2.28.2003
February 28, 2003 || 2:48 amHuling araw na ng Pebrero at papatak na ang buwan ng kapanganakan ko.
Hindi ko naman talaga pinakakaabangan ang bertdey ko. Ni hindi ko nga ipinapaalam sa ibang tao. Nariyan na ang pag-iba sa application forms ng birthdate ko, ang pag-celebrate sa iba't ibang date. Hanggang ngayon pa rin ata, kapag tinanong mo ang mga kabarkada ko sa kolehiyo kung kailan ang bertdey ko, kamot sa ulo lang ang maisasagot nila.
Ang nakasanayan ko, ang mag-celebrate kasabay ni Mely. Para tipid. Ang dami kasing gutom na kaibigan sa mundo at kailangang pakainin. Nagulat nga ako at kamakailan ay nag-text si Mely na sabay daw ulit kami.
Ang hindi niya alam, ilang taon na rin akong hindi nagse-celebrate ng bertdey. Hindi nanlilibre, wala ring pakain sa bahay. Mas gusto ko nga ang simpleng bertdey. Kapag sinabi kong simple, ibig sabihin ko, walang selebrasyon. Kahit papansit man lang sa bahay, wala. Isang ordinaryong araw na lilipas din.
Ngunit ngayon, may namumuong plano.
Binabalak ko na simulang basahin ang sinasabi nilang the best book of the last century, ang Ulysses ni James Joyce, pagsapit ng kaarawan ko. Hindi lang pagsapit ng araw kundi pagsapit ng mismong oras, bubuksan ko ang libro at babasahin ang unang salita.
Hindi ko alam kung bakit may ganitong importansiya ang aktong ito sa akin? Siguro kasi nahikayat ako ni Ben Santos. Nang umalis siya sa Pilipinas papuntang Amerika, ito lang ang bitbit niyang libro.
May kalakip na hamon ito sa'kin. Hindi lang sa kapal ng libro ngunit sa hirap na rin daw intindihin. Batay nga sa ibang likha ni Joyce, magaling siyang gumamit ng wika at kung anu-ano ang naitatago niya at ipinapalabas sa pamamagitan ng mga salita.
Siguro'y pag-amin na rin ito sa papasulong na edad at simulang seryosohin ang mga bagay-bagay. Dapat hindi lagi-laging katulad ni Ulysses na palibot-libot at dinadala-dala ng alon.
Ernan at 2:56 AM
2.27.2003
February 27, 2003 || 11:08 amSurprise surprise! The Orange BAFTA winners are out and the winners are a hoot and a holler. I think Humpty will be mighty glad that The Pianist and Daniel Day Lewis won.
Best Film - The Pianist
Best Direction - Roman Polanski, The Pianist
Best Original Screenplay - Pedro Almodovar, Talk to Her
Best Adapted Screenplay - The Kaufman Brothers, Adaptation
Best Actress - Nicole Kidman, The Hours
Best Actor - Daniel Day Lewis, Gangs of New York
Best Supporting Actress - Catherine Zeta-Jones, Chicago
Best Supporting Actor - Christopher Walken, Catch Me If You Can
For a complete list, go here.
Ernan at 11:18 AM
2.26.2003
February 25, 2003 || 11:55 pmMarami ang nagsasabing mapang-asar ako at brutal. Hindi nila alam, may pinagmulan 'yun. Kung mapang-asar ako o hindi ako madaling maasar, kasi kailangan. Dahil ang pamilya ko, brutal kung manlambing. Hindi mo kami maririnigan ng "I love you" o "good job" man lang. Pagtatawanan ka. Ang style namin, asaran.
Alaskador kaming lahat. Mula sa daddy ko hanggang sa pinakabunso.
Kanina nga lang, nagpacheck-up si Mairene dahil may mga pasa siya, at ang tagal gumaling. Dalawang linggo na yata. Nahihilo pa siya lagi at namumutla.
