1.30.2003

January 30, 2003 || 8:50 pm


Hindi lang sa labas ang pagsabog, gumuguho rin ang loob.




Kakaiba ang pagod ng mga nakaraang araw. Hindi na ako sanay sa kakarampot na tulog at maagang paggising.

Kakaiba rin ang mga nakita at narinig. Mula Quiapo hanggang Makati.

Uunahan ko na siguro sa pag-amin na kabilang ako sa middle class. Hindi mayaman at hindi rin naman naghihikahos. Hindi nakakamit lahat ng gusto ngunit hindi rin naman nagugutom at nakukulangan.

Nasanay akong makitungo sa mga mas mahihirap sa akin dahil na siguro sa mga kapitbahay na squatter noong bata. Naroon na ang makipag-agawang buko't teks sa kanila. Mula bata pa lang ay isinabak na ako ng magulang sa commuting at pumunta sa mga "seedy" na lugar. Sinasama ako sa pamamalengke sa Quiapo, sa pagsisimba sa Tondo, at iba pa. Lakwatsero rin naman ang mga kaibigan at napapagala kami sa mga kalye ng Sampaloc para kumain sa disoras ng gabi, sa Novaliches at Valenzuela para tumambay.

Nahasa rin ang pakikitungo ko sa mga mas nakakaangat. Lalo pa ng mapunta sa kolehiyo. Samu't saring luho at accent ang nakatagpo. May mga tunay, may mga pasosy lang.

Tumalas ang mata at pakiramdam. At sana, (sa palagay ko naman oo) kayang makipagsabayan sa dalawang classes.

Ngunit ang hindi ko minsan masakyan ay kung naghalo ang dalawang classes. Burgis at makaluma ang pananaw, alam ko, at nagulat din ako. Akala ko pa naman may nagtatagong makibaka sa loob ko.

Nang manood ako ng The Ring (American version) sa Glorietta 4, hindi na usual beautiful people ang crowd. Okay lang naman, ang hindi ko nakayanan ay ang reaksiyon nila sa pelikula. O mas klaro, habang nanood sila. Hindi lang sila nagkukuwentuhan at maingay na ngumunguyab kundi matapos humiyaw sa gulat o kaba ay nagtatawanan sila. Lumuluwa ng buhok si Naomi Watts, "yuck!...hahahahahaha!" ang sagot nila. Lumabas si Samira sa TV, "aiiiii!...hahahahahaha!" Nawala tuloy ang buong mood ng pelikula. Nairita ako kahit napanood ko na ang pelikula at sa palagay ko'y mahina ito kapag ikinumpara sa original Japanese.

At nang magpunta ako ng Quiapo para mamili ng weekly supply ko ng DVDs, (yes shoot me, I lurve pirated DVDs) habang namimili, narinig ko ang isang batang babae sa kabilang stall ng "Dad, buy that Peter Pan. I wanna see him fly." at sabay pagasapas ng kamay. Cute ang bata, oo. Ngunit parang hindi bagay sa lugar. Ang ama nama'y tatango-tango lang at bulong ng "That's not Peter Pan sweetie. It's the Magic Cauldron." Okay sana kaso nang marinig ko ang binayad iya, 80 pesos bawat DVD, nairita ako. Dahil naalala ko kung papaanong nagtaas ang mga presyo ng ibang bilihin dito dahil sa kanila na hindi marunong tumawad. At nairita ako kasi baka sa kalaunan, masanay ang mga tindero na ganoon ipresyo at itaas nila. At nairita ako na hindi man lang makibagay ang ama't bata sa paligid. Ang bata siguro, sige, mapapatawad. Ngunit ang ama, pati sa pagtatanong ng presyo, "how much for one?" Hindi naman siguro siya balibayan at lumaki sa Tate sapagkat kahit papaano makikilala at mapapansin 'yun sa pagporma at pananalita. At ang bata'y mukhang homegrown ang Ingles. Hindi rin makakaabot ang balikbayan sa ganitong sulok ng Maynila ng walang gumagabay, lalo pa't may kasamang bata.

Hay. Ewan. May mga bagay ngang dapat hindi ipinaghahalo ang balat sa tinalupan. At kung sino man ang nagsasabing all is fair in life ay hungkag. Napapagtanto ko rin na malamang sa malamang, ang kinagagalitan ko ay ang mga taong nasa middle class na hindi marunong makibagay sa paligid (dahil palagay ko kabilang sa Upper B ang mga taong nabanggit ko). Na nakatikim lang ng kaunting karangyaan at ingles, akala mo'y todo bughaw na ang dugo. Pati kamalian ng iba'y kinokopya.

