9.21.2003
September 21, 2003 || 12:02 pmMay bago ka rin naman palang natututunan mula sa mga mail forwards:
Aoccdrnig to a rscheearch at Cmabrigde Uinervtisy,
it deosn't mttaer in waht
oredr the ltteers in a wrod are, the olny iprmoetnt
tihng is taht the frist
and lsat ltteer be at the rghit pclae.
The rset can be a total mses and you can sitll raed
it wouthit porbelm.
Tihs is bcuseae the huamn mnid deos not raed ervey
lteter by istlef, but
the wrod as a wlohe.
Amzanig huh?"
I had a magic eight ball named Lefty. I handpicked him from a counter in Megamall. His first prediction was whether I should cross the street. He said, "Outlook Good".
Lefty was a good ball. I brought him to places. He decided things for me. I absented twice from work because of him to play Ragnarok. He predicted Tessa will get the internship. He told whether Nicole loved Dan. Lefty was that good.
Sadly, all good things do not last. The last trip I had with him was to Kafe last Saturday. I brought Lefty to the Spongecole EP Launch. Rather, he decided that we both go to the launch. Lefty has never heard rock music live before.
So I brought Lefty and two bottles of Pepsi X because Lefty said that Canadians are always thirsty. Kafe turned out to be jampacked. So I left Lefty at Label Ho's table for safekeeping. And Genie found Lefty. She took a picture of him with her. Get a friendster and see Genie. That's Lefty she's holding. Lefty is the nicest magic eight ball there is. He just sat there in Genie's hand the whole time.
But as the party was winding down. Label Ho closed and my things were still at the table. I was heading towards Lefty but a group started asking him questions. It was Ely Buendia, his wife and their kid. The kid was cute I was standing a couple of paces from them. Lefty was having fun with them. So I didn't butt in. Besides, I was too busy thinking other thinks.
Ely Buendia and his family started to leave. But the kid wanted Lefty. They let him took Lefty. They didn't ask if anyone owns Lefty. They didn't realize that Lefty's owner was eyeing them, a shoulder's pat away. They took Lefty away. I let them.
So I had a magic eight ball named Lefty. And I lost him in a Spongecola EP launch to Ely Buendia's kid.
Ernan at 11:51 AM
9.19.2003
September 19, 2003 || 4:28 amMay 42 friends ako at 198,999 na katao sa personal network. Iyan ayon sa friendster.
Katahimikan ang habol ko matapos mababad sa mga tili ng mga babae ng dalawang oras.
Kasama ng dalawang kaibigan at dalawa pang kakakilala lang, nagmerienda ng ensaymada sa disoras ng gabi.
Katahimikan ang habol ko kaya't pasulput-sulpot lang ang utak sa usapan ng mga kasama. Habang pinagpapahinga ang tainga may radyong tumutugtog sa di kalayuan. Nakilala ko ang ilang linya. "Nobody said it was easy, such a shame for us to part."
Kagyat naintindihan ang katahimikang hinahangad. Nakisabay ako sa kanta.
"I was just guessing at numbers and figures,
Pulling the puzzles apart,
Questions of science, science and progress,
Do not speak as loud as my heart,
And tell me you love me, come back and haunt me,
Oh and I rush to the start,
Running in circles, chasing tails,
Coming back as we are"
Ang nais kong marining ay ingay ng usapan namin na inaabot nang hanggang umaga sa condo niya. Tungkol sa walang bagay at sa lahat ng bagay. Iyon ang katahimikan ko. Sa nguyngoy ng mga kataga niya, doon ko gustong maglatag at mamahinga.
"Tell me your secrets, and ask me your questions,
Oh lets go back to the start,
Running in circles, coming in tails,
Heads on a science apart,
Nobody said it was easy,
Oh it's such a shame for us to part,
Nobody said it was easy,
No one ever said it would be so hard,
I'm going back to the start."
Ernan at 1:47 AM
9.16.2003
September 16, 2003 || 11:07 pmNagkatotoo na nga ang sinasabi ng magulang ko. Sa kaburaraan ko, nawala ko ang cellphone ko. Kanina lang naiwan ko sa taxi. Hindi ko na inaasahang makita pa uli. Saan ko kaya huhugutin ang 15 thousand para bumili ng kapalit? Baka may gustong magdonate diyan. Kahit papiso-piso lang.
