6.16.2003
June 16, 2003 || 11:55 pmNagsimula na naman ang pagiging geek.
Tatlong role playing campaigns ang nilalaro ngayon. Dalawang Dungeons and Dragons at isang Iron City Secrets. Nagiging schizoid na ako sa pag-aayos ng mga characters.
Sa isang laro, elven rogue ako na shadowdancer. Ibig sabihi'y kaya kong magtago basta may anino. Bata pa siya sa edad na 112 years old at medyo mayabang. Ikinulong niya minsan ang isang adult na black dragon sa force cage, pinaliit at saka nagsasayaw-sayaw sa labas nito. Dati'y sarili lang ang inaasikaso ngunit dahil na rin sa katangahan ng mga kasama'y natutong pangalagaan ang kapuwa. Para malupig ang isang arch-mage, lumipad sa pamamagitan ng mahika, niyakap ang kalaban, saka nagpalabas ng salamangka na kokontra sa lahat ng mahika. 1,500 ft sila sa itaas ng lupa. Ibig sabihin, nagpatihulog siya kasama ng arch-mage sa tiyak na kamatayan. Ngunit buhay pa siya at kasalukuyang nagigiliw sa isang munting rogue na kinakikitaan niya ng sarili noong siya'y nasa ganoong edad.
Buti na lang at wala nang nagbabawal o nagsaasbing matanda ka na para maglaro pa niyan.
Hay! Di naman sa pagtakas sa realidad o sa paggitaw nito. Ngunit hindi ba mas buhay ang paligid kung paminsan-minsan iisipin mo ang mga ganitong posibilidad. Na may dragon sa loob ng isang kuweba, na may mahiwagang singsing sa loob ng aparador mo.
Ernan at 11:56 PM