat!
Kagabi, sa gitna ng usapan ng paniniwala at di-paniniwala, sa katotohan ng malalim na ukit sa ibaba ng mata ni San Pedro, ng misteryo at paglalang, ni San Agustin, Santo Tomas at Mother Teresa, nabanggit niya—
mas gusto niyang magsimba kapag normal na araw at hindi Linggo. Nararamdaman niyang mas totoo ang misa, mas taso-puso. Ang mga nagsisimba'y hindi napipilitan at mas nadadama niya ang pagmamahal sa kapuwa at sa Diyos.
At may ipinahihiwatig ang Chobits na si Chii at ang mga kontrabida sa mga soap opera tungkol sa pag-ibig.
Lagi na lang sinasabi na nagkukulang sa pag-ibig kaya natatapos ang isang relasyon. Ngunit paano kung kabaliktaran?
Makakayanan mo ba ang maharap sa isang wagas na pag-ibig? Hindi ka ba matatabunan, malulunod, masasakal nito? Hindi mo kaya iiwasan ito.
Paano kung nakilala mo ang isang tao na ikaw lamang para sa kaniya? Haharapin mo ba siya o tatakbuhan?
Kung Kristiyano ka, naniniwala ka na walang maliw ang pag-ibig ng Diyos. Ngunit naibabaluktot natin ito. Sa harap ng mata ng pag-ibig ng Diyos, makailang ulit kang pumipikit. Para kalimutan? Para takasan? Para hindi paniwalaan? Para hindi makita?
Maari ngang hindi mahambing sa isang pag-iibigan ng tao sa kapuwa tao. Ngunit isipin mo. Kung alam mong lagi siyang nandiyan, hindi ka ba tatayo at aalis. Hindi ka ba tatalikod. Sapagkat nariyan siya lagi't puwedeng balingan.
Baluktot man, kakaiba ang pag-ibig ng mga kontrabida sa bida. Nilalapastangan na sila'y patuloy pa rin sa paghabol sa napupusuan. Hanggang sa huli, tinatalikuran siya ng bida. O ang pagtingin ni Hideki kay Yumi-chan.
Kaya mo bang makipagsabayan ng titigan sa isang alam mong laging nakatingin sa'yo. Hindi siya bibitaw. Ikaw, bibitaw ka ba?
Ernan at 3:37 PM