Sige na. Batukan niyo na ako kapag nagkita tayo. Wala na akong flashlight.
Ernan at 10:55 PM
9.11.2003
September 11, 2003 || 11:47 pmPalalim ang gabi at binabaybay niya ang EDSA. Palalim ang gabi ngunit maliwanag sa EDSA. Bukod sa ilaw sa daan, nababakuran ang langit ng mga billboards. Nilulunod ng mga malalakas na spotlight ang dilim. Pinalulutang ang sari-saring bentahe. Ang Timex ni Piolo. Popeye's ni Jericho. Click Barkada para sa PLDT. Lee Pipes. Mango. Endless Love. First Time.
Pelikula, pagkain, damit, musika, pag-ibig, libog. Lahat ng iyan nakapaskil, nakapaskil at pinalaki. Sakop ang mga pisngi ng nagtataasang gusali. Pinalilibutan tayo. Bawat galaw natin, bawat usad sa buhay binebentahan tayo. Makalat ang paligid ng samu't saring anunsiyo.
At nakakapagod. Na laging ipinaalala ang kakulangan sa atin. Na pina-iikot ang mundo natin ng mga bagay. Kailangan man o hindi. Ibig man o hindi. Lagi silang nariyan.
Gusto ko tuloy magtago kung saan di nila maabot. O kahit sa hindi na lang sila nakapalibot. Naiisip ko ang lagi kong sagot kapag tinatanong kung ano ba talaga ang ibig kong trabaho, kung nasa akin na ang yaman at walang ibang iisipin, ano ang ginagawa ko sa araw-araw? Iisa lang lagi ang sagot ko at ang karamiha'y nagugulat. Magsasaka o ranchero.
Imbis na billboards, nais kong palibutan ako ng puno, ng luntian at ng bughaw. At kapag ganitong maaliwalas ang gabi, ang mga dahon at sanga ang babakod sa kalangitan. Tatanawin ko ito habang papalalim ang isipan.
May tagpo sa End of the Affair kung saan nahulog si Maurice Bendrix. Nawalan siya ng malay at pagtayo niya'y binanggit niya na gumising siya sa panibagong mundo. Na wala siyang naramdaman—pag-ibig, muhi, lungkot, galit. At sa sandaling iyon, sa panahon ng walang emosyon, tila masaya siya.
Maari ngang totoo. Walang nagsabi na masaya ang pag-ibig. Hindi porke umiibig ka'y masaya ka. Mali ang inaasahan natin sa pag-ibig. Huwag mong hanapin ang saya sa pag-ibig.
Tila sinasabi ni Graham Greene sa isinulat niya na responsibilidad ang pag-ibig. "Love doesn't end just because we don't see each other." Maari pang pabigat. Pabigat na nais nating yakapin. Pabigat na naglalapit sa atin sa buhay. Na ating buhay. Kaya mag-ingat. "You see Maurice never make a promise. You may have to keep it."
Ernan at 11:42 PM
9.08.2003
September 8, 2003 || 12:57 amSampu ang anak ni Lola Kika at Lolo Dadong. Limang babae at limang lalake. Sa limang babae, pangatlo sa pinakamatanda ang nanay ko.
Kapag nagkakasama sila, napagkukuwentuhan nila ang mga hirap nila nung bata sila. Hindi kami angkan ng mayaman kaya't bata pa lang ay tumutulong na sila sa hanap-buhay ng lolo't lola ko. Naiisip ko na lang ang responsibilidad ng nanay. Ang pamamalengke at pag-aaruga sa mga nakababata.
Sa lahat ng narinig kong kuwento, laging kaakibat ang hirap at trabaho. Mga kalokohang nagmumula sa pagod. Kung papaanong tumataliliis si Tito Rading sa lolo kapag my gawain, ang malimutan ni inay na bumili ng bigas kaya walang sinaing, at kung ano pa. Hindi ako nakarinig ng kuwento na date-date o gimik sa kabilang bayan. Mga realidad siguro na kilalang-kilala ko. Iyon bang katuwaan na katuwaan lang talaga.