Alam mo ang ginawa namin nang malaman 'yun, hinanap namin ang A Walk To Remember at iniwang naka-play. Para makita ni Mairene. At nang makita niya, inasar namin siyang Mandy Moore. Kasi si Mandy Moore may leukemia sa pelikula. At kumanta kami ng Cry. Kasama pa ang hand actions. Tinakot pa naming may leukemia siya at mamatay na in a few months. Hinanap pa namin sa Medical Encyclopedia ang symptoms at description ng leukemia.
Bait namin ano?
Pero siyempre, hindi ibig sabihin noon na gusto naming magka-leukemia si Mairene. Katuwaan lang. At sinong di kinakabahan sa resulta ng test niya? Lambing brutal lang.
Dito sa bahay, kailangan sanay ka na sa kantiyaw. Dapat balat rhinoceros ka. Pero hanggang dun lang 'yun, mahal pa rin namin ang isa't isa. Nagkakahirapan lang magsabihan. Naku, ano naman ang saya sa paiyak-iyak at solemnity. Mas maayos na ang halakhak sa alaskahan. Ganun din 'yun basta nagkakaintindihan.
I'm totally in love with my new gadget. I know I said it before that I'm anti-cellphone. But this one's just useful. It has a flashlight! A calorie counter! No seriously, it knows the temperature! It has radio! It's the Nokia 5100.
Mine's dark grey. I just bought it and I'm a happy clam.
But wait!
I'm selling a spankin' brand new Nokia 3530. It's colored LCD, MMS, polyphonic tones, etc. Click on the picture for the features.
I checked Greenhills and they're selling it at 8,700. So I'm selling mine around P8,000. It's Smart locked but it has warranty. Unlike sa Greenhills na one month service lang ang makukuha mo.
So just holler.
Ernan at 12:00 AM
2.24.2003
February 23, 2003 || 10:32 pmHow do you sum up a weird night?
With seven bottles of beer and two dextrose doses on a relatively empty stomach. How you floundered like a gutted fish for a worthwhile conversation. The breezy night chilling more than the bones. Discovering you never wanted to dance. No, you used to. That you don't ever want to again. Ever. Well, not with that kind of scene.
How you learned concessions and never left high school. Really. Because you've never had high school. Fun is bought by loosening up. Way past caring and sliding. And sitting in probably the same chair, ribbing a friend, slipping glances to the girl in white, that girl in white, and chuckle.
Then the weight of everything knocks you down. You look for the exit and starts a teasing talk with someone far away. Because it's easy. Because it's safe. Then blacking out is the simplest thing to do.
And when you wake up. It isn't the splitting head. Rather the emptiness. You would have gladly wanted a hangover. You would have taken an aspirin. Instead, you turn to Alice's Adventures in Wonderland.
It was that weird. And that particular. You will forget the night, in time.
Ernan at 10:33 AM
2.21.2003
February 21, 2003 || 12:25 amTaxi drivers make for interesting though sometimes awkward conversations. It's either they bitch about the government and the traffic, talk about other passengers (famous or infamous, usually famous), reveal their sad lives, or ask about yours. Sometimes it's good therapy. Or just a way to not fall asleep until you arrive home.
A sample conversation.
Me asking if he'd go to Sto. Domingo (I'm always polite. If he doesn't want to go where I go, why bother arguing? They win anyways and you'll just end up upset.) Driver saying get in. Then he starts about how do I think cellphones with a camera cost. Then asks how much he could have sold one for. Then reveals a passenger left his phone. A high tech phone with a cam. He's asking me if he did the right thing returning it. The cellphone owner gave him 2,000 bucks. Smugly, I smile and nod. Then he tells how he got robbed at QA for 3,000 bucks. Then rants about slow trucks. Then back to where do I think he could have sold the phone. Then me asking maybe next time he should just keept the phone and use it. Then driver says something about karma. That he probably did the right thing. Then remembering that those phones probably fetch, at the lowest, P20,000. Then me asking him to pull over my house. Then driver tells me next time someone forgets their phone on his taxi, he won't return it and keep it for himself. As I was going down, he adds, "puwera lang kung telepono mo." Maybe there are no slow trucks in hell and maybe he'd have a grand time there.
