10.27.2002

October 27, 2002 || 6:31 pm


Noong ilang mga linggo bumuhos ang trabaho. Ilang araw din akong ginagabi sa opisina. Di ako magkanda-ugaga sa trabaho. Kaya nga't nabitiwan ko at iniwan ang ibang gawain maliban sa trabaho.

Nakakalat ang mga CDs at libro ko sa bahay. Hindi na ako gaanong makapanood ng sine. Malimit na ring lumabas at mag-good time. Hindi na ako nakakapanood ng TV. Hindi ko matapus-tapos ang librong binabasa ko. Gulu-gulo at kung saan-saan na ang mga damit ko. Pagkagaling sa trabaho'y sa kama kaagad ako dumidiretso. Iidlip sandali, gigising para kumain ng hapunan, tulog ulit. Pagkagising sa umaga, sabak uli sa trabaho.

Nang lumuwag-luwag ang trabaho at maari na akong umuwi ng maaga, hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko napakarami kong oras na libre. Kung kailan puwede ng manood ng sine at gawin ang lahat-lahat na iniwan mo, nawawalan ka ng gana. Parang sa sobrang dami ng libreng oras, tinatamad ka at gusto mo na lang sumalampak at tumitig sa alangaan. Gaya ngayon, wala akong ginawa buong araw kundi humiga at magpabandying-bandying.

Pero di ibig sabihin nito na gusto kong mabuhusan uli ng trabaho. Hindi na lang ako sanay ng walang ginagawa. At kung walang pupuwersa ay tinatamad akong kumilos. Masasanay din ako uli sa mga bakanteng oras. Samantala, pakikinggan ko muna ang "A Final Hit" ng Leftfield. Mamaya na ako kikilos.

Ernan at 6:32 PM

0   comments


10.26.2002

October 26, 2002 || 1:28 am


The Great Dragon and the Woman Clothed in SinMabigat ang loob ko at ayaw kong matulog. Hindi. Sa palagay ko, kahit gustuhin kong matulog hindi ako makakatulog.

Nanood ako ng Tesis at Red Dragon. Kauuwi ko lang. Hanggang ngayon may kaba pa rin sa dibdib ko. Kay tagal ko nang hindi nakaramdaman ng takot. Sa Tesis, pasundut-sundot lang ang kaba. Kaunting gulat at kaunting lukso. Ngunit sa Red Dragon, mula simula hanggang dulo, kahit hanggang ngayon! kinakabahan pa rin ako. Walang partikular na scene ako natatakot. Sa buong pelikula, sa buong pagkakataon may namumuong itim sa puso ko.

Nagkamali ako. Kamakailan lang nasabi kong natatakot ako at hindi ako natatakot. May kinakatakutan ako. Nasabi ko lang iyon sa kamatayan at naisip kong aklaw na nito ang lahat. Hindi pala.

Kaya ako takot na takot sa Red Dragon ay dahil tao ito at hindi mumo tulad ng sa Ring. Hindi alien, hindi katawang sinapian ng espiritu, hindi bampira, hindi monster. Tao. Na maaring katulad mo o katulad ko. Kinatatakutan ko pala nang husto ang Mr. Hyde na nagtatago sa ating lahat. Na kaya ng isang tao gumawa ng ganoong klaseng kalagiman. Natatakot ako sa mga posibilidad. I am the dragon.

Hindi ako takot sa biglang kamatayan. May saysay man ito o wala. May dahilan o ihip hangin. Takot ako sa sadya at dahan-dahang kamatayan. Sa malice. Sa planado. Sa murder. Hindi ng mga normal na kadahilanan tulad ng pagnanakaw o galit. Hindi sa normal na paraan tulad ng baril o saksak.

Matagal na akong hindi natakot. Nakalimutan kong namamawis nga pala ang palad mo kapag takot ka. Papauwi na ako nang mapansin kong basa ang palad ko. Bago ko ito pinunasan, inilapit ko sa ilong ko. Ngayon batid ko na ang amoy ng takot. Susubukan kong hindi na muling kalimutan.

