2.10.2003

February 10, 2003 || 12:09 am


Kababanggit lang ni Ramon na na-raid ang Makati Cinema Square at heto na nga't noong Sabado, Quiapo naman ang na-raid. Sarado lahat ng shops at wala kang makikita ni anino ng DVD o VCD. Bukod sa plastik bag at basura, namutakti ang daan sa mga muslim, pulis at miron.

Hindi ko naman masisi si Bong Revilla dahil tama lang naman talaga ginawa niya. Pero putsa! saan na kukuha ng murang DVDs? Sana di na lang magtaas ng presyo.




Mula nagkaroon ng DVD, siguro'y araw-araw nanood ang tatay ko ng pelikula. At dahil sa regalo ni Reggie na Britney Spears concert, nagustuhan ng tatay ko ang mga concert DVDs, kaya pinapahanap niya ako ngayon ng mga Mariah Carey, Janet Jackson, Celine Dion concerts. Naknangmalas naman o!

So far...

Mga nagustuhan ng pamilya ko (not necessarily in order)
1. Malena
2. Volcano High
3. Indiana Jones (all three of them)
4. Rosemary's Baby
5. Brother
6. Y Tu Mama Tambien
7. Shaolin Soccer
8. Almost Famous
9. Braveheart
10. Leon (The Professional)

Mga inayawan nila
1. Reservoir Dogs
2. No Such Thing
3. Brotherhood of the Wolf
4. Dr. No
5. Dancer in the Dark
6. Ring
7. In the Mood for Love
8. Jackie Brown
9. Happy Together
10. Grave of the Fireflies

At kabilang sa mga pelikulang "okay lang" ang Night Porter, Aimee and Jaguar, Ratcatcher at Madame Butterfly (opera). Di ko talaga sila matimpla pagdating sa tastes sa pelikula.

Ernan at 12:53 AM

0   comments

0 Comments

Post a Comment