5.29.2003

May 29, 2003 || 2:28 am


Mas malapit na pook, mas maiksing paghihintay, mas maayos na pagkakataon.




Minsan iniisip niyang tumayo, kumuha ng isang bag, ipagkasiya ang ilang mga gamit doon, lumabas at bigla na lang mawawala.

Walang pasabi, walang pamamaalam. Basta bigla na lang aalis.

Iiwan niya kung ano ang maiiwan. Iyon ay lahat maliban na lang sa mga gamit na isiniksik niya sa loob ng isang bag.

Iisipin niyang mag-aalala ang magulang kapag hindi siya umuwi sa gabing iyon. Kapag dalawa o tatlong araw na siyang nawala, magsisimula na itong maghanap at magtawag sa mga kakilala niya. Walang mahihinata ang mga magulang niya sa pagtatanong sapagkat hindi siya makikituloy sa mga kaibigan.

Kapag wala pa rin at di pa siya matagpuan, ipapasabi na sa pulis. Lilipas ang mga araw at di siya makikita.

Isa, dalawa o sampung taon. Masasanay na ang mga magulang niya, mga kaibigan, at mga dating kakilala na patay na siya. Itatago siguro nila ang isang litrato niya. Mapapangiti kapag nabanggit ang pangalan niya. Ipagdadasal siya tuwing Araw ng mga Patay.

Ngunit hindi siya patay. Tumayo lang siya isang araw at tinalikuran ang lahat. Napagod sa isang buhay at nagsimula ng panibago. Kung saanmang lugar, kahit saanmang lugar.

Siguro'y sumakay siya ng bapor at ngayo'y kumakanta para manlimos sa Londres. O umakyat ng bundok, umibig sa isang dilag at may apat na silang anak. O tumambay sa isang bar, nalamang magaling siyang makinig sa mga di kakilala, naging isang bartender at ngayon sinerbisyuhan ang buong mundo sa isang resort sa may Mindanao.

At isang araw, babalik siya sa pook na pinanggalingan niya. Uuwi siya ng may bagong pagtingin sa lahat. Susubukang ipagpatuloy ang pinatid na buhay. Maraming pagbabago ngunit handa siya sapagkat siya ma'y nagbago.

Mababasa ng mga nangungulilang magulang sa mata niya ang malalim na saya sa likod ng lungkot at hinaing. Uupo siya uli, ilalapag ang bag na dating bitbit (na talagang itinago para sa pagbabalik na ito), nakabalik na siya.

Minsan iniisip niyang umalis. Ngunit lagi siyang di makatayo at nadidikit ang puwit sa upuan. Alam niya kasing hindi madaling magtiklop ng buhay at pagkatapos ng mahabang panahon ay bubulatlatin uli. Hindi iyon tulad ng isang larawan ng kasintahan na itinklop at isinantabi sa kasuluk-sulukan ng wallet. Ngunit maski ang mga litrato'y nagkakaroon ng linya.

Ngunit hindi siya interesado sa mga linya o sa lamat o sa hinagpis na idudulot ng paglisan. Ang gusto niya'y ang pagbabalik. Ang tingin sa bagay sa ibang paraan. Ang resureksiyon. Ang mamatay at mabuhay. Nais niyang mawal't manumbalik sa sarili.

Ernan at 2:39 AM

0   comments


5.27.2003

May 27, 2003 || 12:54 am


Intent. This is where we are measured. Not by our actions. Rather our actions and their outcomes are measured by our intent.

What you intend sets your goals. Your intent puts value in yourself. Thus, if you do not intend to do anything then it is tantamount to nothing. Even if something came of it.

When you understand and learn the intent of someone for doing what he does, surely you will understand him as a person. You may or may not dislike him for having that intent. But you know him better for knowing his reasons.

A person giving all his fortunes to the poor to impress a girl is no saint. A person keeping his fortunes to himself for his daughter's future welfare is no grinch. The reason behind always sheds light.

But, sadly, at times not even the individual realises the reasons for their actions. Sometimes, others see their intents better than they do. Their intents elude them.