Ernan at 2:33 AM

0   comments


10.24.2002

October 24, 2002 || 10:23 am


I used up my deodorant today so I went to my brother's desk and looked for his. I found it. It was a deodorant spray flavored Ice Tea. I had no other alternative so I sprayed it on. It does smell like Ice Tea. My armpits smell like a cold beverage now. The makers probably thought: Ice Tea. Refreshing. Armpits. Cool. I wonder if it's refillable.

Ernan at 10:33 AM

0   comments


10.23.2002

October 23, 2002 || 12:11 am


Lamang lang ng ilang araw ang pagiging Aries ko sa Pisces. Pero maari pa rin akong masabing nasa cusp ng Aries at Pisces. Ngunit sa palagay ko'y mas Aries ako kung tubig at apoy din lang ang pagbabasehan.

Mas nakakayanan ko kasi ang init sa lamig. Isa sa pinakamatingkad na naalala ko sa kabataan ko sa Pampanga ay ang paglalakad ko sa Spraco sa tanghali. Buhusan ng tubig ang Spraco na galing sa factory ng asukal. Para siyang dalawang malaki't malawak na swimming pool. Swimming pool na hindi binungkal ngunit itinayo sa lupa. Samakatuwid, nagtayo sila ng enclosed na apat na pader (mga 12-15 feet siguro ang taas). Sa gitna ng Spraco ay mga matatabang tubo kung saan lumalagos ang tubig.

Magkatabi ang dalawang buhusan ng tubig at ang hilig naming mga magpipinsan ay akyatin ang dingding at maghabulan sa ibabaw ng dingding. Nabanggit ko ba na wala pang 1 foot ang lapad ng itaas ng dingding at may mga nakausling tubo sa ibang part? Lagi kaming naghahabulan dito. Kung minalas ka't malaglag, nilulumot na tubig ang babagsakan mo at humanda kang kumaway sa mga palakang kokak o kung sa isa ka namang pool bumagsak (na huwag naman sana), magdasal ka na huwag sana malapnos ang balat mo dahil mainit ang tubig. Pero teka at nawala na ako.

Isa sa pinakamtingkad na alaala ng kabataan ko sa Pampanga'y ang pagtatalunton nga sa mataas na pader ng Spraco habang tanghaling tapat. Mataas ang sikat ng araw at sakto ang sinag sa mata kaya't kadalasan pumipikit ako habang nilalakad ang pader. Halos mamuti't mangitim ang aking paningin kahit nakapikit dahil sa lakas ng sinag. Damang dama ko ang halik ng araw sa aking kanang pisngi at ang mainit nitong tapik sa braso. Nararamdaman ko na tila tinutusta ang balat ko at iniisip kong unti-unti itong nagiging pula tapos brown.

Pati sa pagtulog mas nanaisin kong mainit kaysa malamig. Kapag tanghali nga't tinamaan ako ng pagkamainit, matutulog ako ng walang aircon at di binubuksan ang electric fan. Kaya't paggising ko'y basang-basa ako sa pawis.

May butil nga kaya ng katotohanan sa mga zodiac signs? Kung ipananganak kaya ako ng ilang araw at naging full-fledge na Pisces, mas magiging magiliw kaya ako sa mga basang bagay? Mas gugustuhin ko bang lumangoy sa dagat kaysa magbabad at maglakad sa init ng araw? Ewan. Dapat nga bang pinag-iisipan ang mga ganitong bagay?

Ernan at 12:11 AM

0   comments


10.19.2002

October 19, 2002 || 9:49 pm

I know I laugh at the most inopportune moments. Sometimes even I myself don't understand why. I can't help it. Strange comfort I found reading Bram Stoker's Dracula.