Lumaki ang nanay na mulat sa responsibilidad. Hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo at ang alam ko namasukan sa isang panahian sa Maynila. Tinulungang makatapos ang dalawang pinakabatang kapatid ng kolehiyo.
Hindi maimik si inay; kundi rin lang kabuhayan, mananahimik na lang siya. Pati love story nila ng ama ko, sa iba ko pa nalaman. Mula pagkabata, paalala lagi ang naririnig ko. Minsan nakaririndi pero nakasanayan na.
Noong bata'y siya ang nagkukulong sa akin sa labas ng bahay kapag hindi ako umuwi sa tamang oras. Papapakin ako ng lamok hanggang may maawang kapatid na magbubukas ng pinto. Pinagbabawala rin dati ni nanay ang pagbabasa ng libro sa akin. Paano'y nakukulong daw ang utak ko ng libro. Paano kasi'y buong araw akong nakatitig sa libro. Hanggang ngayon, umiismid siya kapag matagal akong nagbabasa. Pero alam kong natanggap na niya iyon. Siya kasi ang nagpagawa ng bago kong bookshelf gayong di ko naman hinihingi.
Praktikal si nanay. Ngunit ispirituwal. Kapag umalis ng bahay, ang tungo niya'y grocery, palengke, bangko o simbahan. Halos ang kabarkada niya'y mga pari. Kahit mag-isa'y nagsisimba siya linggu-linggo. Hinahatak kami sa kung anu-anong pista, sa mga panata na noon pa ginawa. Walang mintis, buo kaming pamilya sa pista ng Sto. Nino sa Tondo. At halos lingguhan na salit-salit sila kung bumisita sa Nuestra Senora de Buen Viaje sa Antiplo o sa Our Lady of Manoaog sa Pangasinan. Ang sine niya'y misa. Ang kabarkada niya'y mga pari. Bawat linggo yata'y may nadaraan na bisitang pari. Dati nga'y pangarap niya na isa sa amin ng kuya ko ang magpari. Minataan pa niya ang bunsong babae na magmadre. Ngunit mukhang hindi matutupad ang pangarap niya. Baka sa apo na lang.
Nagbago na ang pangarap niya sa bunso namin. Balak niyang magnars ang ito. Malaki raw kasi ang kita rito. At totoo naman. Ngunit siyempre umaalma ang kapatid ko. Ganyan si inay, ginugustong di namin maranasan ang naranas nila. Kaya nga't kapag wala akong trabaho'y napagsasabihan niya ako. Pinupukpok na kumuha ng regular na trabaho. Hindi niya kasi maintindihan ang konsepto ng freelance.
Mabuti lang naman ang hangad niya sa amin. Magpapaalala kahit masakit sa tainga. Ngunit uurong din naman sa talagang desisyon mo. Kung mapakita mong naninindigan ka rito.
Katuwa nga kaninang nanonood kami ng CNN at ipinakita ang isang lungsod sa Israel na tinamaan ng mga bomba, pinaguusapan naming lahat ang giyera ng Palestine at Israel, kung papaanong balakid si Arafat sa kapayapaan; biglang tugon ng nanay ko na nananahimik, "ang payat ng hollow blocks nila." Sa TV, kita ang debris ng bomba at ang mga nawasak na pader. Nahubaran sa pinta at nagkaguho, litaw ang hollow blocks na buto. Yayat nga naman ang mga ito. Sa una'y di ko maintindihan. Nang lumaon at ninamnam ang sinabi ni nanay, malalim pala ang pahiwatig niya.
Payat ang hollow blocks at hindi maganda ang yari ng bahay. Madaling gumuho. Ano na lang ang sinasabi nito sa sambayanang Israel? Kung ang mga bahay nila'y di pagmabutihin.
Sobrang pagbasa na ito sa nais ipahiwatig ng nanay ko. Pero ganito marahil ang nais niyang sabihin.
Payat ang hollow blocks at hindi maganda ang yari ng bahay. Madaling gumuho. Ngunit kaming magkakapatid ay walang ipag-aalala sapagkat ang pundasyon nami'y hindi yayat. Hindi bukbukin. Hindi madaling gumuho. Tiniyak ng nanay ko 'yun. Tiyak ako doon.