Lumalabo na ang usapan na 'to. Pagpasensiyahan niyo na at kailangan lang ilabas ang hinaing.

Ernan at 9:37 PM

0   comments


1.20.2003

January 20, 2003 || 4:41 pm


Malamang alam niyo na ito ngunit para sa continuity...

Ang mga nagwagi sa Golden Globes:

Best Motion Picture (Drama) - The Hours
Best Actor (Drama) - Jack Nicholson, About Schmidt
Best Actress (Drama) - Nicole Kidman, The Hours

Best Motion Picture (Comedy/Musical) - Chicago
Best Actor (Comedy) - Richard Gere, Chicago
Best Actress (Comedy) - Renee Zellweger, Chicago

Best Direction - Martin Scorsese, Gangs of New York
Best Screenplay - Alexander Payne and Jim Taylor, About Schmidt
Best Supporting Actor - Chris Cooper, Adaptation
Best Supporting Actress - Meryl Streep, Adaptation

Best Foreign Film - Talk to Her (Spain)


Para sa kumpletong tala ng mga nanalo, i-click dito.




Nawala na ang perya sa lansangan. Dati-rati'y para silang mga kabute. Basta may kasiyahan at pista sa isang lugar, at may bakanteng lote, maririnig ang ingay ng perya. Mga mamang nakamikropono, nag-aanyayang tumaya, mga kalansing ng bentesingko, maliliwanag na ilaw at samu't saring kulay.

Kakaunti na lang sila ngayon. At ang mga natitira'y maliliit at nakalulunos tignan. Nawala na nga ang perya sa lansangan ngunit lumipat naman sila sa telebisyon.

Araw-araw binubulabog tayo ng ingay, kulay, kahindik-hindik, at kakaiba. Sa MTB, mapapanood si Madeline na isang dagang kosta. Ang pusta mo'y di nakasalalay sa galing mo o sa suwerte, kundi sa pagkahilo ng isang daga. Ang kakaibang galing ay ipinakita na ng Eat Bulaga, mula sa paghuli ng dalag sa pamamagitan ng bibig o paglambitin sa alambre. Hinid rin nawala ang mga grotesque, naghanap ang MTB ng may pinakamaraming piercings sa mukha, mahabang sawa, at kung ano pa. Siyempre pa, sinong makakalimot sa mga babaeng assistants na kumekendeng-kendeng.

Sumisigaw sa kulay, nakaririnding musika, ingay na pinapalamutian ng galak—iyan ang kasabay natin sa katanghalian. Hindi na natin kailangan dumayo sa plaza para makigulo, sila mismo ang dumadalo sa ating hapag. Todo na 'to dahil mas pinarambol ang gulo ng ipasok ang mga text games. Ang piso-piso mo sa beto-beto dati'y napalitan ng P2.50 sa text. At komo TV, di lang pinggan o dalawang daan ang mapapanalunan mo kundi ilang libo.

Isang bansa tayong nakikiperya, araw-araw, mula Aparri hanggang Jolo.

Bukod dito, di lamang makulay na tuwa ang pinapanood natin. Naroroon ang kabilang mukha, ang lungkot. Payak ito sa mga telenovelas. Mula sa mga baguhang aktres hanggang sa mga pinakasikat, nakikisabay tayo sa takbo ng buhay nila.

Kaya nga ba't hindi na ako nagulat na ang hit na reality shows sa US ay iba ang pagka-translate dito sa Pinas. Hindi Amazing Race o Survivor kundi Wish Ko Lang at Willingly Yours. Ang mga makatotohanang pangyayari na gusto nating makita ay hindi tagisan ng galing kundi tagisan ng emsoyon. Hindi mga mamang tumatakbo sa parang at nagtatrayduran kundi mga pamilyang nagkawatak-watak at nabuong muli. Pati ang mga game shows, pinapasakan natin ng melodrama. Kahit saan, lumalantad ang pag-ibig natin sa madalian at hindi pinaghirapan. Instant winner, instant drama.

Anong perya ng emosyon ang pinapatuloy natin araw-araw. Kaninang tanghali lang sa Dos, nag-breaking news. Ipinakita ang pukpukan at karahasang nagaganap sa rally ng EDSA Dos at matapos, ang ipinakita, ang Lucky Egg contest sa MTB. Matapos ang mga batuta, bumulagta sa atin ang ngiti ni Kuya Dick. Anong sirko bigla ng emsoyon.