It is for this that some are inclined to believe there are no reasons. Just because intents live in the dark doesn't mean they are not.

Ultimately, look to your intensions for they reveal who you really are.

Ernan at 12:56 AM

0   comments


5.26.2003

May 26, 2003 || 2:49 am


Ganitong oras at gising pa rin ako.

Nakikinig ako ng musika at kasulukuyang tumutugtog ang Your Ghost ng Indigo Girls.

"Can you hear it? A cry to be free.
Or I'm forever under lock and key
As you pass through me...
And there's not enough room in this world for my pain
Signals cross and love gets lost and time passed makes it plain
Of all my demon spirits I need you the most
I'm in love with your ghost
I'm in love with your ghost"
Naiisip ko si Peach sa may lobby ng Salome. Ang ingay namin, pilit namin siyang pinapatugtog ng piano. Kinanta niya 'yan at lahat kami natameme. Makailang-ulit pa niyang kinanta 'yan sa iba't ibang pagkakataon ngunit iyon ang pinakanagugunita ko tuwing naririnig ko ang Your Ghost.

May ibang mga alaala ngunit ibang kuwento na iyan.

Ngayon, pagbigyan naman si Joe Cocker...

"Pack up all my cares and woes
Feeling low here I go
Bye Bye blackbird...
No one seems to love or understand me
And all the hard luck stories they keep handing me
Where somebody shines the light
I'll be coming on home tonight
Bye Bye Blackbird"

Ernan at 2:49 AM

0   comments


5.25.2003

May 25, 2003 || 5:05 pm


Nakalimutan ko na ito—ang katahimikan matapos ang ulan.

Isang tahimik na nagtatago ng napakaraming sasabihin. Tila isang babaeng namamahinga sa kaniyang unang pagdadalantao. Ang pisngi'y nakaharap sa kinabukasan at ang palad ay hinihimas ang mabilog na tiyan at ang yapus-yapos nito sa loob.

Isang tahimik na yinayakap maski ang ingay. Ang tugtog ng radyo ng kapitbahay, ugong ng refrigerator, dumadaan na sasakyan sa kalye, kuwentuhan ng mga napadaang magkakaibagan, mga patak ng ulan na nasabit sa sanga-sanga't masinsin na dahon ng aksya't baliti.

Isang tahimik na busog sa sarili. Isang tahimik na ipinaghehele ka. Tinatalukbungan ka at ibinubulong, "Bagong hugas ang langit, huwag ka paka-alala. Pawi ang lahat ng uhaw, pati ang sa nagwawalang dagat at bitak na lupa. Magiging maayos ang lahat, ihimlay ang pagal na kalooban."

Ernan at 5:08 PM

0   comments


5.22.2003

May 22, 2003 || 9:44 pm


Walang makakapagkaila na mahilig akong maglakad. Kapag nagpapasa nga ng resume isinasama ko sa interests ang hiking. Pero hindi naman kinakailangan na pumunta pa ako ng bundok para maglakad. Ang totoo'y kahit saan puwede na kapag nagsimula na ang udyok ng paa. Mas maganda kasing pakinggan ang hiking kaysa sa walking.

Kahit saan naglalakad ako at wala ring pinipiling oras. Kahit madaling araw, kataasan ng araw, bumabagyo at kahit kinaumagahan ng bagong taon at puno pa ang kalye ng mga pabalat ng paputok, maglalakad ako.

Kapag kasama mo ako, malamang sa malamang, hahatakin kita maglakad imbis na magkotse. Iyan na nga ang kadalasang inirereklamo ng mga kaibigan at katrabaho. Sa Abs dati'y pinipilit ko silang maglakad para pumunta sa pagkakainan ng lunch kahit tanghaling tapat, kahit naka high heels ang mga babae, kahit nakapormal. Makikita mo kami sa Timog, gutom at init na init, naglalakad kahit napakaraming bakanteng trike o pedicab o taxi. Si Rojan nga pinaglakad ko sa kahabaan ng Recto kahit umaambon. Kinabukasan, nilagnat siya.