Ernan at 1:56 AM
9.04.2003
September 4, 2003 || 1:32 amNapasadahan kanina sa usapan ang mga hilig sa musika. May nagbanggit na hindi siya mahilig sa pop. Madalian akong sumang-ayon ngunit ngayong binubusisi ko ang laman ng hard drive ko, napadalawang-isip ako. Nagtatagisan sa playlist ko ang The Jets at ang The Strokes.
Pagkabata pa lang, mulat na ako sa pop music. Sa bagay, iyan naman talaga ang kinamulatan nating lahat. Mula Butchikik hanggang Time After Time. Tumatak sa murang isipan. Siguro nga'y kapag ngayon palang ako tinutubuan ng buhok sa binti, "Spaghetting pataas pataas nang pataas" ang magiging theme song ng kabataan ko.
Ang unang sabak ko marahil sa musika'y ang mga pilit na pinasasayaw sa aming mga bata tuwing may okasyon. Sa bahay man o sa paaralan. Borderline, Swiss Boy, La Bamba, New Age Girl, Mr. Boombastic, Mga Kababayan Ko. Ilan lang iyan sa mga kantang inindakan namin. Pasko, Valentine's, Field Day, Santa Cruzan. Mga puppet kaming sumasayaw. Costume changes, confetti, glitters at gloves. High school na nang tinubuan ako ng buto ng kahihiyan at napagtantong di talaga ako marunong sumayaw.
Mula bata pa lang wala na talagang tono ang boses ko. Malinaw pa rin sa isipan nung tinuturuan ako nina Alex at Dudz na kumanta ng Could've Been sa tapat ng bahay nila Lino. Paulit-ulit sa'king pinapakanta ang unang linya, "The flowers you gave me are just about to die." Hanggang sa magsawa sila. At hanggang ngayon di ko pa rin makuha-kuha ang tono ng unang linya ng kaisa-isang kanta ni Tiffany na alam ko. (Ah meron pa palang isa, I think we're alone now)
Naalala ko pa na lihim kong kinukuha ang tape ng ama ko na 4 Big Stars. Compilation iyon ng 4 na singer. Ngayon ang natatandaan ko lang sa 4 ay si Frank Sinatra at Matt Monro. Lagi kong pinapatugtog ang My Way na huling kanta sa Side B. "And now the end is near so I face the final curtain." At ang pinakamatingkad na New Year sa akin ay iyong mga pagsalubong sa Bagong Taon ng pagkanta ni Tita Batch ng "Chiquitita tell me what's wrong" na sasabayan namin habang nagsisitalunan at pumuputok ang sinturon ni hudas. Nakagawian na naming kantahan ng Abba ang parating na taon.
At noong summer ng Grade 6 (kung kailan uso ang Cool Summer Nights ni Francis M.) nagdala ang pinsan kong nakakatanda ng bootleg tape ni Andrew E. at ng Eraserheads. Nasa kolehiyo na noon si Kuya Alvin at lubos naman ang tingala ko sa kaniya. Nasa Pampanga kami noon at sakay ng pinagpapaktrisan naming idrayb na owner jeep (matigas ang manibela para lumaki ang braso at walang aray kung mabangga) nagpapatugtog kami ng malakas sa speaker na talaga pang ikinabit ni Kuya Randy sa likuran. Umiikut-ikot kami sa palengke (ano pa ba ang iba naming pupuntahan kundi bayan) habang umuugong-ugong ang Binibi Rocha, binibi rocha, talagang type kita. Napakabata ko pa para maintindihan ang mga double meanings. Umiindayog-indayog ako at nakiki-hum, feeling ko sobrang cool ako. Wala pa ang jologs term noon. Ang pinakamalapit ay squaking o kaya baduy. Hindi naman kami mukhang squatter at sa mga panahong iyon ay hindi pa baduy si Andrew E. So I was cool.
Pagbalik ng Quezon City, pinagipunan ko ang tape ng Eraserheads. Sisenta pesos pa yata iyon. Sa National Bookstore Quezon Avenue ko pa binili. Pinagpawisan pa ako ng malamig kasi may parental advisory na nakadikit sa harapan nito at baka di ako pagbentahan. Ngunit mabait ang Diyos at nadiskubre ko si Shirley at ang combong laging on the run.