Sala sa lamig, sala sa init. Sabay tayong tumatawa at lumuluha. Walang tragic sa atin, entertainment ang lahat basta nasa TV.

Ernan at 4:54 PM

0   comments


1.17.2003

January 17, 2003 || 11:26 am


Para sa mga taong napapadpad sa blog ko na naghahanap ng Dekada '70 Poster.






Ang panaginip:
Ang fresco ni Santa Cecilia. Gumuho. Natibag ang bato sa ilalim. Natagpuan nakaukit sa guho ang mga katagang "God is terrible" o "I don't believe in God" (di ko na matandaan kung ano sa dalawa). Ang hindi paniniwala. Ang pagkatakot at pagpipilit na hindi totoo. Ang pagtanggap na, sa buod at huli, hindi naniniwala si Sta. Cecilia. Pagkagimbal.

Sa paggising:
Gabi, hindi maintindihan, sinasaklot ng takot. Umaga, hinanap kung sino si Sta. Cecilia. Natagpuan. Santa ng church music. Birhen na ipinakasal sa isang pagano. Sa gabi ng kasal, sinabi niya sa asawa na binabantayan siya ng isang anghel kaya't di siya puwedeng galawin. Pinapunta ang asawa sa Papa. Bumalik sa kanyang Kristiyano na. Kapag kumakanta siya, sa Diyos lang niya iniaalay ang boses.

Hindi ko alam ang ipinahihiwatig.

Ernan at 11:37 AM

0   comments


1.16.2003

January 16, 2003 || 5:49 pm


"By a single nuance, a single word charged with unconscious hatred, you know it's over. And yet you have to go right on to the end, with all the vicissitudes of love and their twisting psychological paths. None of that has any other meaning than to bring you back to the first moment, when you saw in a blinding flash that the break had come."
     — Jean Baudrillard





Sana nga, ngunit iba ang binabanggit ng dalawang bulaklak ng kabalyero. Kailan uli mabubulag at bibitaw? Sana malapit nang makatawid.

Ernan at 6:04 PM

0   comments


1.14.2003

January 14, 2003 || 11:56 pm


Yes. I am strange. A weirdo. A freak. All the words that signify non-conformity. The other. But that sweetens it too much. That word, non-conformist. I am and I know and accept it. As I know and accept my ten bony fingers.

My family has learned to live with it. My younger brother and sister were asked to describe each member of the family during their last retreat. Guess what they both wrote? Just one word. Ernan - weird.

My friends have learned to tolerate it. They just smiled and drunk when I laid down in the cement road in front of 77 Hemady to get a better view of the stars. Otherwise, they're strange themselves. Just think of Weng and Paul S.

So it is. I often wonder how are "regular" people's lives? How are their conversations like? What are their passions? Once I got stuck the whole day with a few of them because of work. All they talked about was gossip and love lives. The whole day. Is it all they ever talk about? Is it all that matter to them? And when I talk about an all-consuming passion for something or beauty for its sake, they put on that obliging smile.

This oddity striked me yesterday during a conversation with Larry and Trinka. I haven't seen Larry for over a month. I haven't seen Trinka for a half year. Yet when we talked, it was as if the usual greeting and kumustahan are a preamble. We talked about time and its suspension. Of greatness and being. Handing out statements like "Time is the only measure of success. Your only obligation is to be yourself." It wasn't an artsy fartsy talk. Nor was it pretentiousness on our parts to talk something so cerebral or abstract. And I don't believe it was cultured talk. Anyone can give and form ideas.

Merely, it was what bothered us. It was what concerned us. I do mull over J.Lo and Ben or my officemate's break up. But not as much as I perplex over what I want to do. Or figuring out that I. Perhaps, we are just more conscious of ourselves and do not need the inane comparison with others to be conscious of it. Or maybe we burden ourselves too much.

I agree everyone is strange. We all have our idiosyncrasies, our distinguishing spots. Mine is just more pronounced than the others.

I know the way this sounds like is maybe I'm bragging and brandishing this strangeness. But I'm not. I'm just stating it as you would say the rose is red.

Ernan at 11:47 PM

0   comments


1.13.2003

January 12, 2003 || 11:13 pm


It's silly the things that make us cry. Just got back from watching the Two Towers for a second time. It made me cry again. I cried when King Theoden was being outfitted for war. I cried when the elves came in full battle regalia. I cried all throughout the siege.

