9.29.2002

September 29, 2002 || 4:24 pm


Pumasok ang Ateneo sa Finals ng UAAP. Hindi lang 'yan, nanalo pa sa Game 1 laban sa La Salle. Excited ako. Bigla, inaalam ko ang stats ng mga players, kinikilala kung sino sila. Gusto kong manood ng games. Nakukuha kong sumigaw ng One Big Fight!

Sa mga nakakakilala sa akin, alam nilang hindi ako basketball fan. At kahit na noong nasa unibersidad pa ako, dalawang beses lang ako nanood ng laro. Una'y noong first year dahil pa-feeling pa ng school spirit. Ang huli'y noong fourth year dahil gusto muling ma-feel ang school spirit. Hindi ako nanonood ng basketball. Hindi ko sinusuportahan ang hype sa basketball, lalo na sa UAAP. Lagi kong sinasabi na bakit diyan pa tayo tututok, ka daming sports na dapat panoorin at malaman ng mga estudyante kung saan nananalo tayo. Tulad ng chess halimbawa o rifle-pistol shooting.

Kaya laking gulat ko sa sarili nang pumasok ang Ateneo sa Finals, kasi natuwa ako at binigyan ko ng napakalaking importansiya. Oo, hipokrito ako at kapag nananalo ang Ateneo doon lang ako nanonood ng game. Ngunit di makakasama kung susuporta ako, kung ipapakita ko ang katuwaan ko, kung makikisigaw ako ng fabilioh. Bakit ko ipagkakait sa sarili ang saya na hinihintay ng lahat, noon pa? At kahit man lang sa kakarampot na oras at sa basketball court, maramdaman ko naman paminsan-minsan na nagkakasama ang lahat ng naka-asul, na malaking bagay ang apat na taon na ginugol ko sa Ateneo.

Anong masama kung makapgyabang ng kaunti sa mga kakilalang mayayabang na La Sallista?



Of course we had to lose Game 2.

Ernan at 4:44 PM

0   comments


9.25.2002

September 25, 2002 || 4:39 am

Halos magdadalawang buwan na rin ako sa bago kong pinapasukan. At tulad sa napakaraming bagay, dumating ito ng hindi inaasahan. At tulad din sa napakaraming bagay, hindi ko ito sineseryoso. Isang katuwaan at tugon sa pangangailangan.

Isang araw, bigla na lang kinukulit ako ng nanay ko na pumunta sa isang interbyu at magsuot daw ako ng long sleeves. May tumawag pala at gusto akong makita para sa isang trabaho. Ganyan ang nanay ko, mas sabik at excited sa akin. Madali pang mabulag sa pangalan. Nang malaman kong ABS-CBN , "ay!" kako, "hindi na lang."

Papaano kasi'y napakarami na ang dumaan sa dos at alam ko na ang mga horror stories dito. Ang corporate attitude (na hanggang ngayon ay hindi ko makayanan), ang pagpapalaganap ng mga napaka may kuwentang shows, ang pulitika, si Carlos Agassi (salamat sa Diyos at hanggang ngayon at hindi ko pa siya nakikita ng harapan). Isa pa, hindi naman talaga ako naghahanap ng trabaho ng mga panahong iyon.

Kaso nanaig ang nanay ko at dahil hindi naman pala ABS-CBN broadcasting (ABS-CBN interactive naman pala), napapunta na ako. Sa simula pa lang, pambobola na ang ginawa ko. Sa unang interbyu pa lang napakarami ko nang ikinuwento. Pati pa nga ang plano namin ng mga taga-Damuhan na maglabas ng isang antolohiya ng mga tula, maikling kuwento at artworks. Kinausap ko pa siya sa español na halata namang di praktisado. At nang tanungin ako ng Director kung saan ako pinakamahusay, sinagot ko siya ng buong ngiti at tumataginting na "I would like to think and I hope I'm good at writing poems in Filipino." Kung baga, pinag-tripan ko.

