9.11.2002

September 11, 2002 || 9:08 am


Isang taon na pala ang nakaraan.



Dumarating ang oras ng katahimikan sa isang pakikipagkapuwa, kung saan nauubusan ng sasabihin at nauuwi sa pagkakasinuhan. Maaring isang paurong-sulong na pag-uusap o diretsahang katanungan, nauuwi pa rin sa katanungang "ano ang nais mo?" o sa mas malalim na "sino ka?" at "ano ang pangarap mo?"

Diyan na nga napunta ang usapan nang makisabay ako minsan kay Nicole papunta sa Ateneo. Isang kambiyo at lumiko na roon ang tanong, "ano ang gusto mo sa buhay?" Ngunit lagi na lang walang naniniwala sa sagot ko.

Il seminatore, Vincent Van GoghKung tutuusin kasi, at kung hindi pag-uusapan ang pera, nais kong maging magsasaka o maging ranchero. Mula noon pa, gusto ko na ang nakikihalubilo, hindi lang sa tao ngunit pati na rin sa kalikasan. Gusto ko ring mamuhay sa tabi ng napakaraming luntian at sa may tanawin. Tulad sa sentimyento ng tula ni Neruda na "Hijo del Mundo," nadarama ko na hindi ako tunay na nabubuhay kapag hindi nakakawit ang buhay ko sa lupa. Tipong ang relasyon mo sa lahat ng bagay ay iyon nang nairepake, gawa mula sa pabrika, na ang lahat ng nasa paligid ay nagiging at hindi ka man lang nagbuhat ng daliri para tumulong. Ngunit, tulad sa lahat ng mahahalagang bagay, ang hirap gawin. Hindi mo alam kung ano ang pumipigil—takot, pamilya, luho, o iba.

Marahil kaya nagpipilit na magsulat, para makisalo sa paglalang kahit papaano. Ngunit sa pagsusulat, minsan kahit binubuksan mo ang sarili, nararamdaman mong napakalayo at lumalayo ang distansya mo sa ibang tao. Na sa pagtagpo sa sarili, nauunawaan mo ang layo at lalim ng pagakakaiba mo sa iba.

"Yo no tengo derecho proclamar
mi existencia: fui un hijo de la luna."

                   - Pablo Neruda
Teka, ang labo na nito.



Ramon, may natagpuan akong isa pang De Veyra. Nabanggit mo minsan kasi na malamang sa malamang kamag-anak mo ang lahat ng De Veyra. Kamag-anak mo nga ba? Wala lang.

Ernan at 9:05 AM

0   comments

0 Comments

Post a Comment