I didn't know why I was crying. Maybe it was movie magic. It was just all too fucking beautiful. Maybe it was for valor. Maybe for hope. But I think the closest reason is from Amos Oz. Spearing the antelope he called it. The need of men for war. Or danger. Or adventure. Or excitement. Of dreaming to spear the antelope in the heart of Africa.

So silly to cry. So silly when, to think, I never cried for "real" happenings around the world. Not when the twin towers fell. Not for the sorry state of Mindanao. Not for the hundred burnt corpses of the fire in a mansion in Kamias. Not even for my grandmother when she died.

Yet I cried for a word. For a wonderful line. For a solitary image. For a dream of spearing the antelope. For Rohan, elves and orcs. So silly.




The Golden Globes nominations are out.

Best Motion Picture - Drama
About Schmidt
Gangs of New York
The Hours
The Lord of the Rings: The Two Towers
The Pianist

Best Motion Picture - Musical or Comedy
About A Boy
Adaptation
Chicago
My Big Fat Greek Wedding
Nicholas Nickleby


Punch-Drunk Love is absent. It was only nominated for Actor for Adam Sandler. Also, Road to Perdition. Paul Newman got the nod for supporting actor. So is Spielberg's Catch Me If You Can.

See here for the complete list.

Ernan at 12:21 AM

0   comments


1.09.2003

January 9, 2003 || 2:35 pm


Ilang gabi na akong puyat. Puyat na tila walang pinagkakaabalahan. Puyat na di lang makatulog kasi di sanay matulog nang maaga.

Pero kagabi, dahil sa kabaitan ni Eggy na nagpahiram ng video, kahit papaano may katuturan ang di pagtulog nang maaga. Sa wakas, napanood ko na rin ang Y Tu Mama Tambien.

Di iilang tao ang nagsabi sa akin na magugstuhan ko ito. Nanggaling pa sila sa iba't ibang sulok ng mundo. Pero may binanggit sa akin si Reggie na nanatiling umikilkil sa isipan.

Sabi niya na Pinoy daw ang sensibility ng pelikula at nakakapagtaka kung bakit walang nakaisip sa Pilipinas na gumawa ng ganoon.

Kaya nga't matapos ang pelikula'y napaisip ako kung Pinoy nga ba. Sa ilang banda, oo. Sapagkat di naman makakaila na nakatali at mas nakabibilang ang tradisyon natin sa mga Latino kaysa mga Asyano. Marahil bunga na ng ilang daang taong pananakop ng mga Kastila. At sa kinalalagyan ng sine natin sa mga nakaraang taon, kawangis nga nito ang mga pelikulang Pinoy. Hindi makakaila na bomba at sex movies talaga ang namamayani sa industriya. Mapapito-pito film man sa tabi-tabi ng kung sinu-sino o mga pelikulang de kalidad tulad ng Tuhog. At oo nga, mahilig tayong magpatamang pulitikal.

Ngunit sa palagay ko, dito nagtatapos ang pagkakawangis. Sapagkat lasang Latin American pa rin ang Y Tu Mama Tambien. Mula sa ginamit na estilo hanggang sa pag-tackle sa seks.

Ang mga muni-muni sa mga lugar ay (sa maliit at makitid na alam ko) tatak ng kontemporaryong Latin Americans. Ang pagbibigay, sa pamamagitan ng isang rekoleksiyon ng tauhan o omniscient na narrator, ng kuru-kuro o paglalahad ng mga nangyari sa nakalipas at mangyayari ay makikita rin sa mga nobela ni Garcia Marquez at Allende, sa mga maikling kuwento ni Donoso at mga tula nina Alegre, kung magbabanggit ng ilan. Sa mga nakabasa ng One Hundred Years of Solitude, matatandaan na sa unang pahina pa lang ganoong estilo ang bumulaga sa atin.

Sa seks naman, mas sanay tayo sa teatrikal at lalong pinalibog na scenes. Dito kasi sa Y Tu Mama Tambien, hinubaran nito ang ating mga pantasya. Ipinakita ang pinakasimpleng kaganapan at hindi pilit tinangkang akitin ang manonood sa seks. Dinaan lang niya at tinrato ang seks scenes bilang isang ordinaryong scene lamang sa buong pelikula. Tipong hindi highlight tulad ng sa atin.

Matapos maisip ang mga ito, bigla akong kinulit ng isa pa. Kung gayon, ano ang kontemporaryong Pinoy sensibility?

