2.07.2003

February 7, 2003 || 8:02 pm



Makikita nga naman talaga ang pagkakaiba ng atake ng West at East, kung papaano sila mag-isip at umunawa, kahit sa pag-adapt ng pelikula. Panoorin na lang ang dalawang versions ng Ring na pelikula.

Katuwa punahin na sa American version ng Ring, utak at logic ang pinagana nila. Lahat dapat may sense. Lahat kunektado. Bakit pitong araw? Kasi ganoon katagal nabuhay si Samara sa well. Bakit ganoon ang video? Sapagkat clues iyon sa pagtunton kay Samara. Marami pa.

Samantalang sa original Japanese version, feeling at sense ang namayani. Walang klarong dahilan kung bakit pitong araw. Ang video ay record ng nakaraang pangyayari o impressions ni Sadako at hindi talaga direktang clues. Pati ang pagkatuto sa dub copy ay spiritwal sapagkat isang mama sa video ang nagturo at hindi lang naisip ng bida. Mas litaw ang powers ng lalake. Tiyakan na nakikipag-usap siya sa mga espiritu.

Wala masyadong mumbo-jumbo sa American Ring. Para siyang detective story na may horror. Ang Japanese Ring ay nanakot lang. Sa palagay ko, sa buod nito, sinasabi nito na hindi kailangan ng explanation ng horror. Sapagkat horror nga siya. At kadalasan, ang mga kinakatakutan natin ay walang rason, walang dahilan, walang logic. Basta natatakot tayo. At sapat na iyon.

Kahit kailan, kinakailangan ng mga Amerikano ng masasandalan na rason, ng sigurado, ng tiyak. Mula sa pre-nuptial agreements, giyera sa Iraq hanggang sine, lumalabas ang takot nila.

Ernan at 8:27 PM

0   comments

0 Comments

Post a Comment