Ngunit malaki ang pangangailangan nila at tagtuyot ako sa pera kaya, sa madaling sabi, napapayag na ako at magiging part na ako ng ABS-CBN family. Bago pa man ako pumirma sa kanila, naririnig ko na ang sasabihin ng mga kaibigan. "Sell out." "Ano? ABS? Bahala ka."

Lagi kong iginigiit na hindi Channel 2 at Interactive naman. Laging sinasabi na "I'm working for an IT-SMS firm in Timog. It's called Interactive" at talagang hindi babanggitin ang ABS-CBN. Matagal ko itong itinatanggi at itinatago ang dismaya sa isang malaking ngiti, detachment at kakayahang pagtawanan ang nangyayari sa paligid. Matapos ang lahat ng banta sa sarili at panlalait sa kapuwa, heto rin ako, dito ang bagsak (may consolation pa rin naman ako kahit papaano, hindi ito bangko).

Kaya nga hanggang ngayon wala pa ring laman ang desk ko. Hindi pa rin ako naglalagay ng kung anong mga tula, postcards at pictures. Umiiwas magpagabi at tumambay sa trabaho. At pati ang ID ko ay pilit winawalang hiya. Mula sa temporary ID na dapat 1x1 ang litrato, ipinagkasya ko ang 2.5 x 2.5 na kuha ng napakalaki at close-up ng mukha ko (reject pa kamo ng passport picture ko, sayang naman kasi e) na hanggang ngayo'y pinagtatawanan at pinagkakatuwaan nina Rojan at Vince. At pati na rin sa permanenteng ID na sinubukang gaguhin sa pamamagitan ng pagngiti ng napakalaki, kita ngipin at gilagid, guhit na lang ang mga mata.

Ngunit paano man ispelingin, ABS-CBN pa rin ito, sell out at bahala nga talaga ako. Lagi-lagi itong ipinamumukha ng ABS-CBN ID ko na kinakailangang suutin habang nasa compound (pero hindi ko ginagawa. Tangna! nung high school at college nga ako di ako nagsusuot ng ID, ngayon pa). Akalain ba namang paglabas ng litrato sa ID, napakalaki nga ng ngiti ko, ngunit mukhang tuwang-tuwa ako na kapamilya ko na ang Power Boys at si Bentong.

Hindi ko alam, pero senyales ba ito na kinakailangan ko nang magseryoso?

Ernan at 4:43 AM

0   comments


9.24.2002

September 24, 2002 || 11:45 am

It's nice to know that after all these years I am still amazed by words. That after reading a good passage or a line, I involuntarily take a deep breath, hold on to something, and silently exclaim "ang ganda!" On the jeep today going to the office, I read this by Denis Johnson.

"So after I broke the cat's neck with a shovel because it was incurable
      the parking lot looked like it was memorizing me.
I thought I heard the afternoon saying just another son of a bitch,
Just another thrillseeker another
Hard-on another nightmare. The infinite
Accent falling on the self seemed
To hold out forgiveness in its placement of some cars
To my left and to my right a shopping cart or something I forget what it was.
The point is, the point is I might have singled out
Anything in that landscape and said those trees are after me; but
It is the nature of the Atlantic white ceddar to invade swamps:
It is not the nature of this cedar to judge me. On
The other side of the damages I saw a man
Standing where the scenes of my childhood had been torn down.
And he was carrying the next day in his hands, and he was awake."

Ernan at 11:45 AM

0   comments


9.21.2002

September 21, 2002 || 6:07 pm

"You will walk toward the mirror,
closer and closer, then flow
into the glass. You will disappear"


- William Stafford, Your Life

Hindi ko maintindihan ang relasyon ng mga babae sa salamin. Hindi lang miminsan kong narinig na kinakailangan nilang tumingin sa salamin kahit isang beses lang sa buong araw.