"Do not think that I am not sad, though I laugh. See, I have cried even when the laugh did choke me. But no more think that I am all sorry when I cry, for the laugh he come just the same. Keep it always with you that laughter who knock at your door and say: 'May I come in?' is not the true laughter. No! he is a king, and he come when and how he like. He ask no person; he choose no time of suitability. He say: 'I am here'...Oh, friend John, it is a strange world, a sad world full of miseries, and woes, and troubles; and yet when King Laugh comes he make them all dance to the tune he play. Bleeding hearts, and dry bones of the churchyard, and tears that burn as they fall—all dance together to the music that he make with that smileless mouth of him."

Ernan at 9:53 PM

0   comments


October 19, 2002 || 2:09 am


I am so happy. My little sister's taste in music has developed. Before all she listened to were Side A ballads, boy bands and Top 40 hits. Not that there's anything wrong with that but I know there is more beautiful music she should discover. And she did it all on her own.

It started with Eminem (a decent start may I add). Last Christmas she wanted Eminem's Marshall Mathers LP and N'Sync's No Strings Attached. Then she discovered Fiona Apple among my CDs and before I knew it she's singing Paper Bag. After that, for a couple of Sundays, I woke up to Radiohead's Everything In Its Right Place, her wake up music.

Just this evening I found a compilation CD she asked a friend to burn for her. And they are all beautiful songs. I'm a proud brother. Just look at the tracks she picked.

1. Aimee Mann - Wise Up
2. Tori Amos - 1,000 Oceans
3. Eddie Brickell - Circle of Friends
4. Ani di Franco - Untouchable Face
5. Frente! - Girl
6. Fiona Apple - Across the Universe
7. Sarah McLachlan - Blackbird
8. Fiona Apple - Never is a Promise
9. Janet Jackson - Everytime
10. Sarah McLachlan - Adia
11. Dave Matthews Band - The Space Between
12. Counting Crows - Colorblind
13, Dave Matthews Band - Where Are You Going?
14. Coldplay - In My Place
15. Massive Attack - Teardrop
16. Oasis - Stop Crying Your Heart Out
17. New Radicals - Crying Like A Church On Monday
18. Tenacious D - Wonderboy

She likes these songs despite getting flak from her friends. They do not listen to these type of songs and they find them obscure and weird.

I feel so much like an early Christian who has converted a pagan. Now, I'm trying to make them read good novels and poetry.




Kanina nagpunta kami sa MMLDC. Hindi ko na sasabihin kung bakit kami pumunta doon dahil maasar lang uli ako. Pero heto ang kuwento, doon kasi maraming ibon. May aviary sila. May mga sari-saring ibon na makikita. Mula sa malilinggit hanggang sa malalaki. May mga pipit, maya, parrot, macaw, pabo, pheasant, pink flamengos, bibe na sari-sari ang klase't kulay, swans na puti at itim, emu, ostrich, at iba pa.

ang pheasant. bow.Nagtungo ako sa aviary park kung saan nasa malalaking hawla ang mga ibon. Makipot ang daan at ang mga hawla'y magkabilang panig. Mga pheasants na galing India ang tinitignan ko. Pinagmamasdan ko ang magaganda at makikinitab nilang balahibo. Kulay asul at berde. Para makita kong maigi, tumalungko ako at minalas ko silang mata sa mata, sa paraehas na taas. Dahan-dahan naglapitan sila sa akin. Napansin ko ang mga mahahaba at flexible nilang leeg, ang katigasan ng mga tuka nila, ang titig nilang nakakaloko kung kumurap. Napansin ko na lang na pati ang mga pheasant sa likod na hawla'y nagkumpulan. Kung baga, pinapalibutan nila ako. Nahintakutan ako bigla. Naintindihan ko ang takot ni Rocky sa mga ibon. Tila kayang-kaya nilang pagtulungan at patumbahin ang isang matangkad na nilalang at saka pagtutuka-tukain.

good ostrichBinisita ko pagkatapos ang mga ostrich. Una'y akala ko nakakatakot sila dahil kay lalalaki nila. Mas malaki pa sa akin ang mga iba. At kung tumakbo'y sabay-sabay, akala mo'y masasagasaan ka nila. Ngunit napakabait nila. Pinakain ko sila ng mga damo. Samantalang ang mga emu naman daw, ayon sa nangangalaga nito, ay mga tarantado't siga. Kapag pumasok ka sa hawla nila'y pupunta sa likuran mo at saka tatakbo patungo sa'yo at sisipain ka para ika'y matumba.