Nakapagbabawas ng bugnot ang paglalakad. Kadalasan, kapag walang magawa, susugod ako sa puso ng Sampaloc at maglalakad-lakad sa mga kalye doon. Binabaybay ko mula UST hanggang Recto hanggang Quiapo. Dati sa V ay mas gusto kong lakarin ang kahabaan ng Leviste patungong Alta Productions.

Ang udyok ng paa'y kailangan kong sundin. Galing ng Power Plant sa Rockwell, bumili ng dalawang mansanas, at nilakad ko na hanggang Brash Young Cinema sa may Esteban Street sa may Salcedo Village. O ang lagiang paglalakad mula Recto hanggang bahay, bibili ng chicharong bulaklak sa Lapid's at mamantakan papauwi. O ang pagbaba na pagapang sa bundok ng Banahaw nang ginabi kami at walang dalang flashlight. O ang pagiikut-ikot sa Madapdap Resettlement. O ang gabihang paglalakad sa Baguio mula sa hotel sa Loakan hanggang Session Road. Marami pang ibang lakaran at sigurado akong marami pang kasunod.

Pinapakalma ako ng paglalakad. Paraan ko ito ng pakikisabay sa buhay. Kapag may kinakailangang isipin, dinadaan ko sa paglalakad. Hindi paroo't parito sa loob ng isang kuwarto ngunit pasikut-sikot na paglalakad-lakad sa mga kalye ng Maynila.

Mas nakikilala rin ang lugar sa paglalakad. Iba ang paningin sa hulagpos ng kotse kaysa kapag naglalakad. Payak ang paningin at lapat ang apak sa mga kalye ng paligid. Hindi mo pa kilala ang isang lugar hangga't hindi mo pa ito nilalakad. Iyan ang paniniwala ko. May pagkilala ang paa na kaiba sa pagkilala ng tingin.

Ernan at 9:52 PM

0   comments


5.20.2003

May 20, 2003 || 2:36 pm


I was watching Confessions of a Dangerous Mind when my brother said he was bitten by a scorpion. No, wait. I wasn't watching Confessions. It was Love Hina, I think. Or some other anime or movie. But my brother did claim he was bitten by a scorpion.

He was getting ready to shower. The scorpion was lying in wait in his towel. Well, that was he said. Anyway, he was so giddy it caused a racket. He bragged to everyone. He showed me his arm. It was swelling. A bit. He said he could feel cold sweat. He sprayed the whole house with Baygon. The scorpion stung him, jumped and hid. Somewhere.

I didn't believe him. Because I think there were no scorpions in the house. Second, he was messing my viewing pleasure.

Come to think of it, it's sad. I didn't believe my brother yet I'd believe a stranger. Anything a stranger will tell you, you'd believe. Almost. As long as it's plausible. Well, the scorpion bit wasn't that plausible. But it wasn't highly unlikely either. Especially when he got the chills that night. Just a little bit. He is, after all, no stranger. Family. Blood brother.

Wait, it was Confessions I was watching at that time. But no, I still don't believe my brother. Maybe a little. Just a little. Belief isn't a prerequisite for being family.



This is a true story.
"Your parents, your friends, they gonna come and go, gonna let you down," says Mike, as he watches life go by on the Strip. "But drugs, man, drugs will always treat you the same. Same drugs you saw the other night? You love those drugs for being there. After so long you get dependent on them, you form a good relationship with them. I mean, they outlast parents, they outlast girlfriends, outlast friendships. Any time you ever was down and out, or something troubling you or under your skin, you can always fall back on drugs. Everybody knows where drugs is at."

Ernan at 2:33 PM

0   comments


5.19.2003

May 19, 2003 || 6:21 pm


The Second Coming

Turning and turning in the widening gyre
The falcon cannot hear the falconer;
Things fall apart; the centre cannot hold;
Mere anarchy is loosed upon the world,
The blood-dimmed tide is loosed, and everywhere
The ceremony of innocence is drowned;
The best lack all convictions, while the worst
Are full of passionate intensity.