Hindi ko iyon maintindihan sapagkat sumisilip lang ako kapag nagsusuklay o napuwing o kapag tinatawag ng angst. Samakatuwid, sa isang buwan, mga apat o limang beses lang akong tumitingin sa salamin sapagkat di naman ako nagsusuklay (kung gawin ko man kadalasa'y di ko kinakailangan ang salamin), hindi naman araw-araw napupuwing, at nawawalan na ako ng panahon sa angst at kamakailan nakokornihan na ako sa sarili kapag nasa ganoon akong mode. Ganyan kabihira kahit may malaki kaming salamin sa bahay na nasa harap ng pintuan papalabas. Hindi ko na nabibisita ang mukha ko, ang hitsurang sumisimbolo ng buong pagkatao.

Ngunti ang kababaihan, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, binibisita ang sariling mukha (sa salamin sa bahay, sa kotse, sa CR, sa eskuwela, sa bintana, sa lahat na lang ng bagay, pati pa nga minsan sa bread knife). Hindi ko lubos maisip kung ano ang hinahanap nila sa mga pagsilip na iyon. Madaling sabihing vanity ngunit, sa palagay ko, bitag iyon para sa mga tamad mag-isip.

Isipin na lang ang hilig ng mga pelikulang ipakita ang mga babaeng may problema sa harap ng salamin. Nasa may banyo man sila o sa harap ng dresser nila, tumutulo ang luha at gumuhit ang mascara o tulalang nakatitig. Laging babae, minsan lang lalaki.

O kung mapadpad ka sa isang red light bar, madalas salamin ang kanilang dingding. Oo nga siguro't nagpapaluwag iyon sa paningin pero kapag sumayaw na ang mga babae, doon sila nakatitig. Tila sinasayawan ang sarili. Maaring sabihing dahil sa hiya ngunit hindi rin lamang iyon sapagkat sa palagay ko'y lagpas na sila sa hiya. At kahit kasi sa mga bars na may bar dancing, kung saan hindi naman talaga naghuhubad ang mga babae, doon pa rin bumabaling ang mga mata nila. Lagi't lagi nilang sinisilip ang sarili.

Nababasa kaya nila ang mga sarili sa salamin? Tulad ba ni Tereza, nakikita ba nilang may mga kumakaway na pasahero? Kinakailangan ba nilang makakita ng ebidensiya araw-araw na sila'y naririto't nabubuhay pa? Sinusugarado ba nilang sila ay sila pa, na walang nagbago? Anong kakulangan ang sinusubukang punan? Anong katotohanan ang hinahanap nila?

Ernan at 6:09 PM

0   comments


9.19.2002

September 19, 2002 || 9:10 pm

I never knew I could overwork my brain. I thought accounting and finance were the limit. Even then I refused to study and doodled, wrote poetry, or admired how the moonlight made the naked tree outside Faura much starker. My mind even refused to answer tests. It preferred to conk out and I would sleep or stare blankly at my sheet until the seventh person handed in their paper. It would have been too obvious had I been the first to give it.

But my head's aching now and it's not just because of staring too long at the computer or that it's extremely cold here in the office. I did four stupid profiles today, interviewed five people, and did six speeches. I've never done so much bullshit in a day. Two of the articles are useless because apparently they've been profiled before, the speeches have to be redone because they want a different tone for it, something lighter, which was easier to do in the first place. I don't know why I'm doing the speeches because it's about the history of the company and I've been here for just a month. And they want to put personal experiences there and they want me to write it. What the hell do I know about it?

Of course I just smiled and said I'll do it. What else can I do? Oh God, I hope no one in the office reads my blog. By the way, I'm still in the office.

Ernan at 9:10 PM

0   comments


9.17.2002

September 17, 2002 || 8:00 pm


Itchyworms is launching softly (I don't know, soft launching) their second music video at 70's Bistro along Anonas. The gig's this Thursday, September 19, at 10 pm. There's a P100.00 fee but it's consummable. And PAN is playing too.

Ernan at 8:06 PM

0   comments


September 17, 2002 || 3:18 pm


Get daily bites of fortune cookie telling. Click on the kapalaran link in the kawing section at the sidebar. Though not always funny, it's still interesting.