Naisip ko tuloy kung papaano ang makisalimuha sa mga hayop na iba't ibang klase. Paano kaya ang paningin ng mga naninirahan sa African wild life? Sa maikling pagkakataon na nakatagpo ko ang mga kakaibang hayop na iyon, naturuan nila ako ng pasensya at kung paano magmatyag. Ang kilalanin at respetuhin ang pagkaiba nila. Nainggit tuloy ako ulit kay Karen. Sana masabi ko rin, "I had a farm in Africa."

Ernan at 2:03 AM

0   comments


10.17.2002

October 17, 2002 || 9:30 pm


Muling sumagi sa isipan ang dating laging binabanggit sa sarili. Natatakot ako dahil hindi ako natatakot.

Namuo ito nang mapansin ko sa sarili na hindi ako takot na mamatay. Na kung sa pagtawid ko ngayon sa kalye'y masagasaan ako ng dambuhalang trak, okay lang. Na kung makakausap ko ang Diyos ay makikipaglokohan ako. Na kung mapadpad ako sa impiyerno, e ano? Na kaya kong isipin na halos lahat at hindi ako matitinag. Para akong istatwa na kahit anong ibato ng tadhana sa harap ko'y tatanggapin ko. Walang kurap. Isang halakhak lang ang katapat.

At iyon mismo ang kinakatakot ko. Na isang tumpok lang ako. Na sa pinakadulo, tatanggapin ko lahat o babalikwas sa lahat. Dahil kung gaano kadali tanggapin ang mga nangyayari sa buhay, ganoon din kadali talikuran ang lahat-lahat. Isang kibit-balikat. Paalam.

Ang tanging sasabihin at iiwan ay, "e ano?"

Ernan at 9:33 PM

0   comments


10.14.2002

October 14, 2002 || 11:33 pm


My cellphone remembers names. You can teach it words so you don't have to spell it out exactly. It has the smart T9 dictionary function. If you use certain words frequently, it remembers them for later use. Even those outside of the English language. That's why it remembers important words such as Katipunan, punta and paalam.

I didn't know it can also forget as easily. A few days ago, a common friend texted me, asking me to forward her email address. As I was typing her name and email address, her name didn't appear. I was saddened. I never noticed how I stopped using her name. I don't want my cellphone to forget her. Not this phone. Especially since I bought it so she can easily talk to me. I never really have a need to have a cellphone.

I keyed in her name on my phone. Over and over again. So the phone won't forget. So it might learn her name again. Like a peristent tutor, I drilled it in. I filled the whole screen. I exhausted the limit.

Late eve Saturday, Alia, Chris, Alexis and I were walking towards Starbucks from Ateneo after the bonfire. We passed by Eagle's park. In between remembrances of the Heights costume Christmas party and tales of flood, I managed to squeeze in the long walks she and I used to take. We would walk the whole of Ateneo and the Miriam grounds at night. I looked at the trees and noticed how tall they are, vainly trying to see if they too remember those long dark walks.

Starbucks was full that night. There was a low, incessant drone of chattering. I focused and tried if I could hear her voice that one last night. I couldn't and the noise made my head ache. Outside, I realized how she is being rubbed off everything. How everything starts forgetting her. Even my cellphone. But I don't want them to. No, not yet.

Not yet.




Forgive me. I slept all day and this is fast becoming a long night.

Ernan at 11:57 PM

0   comments


10.13.2002

October 13, 2002 || 4:30 am


I can't sing for shit.

It's true. Everybody knows it and I don't deny it. How can you deny a gargling noise or monotone syncopation? When I was a kid, it used to bother me. I remember Alexis (not you Eggy) trying to teach me "Could've Been" in front of Mr. Dejarme's house. "The flowers you gave me are just about to die."