Just realized I'm getting jaded. Used to be that I get excited easily. Now, I don't. Went to Powerbooks and saw all those books and bought The English Patient by Oondatje and Choke by Palahniuk but no enthusiasm. I know I want the books. Especially, Saint-Ex's. But no rush. It has been a long time my fingers trembled holding a book or a CD. Not even with music. Used to be I'd starve to buy a book. And now it has been so long since I bought a book and gush over it.
At least the movies still excite me. I guess, I'm still spared. Thinking about The Hours again. It makes me high again.
I want to be like a kid again. Grinning whenever I'm at the bookstore. Now it's more like, ho hum, wala pa ako ng libro na 'yan. I have to buy it and read it sometime.
Weird. I suddenly miss Wind, Sand, Stars.
Ernan at 12:14 AM
2.20.2003
February 20, 2003 || 5:23 pmNoong isang linggo, naglalakad ako sa may Katipunan at di inaasahang makasalubong si Arianne. Dati naming kalaro si Arianne sa Dungeons and Dragons. Half-elven ranger siya at walang magawa sa buhay kaya nakitambay sa amin kahit alas-onse ang simula ng mga laro hanggang kinabukasan ng madaling araw.
Ang bati ko sa kaniya'y pagkagulat at di yata sinaloob ang pagiging ranger at ngayo'y mahaba ang buhok at mukhang ilang araw na di sinuklay. Ang galing naman ngbati niya at hindi pagpuna sa ikli ng buhok ko ang salubong niya kundi, "Hindi ka naka-white shoes." Napangiti na lang ako.
May mga bagay nga naman talaga na naikukunekta mo sa mga tao. Na kahit siguro magbago ang hitsura o mabura ang mukha sa alaala, buo at makinang pa rin ang bagay na 'yun. At doon mo siya maalala. Tulad na lamang ng bigote ni Chaplin o sa mas personal na aspeto ko, ang dilaw na bag ni Rex noong Grade 5, ang mga one solid dark color shirts ni Etta, ang payong ni PJo (kahit di naman talaga kami magkakilala at kahit di na niya bitbit). Hindi ko lubos maisip na ako'y mayroon din palang distinct object. White shoes.
Na lagi nang ugat ng tawanan sa V. Si Cong. White Plains at si Mr. White Shoes. Na bigay pa sa akin ng tito ko. Na isinusuot ko kapag tinatamad magmedyas. Na siguro'y ang pinakalagi kong nililinis na sapatos sapagkat puti. Na iniisip kong puwedeng tap dancing shoes dahil maganda ang lapat sa sahig at ang kasunod nitong pak.
Hayaan niyo't kahit uugud-ugod na ako at nasa tumba-tumba, white shoes pa rin ang isusuot ko. Para kahit mawala man ako o makakita kayo ng white shoes sa SM na walang bumibili, magunita niyo ako, maisip akong suot-suot ang white shoes at sintunadong kumakanta. May iiwan akong legacy.
Ernan at 5:43 PM
2.19.2003
February 19, 2003 || 6:41 pmLast night. The Hours. It was beautiful. Nicole was great. The search for KFC Hotshots. None. Then Punch Drunk Love. Adam Sandler is good fun. Amazing. Caltex. Going home buzzed because of beer.