“This year’s love had better last
Heaven knows it's high time
And I've been waiting on my own too long

So whose to worry
If our hearts get torn”


Naka-upo ka sa mesa mo, binabasa ang profile ni Anna Fegi, tapos walang malisya mong pinakikinggan ang album ni David Gray. Nakalimutan mo na matalim pala ang mga lyrics ng kanta niya. At habang natutuklasan mong paborito ni Anna Fegi si Usher, pinipilit mong di intindihin ang mga salita. Ngunit walang talab.

Kaya huminto ka na lang. Hindi ka na umiiwas at naririnig mo si David Gray, “you were the standing joke of the year” habang pinagmamasdan mo ang isang ka-opisina na nakasuot ng T-shirt na ang disenyo ay ang American flag. Nasa may bintana siya, tinitignan ang mga basang bubong ng siyudad. Hindi mo namalayan, kanina pa pala umuulan ng pagkalakas-lakas. “Take a look at my face, for the last time.” Sige pa rin sa pagkanta si David Gray.

Natawa ka na lang nang mabasa mong sinagot ni Anna Fegi, “music is my comforter.”

Ernan at 3:14 PM

0   comments


9.12.2002

September 12, 2002 || 9:22 am


Walanjo nga naman. Maganda pa naman sana ang sikat ng araw at hindi gaanong mainit at di rin umuulan. Fair weather ika nga. Kanina, papasok ako ng opisina, tumatawid ako sa kalye ng makasabay ko ang isang ale na nakapayong. Okay lang naman at walang problema. Kaso mo, maliit siya. At ang payong niya'y saktong nakaharang sa eye level ko. At malaki, MALAKI ang payong na dala niya. Kaya nga naman di ko makita ang mga sasakyan na parating. Nagkataon lang na muntik na akong mabundol ng kotseng kuba. Bakit ba naman kasi nakapayong si ale, di ba naman niya naisip na mainam sa buto ang maarawan sa umaga. Vitamin D din yun.

Ito ang problema ng mga matatangkad na hinding-hindi maiintindihan ng mga maliliit.



The Lovers La Trahison des Images Perspective: Madame Recamier by David False Mirror


Unang kita ko pa lang sa mga pinta ni Magritte namangha na ako. 14 anyos pa lang yata ako noon at natagpuan ko siya sa mga lumang magasin ng lola kong mananahi. May isang buong artikulo roon tungkol sa kanya. Siyempre pa, natuwa ako sa pipa niya na nilagyan niyang "This is not a pipe" at bumakat sa isipan ko ang The Survivor niya na may ripleng dumudugo na nakasandal sa dingding.

Matagal ding nawaglit sa isipan ko ang pangalan ni Magritte. Nang nasa stage pa ako ng "book mania" at "poetry euphoria" nakatagpo ko ang isang libro na ang pabalat ay isang painting ng isang mama na nakasuot ng bowler hat na tila inukit sa himpapawid. Walang dalawang isip, kinuha ko ang libro at binasa. Collected poetry pala ni Yehuda Amichai na nang mga panahong iyon di ko pa kilala. Binili ko ang libro at ang hindi ko napansin ay Rene Magritte pala ang painting sa labas ng libro. At doon ko naalala uli ang mga pinta ni Magritte.

Ngayong tubog na ako sa pilosopiya, hindi na basta novelty lang ang tingin ko sa mga pinta niya. Lalo na sa "Treachery of Images" niya. Ang di ko naintindihan noon, masalimuot pala ang nilalaman ng mga pinta niya. Kaya heto't ipinapakilala ko siya sa inyo. I-click lang ang mga larawan kung gusto mong makita ng mas malaki ang mga pinta.


Key to the Fields Attempting the Impossible The Survivor The Red Model

Ernan at 9:50 AM

0   comments


9.11.2002

September 11, 2002 || 9:08 am


Isang taon na pala ang nakaraan.