Surely some revelation is at hand;
Surely the Second Coming is at hand.
The Second Coming! Hardly are those words out
When a vast image out of Spiritus Mundi
Troubles my sight: somewhere in sands of the desert
A shape with lion body and the head of a man,
A gaze blank and pitiless as the sun,
Is moving its slow thighs, while all about it
Reel shadows of the indignant desert birds.
The darkness drops again; but now I know
That twenty centuries of stony sleep
Were vexed to nightmare by a rocking cradle,
And what rough beast, its hour come round at last,
Slouches towards Bethlehem to be born?

   — W.B. Yeats


Pakiramdam ko, itong mga nagdaang linggo, at ang ilan pang mga linggong paparating, hatid ay mga pagbabago. Kung papaano pakikiharapan itong kakaibang panahong ito, iyon ang huhulma ng bukas, at ng sarili. Ang mga kasagutang uusalin ngayon ay siyang hahanap ng sariling daan.

Sa palagay ko, hindi lamang ako ang sinusubok ngunit ang iba rin. May kani-kaniyang pagbabagong parating.

Ikaw? Paano mo pakikisamahan itong hunyangong panahon?

Anuman ang magiging katapusan, kahit alam na mabigat ang bawat desisyon, halos wala pa rin akong pakialam. Tuloy lang ng tuloy. Hinahayaan ang lahat sa simula, sa wakas. Ayaw silipin ang magiging, ang pagpipiring ng mata ay kusa.

Nakapikit na kumakapa. At sana, nagpapakasaya. Hayaan na.

Ernan at 6:27 PM

0   comments


5.13.2003

May 13, 2003 || 12:02 am


Had a beer or three in Xaymaca. Quite buzzed. Quite being the operative word.

At least buzzed enough to decide to walk from Xaymaca home. Which I think is a good 4 to 5 kilometers away. But I'm never good at distances. The time being almost midnight. And I'm a scrawny boy.

At least buzzed enough to walk to Delta. Which is a good four blocks away from Xaymaca. And on the way, I picked up a salt sache from McDonald lying on the cement lot in front of a closed establishment in Timog near Delta. Which I'm bringing out of my pocket since I pocketed it a while ago. I'm trying to figure out what it means.

At least it must mean something. For me to pick it up. It has purple ink stains at the back, lower left side. I'm contemplating whether I should use it. Or open it and put it with our iodized salt container. It looks worn out. I don't what it's telling me. I'm getting superstitious. I don't know if I ever was. I don't think so.

At least not superstitious enough to knock on wood. Or maybe just careless. Like the way I caught the jeep in the middle of the street, in the middle of an intersection. And to notice one of my jeepmate. I tried figuring out whether she/he's a girl or a guy. She/he's in the front, I was at the back. I was curious.

At least curious enough to figure out what she/he really was. I kept looking at the loose of her shirt. Tried peering whether she/he had lumps that would pass for breasts. Scrutinized her/his shirt for visible bra strap lines. Didn't find any. But her/his hands looked soft and her/his nails looked well groomed. She/he seemed soft. She/he noticed me and tried catching my eye. As if telling me to stop staring.

At least I got the point and focused my attention to the guy in front me. Who had two big moles. One in between his eyes (just at the top of the bridge of his nose) and the other at the bottom of his lip. Elmo would have a grand time. Top. And Bottom. Just like Elmo, he's a hairy guy. And he kept squeezing his top mole. Top. I waited for pus and ash to come out. It was a dark mole. Eventually, he did try to catch my eye.

At least I felt a wee bit rude. So there I was. Riding on a jeepney. Quite buzzed. Tried peering over the loose shirt of the person in front of me to see signs of breasts and alternately stared at the big mole of the man opposite me. It was the breasts or the mole. I focused my attention.

And it was that I received life at the moment. Didn't ask for anything else but to ride life. Like a jeepney. Peering over a shirt or staring at a mole. I didn't ask for anything more. It was enough. I think.

At least I had that trip.

Though I still can't figure out the iodized salt. And why it's lying in front me. At my desk. It says, net weight 0.75 grams.