May oras na gusto mo lang mag-isa. "I wish people would go away" sabi nga ni Dahlia. At maiwan kasama ng mga tula o ng mga bagay na malapit sa puso. Parang gusto mong nahahati ang buong mundo sa dalawang kuwarto. At naroroon ka sa isang kuwarto, mag-isa. Samantalang ang lahat ay nasa kabila. At walang babagabag sa'yo. Makapal ang pader at walang ingay na papasok. Buo ang pinto at ikaw lang ang makapagbubukas. Di mo mairirnig ang katok, di mo maririnig ang kalampag. Walang magsusuot ng pagkain o kahit papel man lang sa ilalim. Wala. Mag-isa ka sa silid mo at wala kang patutuluyin kundi ang sarili at ang pinapahintulutang ingay at gulo. At kapag maayus-ayos ka na uli. Ikaw ang magkukusang buksan ang pinto at patuluyin ang sangkatauhan. Ang ingay nila. Ang ugong ng dyip, ang tsismisan, ang takatak ng sapatos, ang busina, ang usok, ang pista.
Ernan at 6:59 PM
2.17.2003
February 16, 2003 || 11:14 pmPinagpaliban ko ang lahat ngayong araw at hinarap ang tambak ng damit na nakakalat sa kabahayan. Pito kami sa bahay at hindi biro ang dami ng damit namin.
Ang tatay ko'y biglaang namimili ng kung ilang damit, hindi lang para sa kaniya ngunit sa lahat na rin. Nandiyan na ang tawag niya sa telepono para alamin ang waist line ko (para namang nagbabago) o kung anong size ng damit ni Mai Mai o kung may blue na polo na ba si Ervin. Sigurado, paguwi niya may sankaterbang plastik bag at isa-isa kaming pasusukatin ng pinamili niya, sa ayaw mo man o sa gusto. Buti na lang at hindi naman niya ipinipilit sa amin na suotin iyon kapag lumalabas kami, hanggang sukat lang para tignan kung sakto o hindi. Para reference sa susunod niyang bibilhin sa amin.
Ang nanay ko nama'y may sandamakmak na bestida at blusa ngunit iilan lang ang ginagamit. Napakarami tuloy na naninilaw at inaalikabok. Ang dahilan niya'y di naman daw siya laging umaalis ng bahay kaya di niya magamit-gamit lahat. Ngunit hatakin mo man siya'y di sasama. Ni ayaw ngang manood ng sine, ang sabi'y hihintayin na lang daw niya sa TV. Kung gusto mong mailabas, kailangan sa simbahan ang tuloy niyo para magsimba, pilgrimage o prusisyon.
Ngunit di hamak na lampaso silang lahat ng ate ko kapag dating din lang sa dami ng damit. Di lang dalawang cabinet ang napupuno niya kahit na ilang beses na siyang nagbawas ng damit at namigay ng mga di na kasya sa kaniya. Ang ate ko ang klase ng tao na kapag pumunta ng Greenhills o mall, pagbalik ay may bagong biling damit. Kahit isang blusa lang o palda o scarf. Basta may dala. Halos walang mintis 'yan, sa loob ng isang linggo may isang bagong damit. Siya rin ang tipong magpapatahi ng damit ngunit isang beses lang gagamitin. Buti na lang ngayo'y may kasalo na siya sa damit, ang mas nakababata naming kapatid na babae. Na lagi namang dahilan ng kanilang pagtatalo.
Ako naman ay kabaliktaran ng ate ko. Kung siya'y laging may bagong damit, ako minsan lang mamili. Ngunit hanggang ngayon naitatago ko pa't naisusuot ang mga damit maski noong first year high school pa ako. Kahit butas, kahit butas, kahit may mantsa, kahit lumuwang na. Ang paborito ko ngang T-shirt na Backdraft (sigurado akong nakita niyo na 'yun, kulay kupasing pula at maluwang na ang garter sa leeg) ay 2nd year high school ko pa pagmamay-ari. Hanggang ngayon ay pinanlalakad ko pa. Iyan ang isa sa mga advantages ng payat, matipid sa damit sapagkat kasya pa rin kahit luma. Lumiliit nga lang. Ang pinakalumang pantalon ay ang Marlboro Classics na butas-butas, 1st year college pa ako nun. Ang pinakalumang collared shirt ay ang pinabili ko pa sa may Balibago, Angeles noong summer bago ako tumuntong ng 1st year high school. Kulay pula na Giordanno na frog. Kasabay pa sa pagbili nun ang una kong espadrilles.