Dumarating ang oras ng katahimikan sa isang pakikipagkapuwa, kung saan nauubusan ng sasabihin at nauuwi sa pagkakasinuhan. Maaring isang paurong-sulong na pag-uusap o diretsahang katanungan, nauuwi pa rin sa katanungang "ano ang nais mo?" o sa mas malalim na "sino ka?" at "ano ang pangarap mo?"

Diyan na nga napunta ang usapan nang makisabay ako minsan kay Nicole papunta sa Ateneo. Isang kambiyo at lumiko na roon ang tanong, "ano ang gusto mo sa buhay?" Ngunit lagi na lang walang naniniwala sa sagot ko.

Il seminatore, Vincent Van GoghKung tutuusin kasi, at kung hindi pag-uusapan ang pera, nais kong maging magsasaka o maging ranchero. Mula noon pa, gusto ko na ang nakikihalubilo, hindi lang sa tao ngunit pati na rin sa kalikasan. Gusto ko ring mamuhay sa tabi ng napakaraming luntian at sa may tanawin. Tulad sa sentimyento ng tula ni Neruda na "Hijo del Mundo," nadarama ko na hindi ako tunay na nabubuhay kapag hindi nakakawit ang buhay ko sa lupa. Tipong ang relasyon mo sa lahat ng bagay ay iyon nang nairepake, gawa mula sa pabrika, na ang lahat ng nasa paligid ay nagiging at hindi ka man lang nagbuhat ng daliri para tumulong. Ngunit, tulad sa lahat ng mahahalagang bagay, ang hirap gawin. Hindi mo alam kung ano ang pumipigil—takot, pamilya, luho, o iba.

Marahil kaya nagpipilit na magsulat, para makisalo sa paglalang kahit papaano. Ngunit sa pagsusulat, minsan kahit binubuksan mo ang sarili, nararamdaman mong napakalayo at lumalayo ang distansya mo sa ibang tao. Na sa pagtagpo sa sarili, nauunawaan mo ang layo at lalim ng pagakakaiba mo sa iba.

"Yo no tengo derecho proclamar
mi existencia: fui un hijo de la luna."

                   - Pablo Neruda
Teka, ang labo na nito.



Ramon, may natagpuan akong isa pang De Veyra. Nabanggit mo minsan kasi na malamang sa malamang kamag-anak mo ang lahat ng De Veyra. Kamag-anak mo nga ba? Wala lang.

Ernan at 9:05 AM

0   comments


9.10.2002

September 10, 2002 || 5:55 pm


Found this somewhere in the net.


This one's a laugh trip too. Thanks to Harvey.

Ernan at 5:50 PM

0   comments


September 10, 2002 || 2:20 pm


Pagpasensiyahan niyo na muna at dalawa ang comment script ko. Sinusubukan ko kasi kung ano ang mas matino sa dalawa. Lagi kasing down ang haloscan e. Tinatamad na rin akong baguhin ang script sa template ko. Solb!

Ernan at 2:33 PM

0   comments


9.08.2002

September 08, 2002 || 12:37 pm


Sa wakas, sa wakas! Hindi na naka-down ang haloscan at naipasok ko na ang comment script sa blog ko. Wheew!

Ernan at 12:30 PM

0   comments


9.07.2002

September 07, 2002 II 12:49 am


I read in the papers today that the city of Manila will impose a curfew. When the ordinance is finally signed by Mayor Lito Atienza, minors will no longer be allowed to roam the streets after 10 pm until 4 am the next day.

The first thought I had was good! no more NPHs crowding the night spots. I can finally drink my beer without having to suffer high school gigglings or immature oglings. Not to mention pretentious styles and fake english accents. Oh you're so pa-coño naman!

A curfew will also mean less frat fights. These I'm indifferent too though I've heard and witnessed horrible, horrible fights. Kids wielding, not knives, but paltiks or throwing boobied Lipovitan bottles. I couldn't care less. If they want to bash each other's heads let them! That's one less stupid teenager you'd bump into at Megamall. But it's good all the same, less likely you'd be robbed so they can buy rugby or better yet Robitussin, which they can't even pronounce correctly.

