2.08.2003

February 8, 2003 || 12:36 pm

Stupid me. I was too tipsy to recognize my own house last night. Got lost because of an unfamiliar car parked in front of the house. Then realized my dad bought a new one. Groggy because of four Corona Extra beers.




Iyon ang isa sa nami-miss ko sa kabataan ko. Iyong tumambay. Nagpunta kami sa isang party sa Discovery Suites sa Ortigas, nabato, kumuha ng tig-dalawang beer, at tinakas papalabas. Hinintay namin si Dove Mich sa labas, sa harap ng Podium. Habang umiinom, ginagago ang mga taong sumisilip sa bintana ng kuwarto nila sa Discovery Suites.

"This is as grown up as it gets" saktong pagkanta n Tracey Thorne.

Dati'y tumatambay kami sa kanto o sa swing sa harap ng bahay nila Arlene. Buong hapon nakatitig lang sa daan at nag-uusap. Kapag may dumaang Beetle na Vokswagen, kukutusan mo ang katabi mo at "pendong pis kotseng kuba" sabay peace sign para di ka puwedeng batukan. Pinaghahati-hatian pa namin ang mga kotseng dumadaan. Ang unang dumaan ay kay Dudz, pangalawa kay Alex, pangatlo sa akin. Paulit-ulit. Malas na lang kung trak ng Rex ang natapat sa'yo.

Okay na 'yung ganun. Nakaabang ka lang. Kahit wala naman talagang inaabangan. Pagkaka-enjoyan ang kahit anong magdaan. Panoorin ang mga tao sa buhay nila.

Ika nga ni Mang John Lennon, "I just like watching the wheels turn round and round." Sa gilid ng daan, nakatunganga't malaki ang ngisi.

Ernan at 2:25 PM

0   comments

0 Comments

Post a Comment