Well, the flowers did die and my voice wasn't better because of it. Not even with all those afternoon voice exercises when I joined the elementary choir. I was bass. They said to lower my voice. I lowered my chin. At least I tried. I got to sing only once at mass.

But after listening to myself sing for how many years, I got used to my own voice. And now, most of the time, when I sing, I honestly believe that I'm in the right tune. It's all in the head. I am past caring whether I am or not. It matters only that I enjoy the tune and I know that I get it. So there goes the la la.

When people first hear me sing, they usually smile politely or tell me right off to stop. Usually I just smile and continue anyway. They'll get used to my voice. You get used to everything. Even hell.

Ernan at 4:31 AM

0   comments


10.08.2002

October 8, 2002 || 1:13 am


Halos alas-kuwatro ng madaling araw. Si Chris, si Joey at ako. Nakasalampak sa sahig at hinihintay ang beer. Kuwentuhang walang wawa. Nagkakalokohan at nagkakatuwaan. Pinag-uusapan ang musika, pelikula at mga kakilala. Nang simpleng simple, "I broke up with Marge." Ilang diretsang katanungan mula sa amin at bumalik ang usapan sa Spy Kids.

Walang halong iyak. Ni pangangatal ng labi. Isang bagsak. Kadalasang ganyan ang bahagian kapag lalaki sa lalaki ang usapan. Isang pag-aamin na tila di pinag-isipan. Na bigla lang hinugot. At pagkatapos ilang katanungan na tila walang importansiya. Ilang walang pakialam na kasagutan ngunit malaman. At matapos, siyempre pa, ang kantiyawan. Ang asaran. Ang mabigat na dalahi'y laging nagiging magaan. Na ang dinaramdam ay isang katatawanan. Ang katumbas ng lahat ng problema'y isang case ng beer at sisig. Solb na ang buto-buto't puso mo.

Ngunit paminsan-minsan, tumutungo pa rin ako sa mga kaibigang babae. Kapag may dalahing magulo't dapat ayusin. Sila ang mahilig mangusisa. Magtanong. Ang mga kasagutan mong tuldok ay babatakin nila sa isang kuwit para may kasunod na tugon. Umuukilkil ang bawat katanungan. Minsan may kaunting pangingilid ng luha. Minsan may panunumbat. At laging may pangaral. Kapag babae ang kinakausap mo, nararamdaman mong pilit niyang iniyuyuko ang kanyang damdamin para magtugma kayo. Ngunit nakakapagod ang mga ganitong usapan. At kapag lagi mong ginagawa, siguro'y nakakaloko.

Kaya nga't kapag mag-aangst ako'y sa mga taong nakasanayan ko na. Na makakaintindi ng mode ko. Na hindi ako tuluyang sasabayan sa nararamdaman. Na prepreno sa pagbuhos ng damdamin.

At paano ko malilimutan ang mga pagkakataong binubulabog ka sa gitna ng gabi at kinakailangan may makausap. Isa sa pasasalamat ko at may text. Ang mga batuhan naming mga nangungulila o kaya'y mga nangangapa. Nariyan na ang mga biglaang text messages na di mo halos maintindihan kung tungkol saan ngunit alam mo kung bakit ipinadala sa iyo at kung ano ang nais paratingin. Gaya na lamang nito, "The years are making themselves felt tonight. I am confident that things will turn out right." na mula kay Larry. O ang mga manaka-nakang text ni Sheryll, "I'm out of the woods darling." O kaya'y ang pagdating ni Mookie, "Morgan, the pyjamas are so lonesome without the orangutans".

Nakakatuwang isipin na kahit sa pagbabahagi may nababagay na pagsasabihan at paraan. Minsan nga't subukan ko ring bumulong sa isang butas sa pader. Sa isang simbahan man o sa isang nililimot nang templo. Anumang bigat ang kinikimkim, may kaluwagan na katapat.

Ernan at 1:33 AM

0   comments


10.07.2002

October 5, 2002 || 7:00 pm


WIN or lose it's the school I choose. Enough said.

Ernan at 12:03 AM

0   comments