But then an image struck me. I remembered my night outs with my kid neighbors. Those instant kuwentuhans and inumans. We used to live in an apartment so whenever I'm bored, I could just go out, peer at someone's window and find someone to tambay with. We used to bring out radios and listen to LA 105.9 and NU (yes Quark, we listened to NU). We'd buy beer at a 24 hour mini-grocery and someone would provide food, usually leftovers and chips. We'd talk and walk until about 3 am. We'd talk about trading cards. Those were the times when knowing the difference between Impel and Flair mattered. Or how they weren't showing good cartoons like Visionaries and Thundercats anymore. We'd walk around Banawe, Sto. Domingo, and sometimes play at Rommel's.

So I thought if they imposed the curfew ordinance then, I'd be bored like hell inside the house. I would have plotted a scheme to dominate the world. Or developed perversions. Or at the very least be condemened to hell (jacking off is considered a mortal sin, isn't it?). So in a way, staying out at nights saved my life.

But then again, I'm not the one who'd suffer if the curfew pushes through. Ha! Let the new generation think of ways to rule the world while sitting on their mommy's cushioned sofas drinking insipid Coke. They'd all be burning in hell anyway.

Ernan at 12:40 AM

0   comments


9.05.2002

September 05, 2002 || 5:53 pm


Just browsed through everybody else's blog. Found out mine's extremely boring. No hot chismis, no dissin'. No running commentaries. Not much name droppings. And I can't put the freaking comment script. Hay! Oh well.

Blogging is so addicting.

Ernan at 5:55 PM

0   comments


September 05, 2002 || 12:20 am


visit official siteSayang. Nanood ako ng Jologs kanina at sayang. Nakapanghihinayang ang pelikula. Malaman at mayaman ang pinaghuhugutan ng script at hindi mo rin naman sasabihing hindi magaling ang direktor. Kung tutuusin maayos ang pagkakagawa nito at nakatutuwa naman ngunit hindi maikakaila ang pagkakahawig nito sa formula at konsepto ng Magnolia . Mula sa pinakabuod na tema ng pelikula hanggang sa isang malakihang pangyayari para maitagni ang lahat ng mga butil ng istorya. Hindi ko alam kung sadya o hindi ngunit pansin naman ng lahat ang pagkakawangis.

At nakalulungkot, tila kasi lahat na lang ng ginagawa nating pelikula ay kopya, segunda klaseng duplicate. Makikita at batid mo namang puwedeng hindi manggaya. Hindi ko tuloy alam kung katamaran ba mag-isip ang pinaguugatan nito o sadya lang bang nasasaloob na talaga natin na mas maganda't magaling ang sa mga dayuhan.



Kanina paglabas ko ng sinehan, nanliit ako. Iyong pagliit na pisikal, na tila napakalaki ng lahat sa paligid. Sa paningin ko, ang lawak ng kalye, ang taas ng gusali, ang layo ng distansya na lalakbayin. Saka lamang pagdating sa bahay napinta ko ang nadama. Nilalamon ako ng daigdig at sinasakluban ng buhay. Bigla na lang binubulaga ka at makikita mo na wala ka na at ginigitgit ka ng buhay. Tipong sige ka ng sige, hindi mo naman pala alam ang pinagkakaabalahan mo. Nawala ka na at nalinlang ka. Pagsilip mo muli, nagbago na ang lahat. Kinakailangan mo muling pumirme at huminto at makiramdam sa sandali, unti-unting patingkarin ang sarili at hayaang tumangkad ang kalooban para puwede ka na uling makipagsabayan.

Ernan at 12:56 AM

0   comments


9.03.2002

September 03, 2002 || 9:05 pm


It took me three hours, eight consulations with Popao (the html guy), four trips to Monet (the Photoshop guru), and several wrong uploads to make this blog look like this.

Though I am not finished with the design and the links, it's a far cry from my past GREEN background. I do say that I did a wonderful job. So applaud me. Come on, come on. Clap your hands stupid.

Ernan at 9:05 PM

0   comments