Kaya't isipin na lang ang hinarap kong tambak na damit. Idagdag mo pa ang mga naiwang damit ng mga bisitang kamag-anak. Wala talaga kasing masinop sa pamilya namin at aakalain mong warehouse ng damit ang bahay namin dahil kahit saang sulok ay may kumpol ng damit. Malinis naman ang lahat, iyon nga lang nakatambak, tipong 'yung mga nasa bin kapag may sale. Hindi ko na kasi mahanap ang mga damit kaya't minabuti ko nang magligpit.
At samantalang nagtutupi at naghahalungkat, nakikinig ako ng radyo. Ngayon lang ako uli nakinig ng radyo. Hindi inaasahan ang nakisama sa akin ay isang special ni Julio Iglesias. Dalawang oras na pulos Julio Iglesias at salit-salit sa mga kanta'y ang buhay niya.
Kaya nga't habang kinikilala ko uli ang mga nawawalang damit ay kinikilala ko rin si Julio Iglesias. Pinakikinggan ko kung paanong di siya natanggap sa boys choir noong bata siya habang hinihiwalay ang mga natagpuang panyo. Nang maging sikat siyang soccer player ng Real de Madrid ay kasalukuyan naman akong nagpapares-pares ng medyas. Nagulat naman ako ng makita ang mga lumang brip at nang marinig na naaksidente siya at naparalisa. Dahil pala doon kaya siya napunta sa musika. Binigyan siya ng isang gitara ng kaibigan para malibang at doo'y nagtuluy-tuloy na ang hilig niya sa musika. Nadiskubre ko naman ang mga pinamili ng ate ko noong isang taon pa, nakabalot ng plastik bag at may resibo pa.
Habang nagtutupi ng mga damit at nagbubukas ng mga closet, nabuksan din ang dating lungkot. Ang paghahanap sa tamang gagawin sa buhay. Nasabi ko na nga dati, hindi ako natatakot na baka walang mangyari, ngunit nahihinto ako sa dami ng puwedeng mangyari. Nakaabang ang mga posibilidad at hindi ako makapili dahil baka mali ang mapili ko. Kaya nga nainggit ako kay Julio Iglesias. Nag-aral siya ng law ngunit nagpursige sa musika. Iginiit niya sa ama ang pagkanta. Inggit ako dahil batid niya ang gusto sa buhay.
Kaya nga habang binubusisi ang mga shorts ay binubusisi ko rin ang nais talaga sa buhay. Wala akong nalaman bukod sa napakarami ko palang alam na kanta ni Julio Iglesias bukod sa "To All The Girls I Loved Before". Mas magaganda pala talaga ang mga kanta niyang espanyol kaysa sa mga ingles. At nang maitabi ang pinakahuling tumpok ng damit, napatigil ako saglit sapagkat ang huling kanta'y "When I Fall In Love". Tama nga. When I fall in love it will be forever or I'll never fall in love at all. In a restless world such as this is, love has ended before it began. At hindi ko pinaguusapan dito ang pag-ibig lang. Ngunit ang pag-ibig din sa buhay at sa sarili. Sa dapat gawin. Naiintindihan ko na ng kaunti kung bakit ako natitigilan.
Gusto ko kasi kapag nagtaya ako, hanggang wakas, wagas. Ngunit bago 'yun mangyari'y kailangan kong maranasan ang too many moonlight kisses. Mga pangarap na pulpol. Kailangan kong magsimula sa isang hakbang, mali man o tama.
Labo ng kunekisyon ano? Pero kahit na, pagkatapos ko sa pagliligpit ng mga damit, maluwag din ang pakiramdam ko. Hindi ko inaakala na ang Cucurucucu Paloma ay kanta pala ni Julio Iglesias. Cucurucucu cucurucucu cucurucucu...