I wonder.

Ernan at 12:12 AM

0   comments


5.12.2003

May 12, 2003 || 12:07 pm


Sa bahay, halos lahat payat pero makakapal ang balat namin. Dapat lang kasi buong araw at buong gabi, mula paggising at kahit natutulog ka, inaasar ka. Kadalasan nauuwi ito sa bulyawan at lagi sa tawanan. Ang umiyak ay pikon at ang sumigaw ay talo. Ang tamang sagot sa pangaasar ay pangaasar din o kaya, simple, huwag mo pansinin.

Kaya mahirap kapag bumabiyahe at nakukulong kaming magkakapatid sa kotse. Dahil walang magawa, bumabaling kami lalo sa isa't isa. Turuan at ungkatan ng mga sala, kantiyawan, pagkain at tubig, paghilig sa katabi at style para makakuha ng mas malaking puwesto—lahat iyan pinagmumulan ng gulo. Natatahimik lang kami kapag tulog lahat o kapag narindi ang magulang at papagalitan kami. Ngunit kahit mapagalitan, tuloy pa rin. Magbubulungan, magbabanta, sikuhan, kahit ano basta tahimik at di makikita o maririnig ng ama't inang nasa harapan.

Ngunit may mga tagpong nagkakasundo kami. At kapag nasa kotse, siguradong pakikinig ng musika iyon. Hindi naman lahat dahil lagi namang may patugtog. Kundi radyo o mga CD na bitbit. Pero may natitiyempuhang kanta na kabod kaming kumakalma, kusang hihinto sa pagkukuwento at girian. At on cue, sasabay sa kanta. Para bang Tiny Dancer moment sa Almost Famous. Kapag ganoon, maayos ang buhay at payapa.

Hindi naman madalas ang mga ganitong tagpo ngunit pasasalamat na dumarating. Tulad na lamang sa pagalpas sa trapik sa North Expressway noong nakaraang Mahal na Araw at kasagsagan ng pagod at mababa ang pasensiya naming lahat, narinig namin si Fiona Apple na kinakanta ang "Across the Universe". At kahit mali-mali ang lyrics, sabay-sabay kaming umawit. Jai guru deva om. Mga katagang di maintindihan ngunit panaboy ng alitan. O ang "Leaving on a Jet Plane" ng Peter, Paul and Mary noong Sabado habang patungong Enchanted Kingdom. Na kahit na ang ama koy nakikanta.

Iba talaga ang nagagawa ng musika. Himig nito'y hangin sa nagkakainitang kalooban. Kahit panandalian lang.

Ernan at 12:33 PM

0   comments


5.09.2003

May 9, 2003 || 2:09 pm


Mga pabaon ng Galera:
Ilang bagong kakilala. 14 sugat at galos. Balik sa hilig magtanggal ng sapatos o tsinelas at manalampakan lang. Pagkabighani sa buhangin. Alaala ng mga bato, maliit at malaki. Pagsukat sa sarili sa kadugasan ng karagatan. Ang paglingkis saglit ng ilang buhay.




"The currently reigning archeological theory holds that writing as we know it began not as marks made on paper or skins, or even impressions made on soft clay with pointed sticks, but rather a set of clay tokens in the shapes of spheres, half spheres, cones, tetrahedrons, and—at a later date—doublecones (or biconoids), as well as other shapes, some with holes or lines inscribed on them, some without."
    - S.L. Kermit, January 1981

Ang mga ganitong bagay ang hindi naituturo sa atin sa eskuwela. Lagi tayong nahuhuli.

Katuwang isipin na nagsimula ang pagsusulat sa isang tunay na panggagaya. Ang pagsubok na humulma ng mga bagay sa paligid, sa madaling paraan at maibubulsa. Mula roon ang pagsusulat na alam natin ay nangyari sa paggaya mula sa panggagayang ito. Hanggang mabura ng tuluyan. At lumabas ang isang sistema na mga letra. Na mawala ang panggagaya, at mailipat sa isang aktong cerebral (imbis na sa mismong biswal na pagsusulat). Sa paggamit ng mga metapora. Sa pagbuo ng mga tula.