Nakakahiya at hindi ko mahuli-huli. Parang mas alam ko pa ang sa iba kaysa sa atin. Hinagilap ko kaagad ang mga bigating pangalan. Sa literatura, ang mga makabayang akda gaya ng kina Amado V. Hernandez, ang Bagay movement, ang pahirapang gawa nina Eric Gamalinda, si Rio Alma. Ang mga Ingles na manunulat, ang malungkuting akda nina Ben Santos, ang Chinese influences kina Charlson Ong, si Kerima Polotan, ang sensibility ni Mam Edith. Sa pelikula, ang bomba films, si Lino Brocka, ang hagulgol at sigawan, ang kabit, ang pantasiya ng mga duwende, komedi na kubeta.

Hindi ko mabigkis. Hindi ko mahanap ang mahiwagang sinulid na magtatali sa lahat. Kulang lang ba talaga ako sa kaalaman o sadyang kalat-kalat tayo? Iyon ba talaga ang mukha natin, walang mukha? Ang kakayahang makiapid sa lahat. Parang DH. Parang ipis.

O baka naman ganito lang sapagkat naririto ako sa loob? Baka kapag banyaga at nagmumula sa labas ay may maituturo akong pormulang Pinoy. Kayang maitatak na Pinoy nga.

Ernan at 4:23 PM

0   comments


1.07.2003

January 7, 2003 || 5:47 pm


The first two days of work are blah days. I'm still in holiday mode. Sleep late and wake up in the afternoon. Slow days. I'm wondering if the whole of 2003 will be slow. Would that be better though?




Finally gave in and bought a DVD. I went to Quiapo and bought 9 fake DVDs in one go. Oh happy! happy!

But when I played them, the color turned black and white in the middle of the film. Something's wrong and I don't know how to fix it. I don't want to watch Grave of the Fireflies in black and white.

Ernan at 6:11 PM

0   comments


1.04.2003

January 4, 2003 || 1:24 am


Pakiramdam ko'y nagkalat ako. Tila sumabog ang sarili at tumilapon ang mga parte. Watak ang loob.

Napakarami kasing bagay na sinimulan at dapat tapusin. Sa pagpapalit ng taon dapat siguro'y bigyan ng wakas. Sabay-sabay na nagsusulputan ang mga alalahanin, malaki't maliit, at dahan-dahan akong pinipingas hanggang hindi ko na alam kung saan ibabaling ang pansin.

Ilang araw na itong tulala at lilinga-linga. May iniisip ngunit hindi mahuli. Kasama ng mga kaibigan at nakikipagkuwentuhan ngunit iba ang iniintindi. Patawid ng daan ngunit sa iba nakatingin. Kaya't sa nakaraang ilang araw, ilang beses nang muntik masagasaan.

Kahit umupo't idaan sa tahimik, hindi malipon ang sarili. Kahit maglakad ng mabilis, hindi mahagap ang loob.

Saan sisimulan ang pagbuo? Ang pagbawi ng sarili? Ang pagbabalik-loob?




I will claim a corner of the world and write.

Ernan at 1:31 AM

0   comments


1.02.2003

January 2, 2003 || 2:41 am


hot cinder!You notice things when you look. Especially when you're forced to. Two things I recently noticed: Cinderella is a babe and the Teletubbies are really horrendous. When the TV's monopolied by a 3-year old girl and a 4-year old girl, you can't do nothing but watch Disney and Teletubbies all day.

The afternoon of January 1 was spent playing with nieces who keep asking you to "Api Birtdey da pusel" and making you eat marshmallows then act as if it was poisoned and die. So it was a relief when they both piped in they wanted to watch a video.

After watching Cinderella twice you discover that she's actually a babe! Much more so than Ariel and Snow White. Funny though, none of the Disney ladies ever have big boobies. You'd think Ariel would have killer knockers because she's a mermaid and she needs that chest power against the tides. The shell bikinis are lost on her breasts.

But the Teletubbies, the Teletubbies! The horror! The horror!

How can kids stand it? My nieces were laughing all throughout. I wonder what they see funny. disciples of SatanIt's creepy. Uh-oh. They keep saying uh-oh along with the blasted tubbies. It's boring and they do nothing. They can only count up to 4. They're stupid and sickeningly dumb. Uh-oh.

It was horrible. And I had to watch the whole tape. I tried to sleep but they kept waking me up. I tried to leave but they wouldn't let me. I tried to stop the video but they cried. Why couldn't they just watch the Sesame Street. Sure it has Big Bird but he has cool Mr. Snuffleupagus. Ernie has Bert. And the Count can count a hundred.

Ernan at 2:32 AM

0   comments