Ernan at 12:10 AM
2.13.2003
February 13, 2003 || 2:57 pmNapadaan ako sa simbahan kanina. Dinalaw ko ang Copytrade dahil magpapa-bind sana ako ng libro. Kalapit nito ang Santo Domingo at minabuti kong pumasok saglit. Kay tagal ko na kasing di pumasok ng kusa sa loob ng simbahan.
Ang tahimik sa loob at ang lawak. Aakalain mo na malungkot sa loob sapagkat dito iniimbak ng mga tao ang lungkot at binubuhos ang hinaing. Ngunit hindi. Mapayapa ang simbahan. Tila ang lungkot ay nakakahanap ng agapay sa ibang lungkot at ang katahamikan ang supling nila.
Ilang minuto rin akong natigilan at napako sa upuan. Anong ganda ang bagsak ng araw sa sahig! Parang ang lambing ng suyuan nilang dalawa. Naiingit yata ako at naghanap ng masusuyo; ipinatong ang kamay sa upuan at dinama ang gaspang ng kahoy. Hindi na pantay ang barnis nito, maputi sa ibang bahagi at may uka't kaskas. Ilang bisig na kaya ang pumatong dito at humiling ng mirakulo? Maalat at lumutong na ba ang kahoy dahil sa mga luhang sinipsip?
Naiintindihan ko na ang hilig ni Villanelle sa mga simbahan. At higit pa.
Ernan at 3:04 PM
2.10.2003
February 10, 2003 || 9:06 pmThese past few days, I've been resenting the phrase different tastes. Whenever people argue about a certain point in art or anything subjective, either they agree or come to that conclusion.
Indeed, once the phrase is spoken, the argument stops. But nothing really is solved. The whole world is just divided into yours and mine, and a line in between that can never be breached.
We tend to hide under that blanket. Me, mine, subjectiveness. Of course, we can't help it. But we never really try, do we? To get past that. Try to push subjectivity and try to see the other's subjectiveness. To see thru his eyes, to think with his mindset. To realize subjectivity thru the other.
Almost always, when we argue, it is for the sake of swaying the other to our side, to our point of view. We never really try understanding him.
And I think that is the key. Understanding. Even if we don't agree with the other, I believe the least we can do is to see why he thinks that way. Why a particular face caught his fancy? Was it because the hook of her nose? Or her eyes remind him of a particular event? Or he likes the color of her hair under a certain light?
When we do that, it is not compromising our stand or our subjectivity. But rather, broadening it. Then we wouldn't be too hasty to divide the world. Maybe then, we will be able to see ourselves in the other. Even only for a moment, under a certain subjectiveness.
Ernan at 9:37 PM
February 10, 2003 || 12:09 am
Kababanggit lang ni Ramon na na-raid ang Makati Cinema Square at heto na nga't noong Sabado, Quiapo naman ang na-raid. Sarado lahat ng shops at wala kang makikita ni anino ng DVD o VCD. Bukod sa plastik bag at basura, namutakti ang daan sa mga muslim, pulis at miron.
Hindi ko naman masisi si Bong Revilla dahil tama lang naman talaga ginawa niya. Pero putsa! saan na kukuha ng murang DVDs? Sana di na lang magtaas ng presyo.
Mula nagkaroon ng DVD, siguro'y araw-araw nanood ang tatay ko ng pelikula. At dahil sa regalo ni Reggie na Britney Spears concert, nagustuhan ng tatay ko ang mga concert DVDs, kaya pinapahanap niya ako ngayon ng mga Mariah Carey, Janet Jackson, Celine Dion concerts. Naknangmalas naman o!
So far...
Mga nagustuhan ng pamilya ko (not necessarily in order)
1. Malena
2. Volcano High
3. Indiana Jones (all three of them)
4. Rosemary's Baby
5. Brother
6. Y Tu Mama Tambien
7. Shaolin Soccer
8. Almost Famous
9. Braveheart
10. Leon (The Professional)
Mga inayawan nila
1. Reservoir Dogs
2. No Such Thing
3. Brotherhood of the Wolf
4. Dr. No
5. Dancer in the Dark
6. Ring
7. In the Mood for Love
8. Jackie Brown
9. Happy Together
10. Grave of the Fireflies
At kabilang sa mga pelikulang "okay lang" ang Night Porter, Aimee and Jaguar, Ratcatcher at Madame Butterfly (opera). Di ko talaga sila matimpla pagdating sa tastes sa pelikula.