Tinataya rin ng mga arkiyologo na bago magkaroon ng sariling alituntunin sa pagbibilang ang isang sibilisasyon, kinakailangan munang nailatag na ang isang sistema ng mga salita, isang wikang matatag at di madaling mabuway.




May mga naniniwala na ang Culhar text ang pinakamatandang naisulat na sadyang texto. Iyon bang alam ng nagsulat na itinatala niya ito para sa susunod na henerasyon, para sa mga ibang babasa.

Ang isa sa mga bersiyon ng pambungad:
"...the irregular roofing stones of the sunken buildings mold the waves from below into tokens so that passing sailors looking over their boat rails can read their presence."

Nakapanlalaki ng dibdib at sabihing kauri ko (tao) ang nagsulat niyon. Ang mga salitang unang natala ay tubog sa pag-iisip at imahen. Hindi kabalbalan o pang-uusig. Ngunit isang balangkas na nagsasabing mag-ingat sa kapuwa tao.

Ernan at 2:43 PM

0   comments


5.08.2003

May 8, 2003 || 6:41 pm


Mahilig ako sa mga sorpresa. Sa mga bagay na sinusumpungan ka samantalang hindi ka nakatingin. Tila binabali nito ang matuwid na linya ng araw-araw na pamumuhay. At sa saglit ng tuwa o gulat, napalulundag ka rin sa labas ng normal. Plane shifting.

Kaya salamat, salamat kay Neva na nagbigay ng Out of Africa sa akin. Sa hindi inaasahang libro, sa napakagandang kopya, mabango pa ang amoy! Sa pagkakataong mabasa ang unang parte habang tumutugtog ang Ciudad ng Radio Guy at umiinom ng Colt 45 at kumakain ng dirty ice cream.

Kakaiba talaga ang unang talata ng Out of Africa. Na nagsisimula sa "I had a farm in Africa" at tutungo sa pagbigkas ng "Here in the highlands you woke up in the morning and thought: Here I am, where I ought to be."

Ernan at 6:51 PM

0   comments


5.07.2003

May 7, 2003 || 6:06 pm


Okay. I am officially out of Absi as of today. There's no need for me to get my butt over to Mother Ignacia Ave., 9 floors up everyday.

That was one decision down. Well, I was undecided till the last minute on what to do. And just found out that the MA applications closed yesterday for this semester. So there goes my contingency for doing something worthwhile.

I'll see where this will lead me.




Doing nothing while on the net leads you to all sort of sites. A friend of a friend mentioned this one, so I checked it out. Good place to while away the time. HOT OR NOT. It's teaching me to settle for lesser things.




Later it's the birthday bash of my favorite designer. Kahit wala akong puwedeng suotin sa mga designs niya.

Happy Birthday Mich Dulce!

and since we're on that topic and i haven't said my regards to the other celebrants

Belated Happy Birthday Neva!

and oh Belated Happy Happy din Mr. Joey Brash!

Ernan at 6:05 PM

0   comments


5.06.2003

May 6, 2003 || 9:40 am


Apat na araw sa Galera at ilang mga bagay ang natutunan ko.

Mabilis mag-init ang buhangin.
Papel ang laman kapag kinaskas sa bato.
Matagal magdugo ang paa.
Malalim ang katahimikan kapag napapasok sa kuwarto na puno ng mga banyaga.
Mainam ang serbisyo ng McDonald's.
Makalat ang mga tao.
Makakakita ng apat na shooting star sa isang gabi.
Mas mahal ko ang bundok at patag.
Magaling sumiksik ang buhangin sa mga tagong parte ng katawan.
Hindi pala parang kuna ang bangka.
Lapastangan ang dagat.




Samantala, ang matagal ko nang ikinukulit sa mga kaibagan na Taal. Ilan sa mga litrato. Baka sakaling mapapayag ko kayo sa susunod. Saka na muna ang mga kuwento.

papaakyat


pagdating sa itaas


ang dahilan

Ernan at 9:55 AM

0   comments