9.29.2002
September 29, 2002 || 4:24 pmPumasok ang Ateneo sa Finals ng UAAP. Hindi lang 'yan, nanalo pa sa Game 1 laban sa La Salle. Excited ako. Bigla, inaalam ko ang stats ng mga players, kinikilala kung sino sila. Gusto kong manood ng games. Nakukuha kong sumigaw ng One Big Fight!
Sa mga nakakakilala sa akin, alam nilang hindi ako basketball fan. At kahit na noong nasa unibersidad pa ako, dalawang beses lang ako nanood ng laro. Una'y noong first year dahil pa-feeling pa ng school spirit. Ang huli'y noong fourth year dahil gusto muling ma-feel ang school spirit. Hindi ako nanonood ng basketball. Hindi ko sinusuportahan ang hype sa basketball, lalo na sa UAAP. Lagi kong sinasabi na bakit diyan pa tayo tututok, ka daming sports na dapat panoorin at malaman ng mga estudyante kung saan nananalo tayo. Tulad ng chess halimbawa o rifle-pistol shooting.
Kaya laking gulat ko sa sarili nang pumasok ang Ateneo sa Finals, kasi natuwa ako at binigyan ko ng napakalaking importansiya. Oo, hipokrito ako at kapag nananalo ang Ateneo doon lang ako nanonood ng game. Ngunit di makakasama kung susuporta ako, kung ipapakita ko ang katuwaan ko, kung makikisigaw ako ng fabilioh. Bakit ko ipagkakait sa sarili ang saya na hinihintay ng lahat, noon pa? At kahit man lang sa kakarampot na oras at sa basketball court, maramdaman ko naman paminsan-minsan na nagkakasama ang lahat ng naka-asul, na malaking bagay ang apat na taon na ginugol ko sa Ateneo.
Anong masama kung makapgyabang ng kaunti sa mga kakilalang mayayabang na La Sallista?
Of course we had to lose Game 2.
Ernan at 4:44 PM