Ernan at 12:53 AM
2.08.2003
February 8, 2003 || 12:36 pmStupid me. I was too tipsy to recognize my own house last night. Got lost because of an unfamiliar car parked in front of the house. Then realized my dad bought a new one. Groggy because of four Corona Extra beers.
Iyon ang isa sa nami-miss ko sa kabataan ko. Iyong tumambay. Nagpunta kami sa isang party sa Discovery Suites sa Ortigas, nabato, kumuha ng tig-dalawang beer, at tinakas papalabas. Hinintay namin si Dove Mich sa labas, sa harap ng Podium. Habang umiinom, ginagago ang mga taong sumisilip sa bintana ng kuwarto nila sa Discovery Suites.
"This is as grown up as it gets" saktong pagkanta n Tracey Thorne.
Dati'y tumatambay kami sa kanto o sa swing sa harap ng bahay nila Arlene. Buong hapon nakatitig lang sa daan at nag-uusap. Kapag may dumaang Beetle na Vokswagen, kukutusan mo ang katabi mo at "pendong pis kotseng kuba" sabay peace sign para di ka puwedeng batukan. Pinaghahati-hatian pa namin ang mga kotseng dumadaan. Ang unang dumaan ay kay Dudz, pangalawa kay Alex, pangatlo sa akin. Paulit-ulit. Malas na lang kung trak ng Rex ang natapat sa'yo.
Okay na 'yung ganun. Nakaabang ka lang. Kahit wala naman talagang inaabangan. Pagkaka-enjoyan ang kahit anong magdaan. Panoorin ang mga tao sa buhay nila.
Ika nga ni Mang John Lennon, "I just like watching the wheels turn round and round." Sa gilid ng daan, nakatunganga't malaki ang ngisi.
Ernan at 2:25 PM
2.07.2003
February 7, 2003 || 8:02 pmMakikita nga naman talaga ang pagkakaiba ng atake ng West at East, kung papaano sila mag-isip at umunawa, kahit sa pag-adapt ng pelikula. Panoorin na lang ang dalawang versions ng Ring na pelikula.
Katuwa punahin na sa American version ng Ring, utak at logic ang pinagana nila. Lahat dapat may sense. Lahat kunektado. Bakit pitong araw? Kasi ganoon katagal nabuhay si Samara sa well. Bakit ganoon ang video? Sapagkat clues iyon sa pagtunton kay Samara. Marami pa.
Samantalang sa original Japanese version, feeling at sense ang namayani. Walang klarong dahilan kung bakit pitong araw. Ang video ay record ng nakaraang pangyayari o impressions ni Sadako at hindi talaga direktang clues. Pati ang pagkatuto sa dub copy ay spiritwal sapagkat isang mama sa video ang nagturo at hindi lang naisip ng bida. Mas litaw ang powers ng lalake. Tiyakan na nakikipag-usap siya sa mga espiritu.
Wala masyadong mumbo-jumbo sa American Ring. Para siyang detective story na may horror. Ang Japanese Ring ay nanakot lang. Sa palagay ko, sa buod nito, sinasabi nito na hindi kailangan ng explanation ng horror. Sapagkat horror nga siya. At kadalasan, ang mga kinakatakutan natin ay walang rason, walang dahilan, walang logic. Basta natatakot tayo. At sapat na iyon.
Kahit kailan, kinakailangan ng mga Amerikano ng masasandalan na rason, ng sigurado, ng tiyak. Mula sa pre-nuptial agreements, giyera sa Iraq hanggang sine, lumalabas ang takot nila.
Ernan at 8:27 PM