5.08.2003

May 8, 2003 || 6:41 pm


Mahilig ako sa mga sorpresa. Sa mga bagay na sinusumpungan ka samantalang hindi ka nakatingin. Tila binabali nito ang matuwid na linya ng araw-araw na pamumuhay. At sa saglit ng tuwa o gulat, napalulundag ka rin sa labas ng normal. Plane shifting.

Kaya salamat, salamat kay Neva na nagbigay ng Out of Africa sa akin. Sa hindi inaasahang libro, sa napakagandang kopya, mabango pa ang amoy! Sa pagkakataong mabasa ang unang parte habang tumutugtog ang Ciudad ng Radio Guy at umiinom ng Colt 45 at kumakain ng dirty ice cream.

Kakaiba talaga ang unang talata ng Out of Africa. Na nagsisimula sa "I had a farm in Africa" at tutungo sa pagbigkas ng "Here in the highlands you woke up in the morning and thought: Here I am, where I ought to be."

Ernan at 6:51 PM

0   comments

0 Comments

Post a Comment