Pero balik pop pa rin ako. Nakinig lang ako ng radyo nang mag-concert ang Introvoys sa eskuwelahan namin. Para hindi magmukhang tanga, inalam ko kung sino sila. Doon na, gabi-gabi yata'y nakinig ako. Sa awa ng Maykapal, hindi ko nahiligan ang Line to Heaven. Natutok ako sa LS noong una. Nang lumaon, LA at NU na. Tama nga, tinedyer pa lang hati na ako. Sabay ng hilig ko sa Chain Gang at Cranberries ay Indecent Obsession; nadiskubre ko si Beck at si Nelson del Castillo.
Maka-pop nga talaga ako. Ngunit isinusulat ko lagi sa favorite music ang Alternative Rock. At iniiwasan kong parang galis ang pop. Samantalang panakaw kong pinakikinggan ang Destiny's Child at si Mandy Moore. Kapag iniisip ko nga, ceteris paribus, may mga pop songs akong magugustuhan. Iyon nga lang, may kaakibat itong bagahe ng pagkabaduy o masa na pumipigil.
Gaya na lamang ng theme song ng Meteor Garden. Matagal ko nang naririnig pero hindi ko pinapansin. Minsang naghahabol sa oras at sakay ng taxi, pinatugtog ang pinoy version nito sa radyo. Samantalang pinagbabali-baligtad ko ang linya ng script sa utak, tumutugtog ang kanta. Sumigid na lang bigla na nakakaaliw pala ang melody ng kanta. Saka ko lang napagtanto na Meteor Garden pala iyon.
At kung pag-iisipan, ang mga gusto kong lumang kanta ay maibibilang sa pop. Ang Spiral Starecase, Beatles, Nat King Cole, Crew Cuts, etc. Lahat sila pop nang mga kapanahunan nila. Pati ang To Sir, With Love ni Lulu trip ko. At hindi ko ikinahihiya iyon. Pero isip ko, kung kapanahunan ko sila at kilala ko sila at ang image at bagahe nilang dala-dala, magugustuhan ko pa kaya sila? Maigmamalaki ko pa bang kilala ko sila?
Ang punto, tila hinuhubog ng marketing at image ng singer ang mga kantang gusto ko ngayon. Natatabunan ng feeling pa-alternatibo ko ang pop sensibility ko. Malay mo kung kapapanganak ko pa lang ngayon baka sinasanto-santo ko na sa year 2030 ang Creed.
Hindi naman siguro. May tainga pa rin naman ako para mabatid ang basura sa hindi.
Pero heto nga't noong nagsara ang V ay inumit ko ang mga CD's ng Grammy winners, Siakol, Billy Joe Crawford, Atomic Kitten, Aegis at iba pa. Isip-isip ko, sayang at pakikinggan ko rin naman.
Anu't ano man, pop man o hindi, basta trip ko, trip ko. Iiwasan ko nang ikahon ang lahat. Pababayaan kong magrambol si Ryan Adams at Bryan Adams. Mood mood lang iyan.
Ernan at 1:31 AM
9.02.2003
September 2, 2003 || 12:55 amNaalala ko na kung bakit ayaw ko ng regular na trabaho. At hindi iyon paggising nang maaga, nasanay ko na ang patpatin kong katawan sa kakarampot na tulog at kung kailangang kailangan e nagigising naman ako. Hindi rin ang pagod, hindi ko iniinda ang pagbanat ng buto. At hindi rin na hindi ko hawak ang oras ko, kaya kong pagtiisan basta feeling may kabuluhan ang ginagawa. Ang paghahanapbuhay ay makabuluhan at hindi ako nagrereklamo.
Ang dahilan talaga, nabatid ko, ay ang hindi maging productive. Ang mapilitang tumanganga buong araw at di ka nag-eenjoy. Hindi makatambay ngunit wala ring trabaho pero nasa trabaho ka.
Kanina, halos iyon ang ginawa ko. Buong araw inaliw ang sarili. Lalong mahirap dahil wala ang mga kabatak ko sa opisina. Lalo pa kung wala kang bilib sa karamihan sa kanila at napapansin mong nagpapataasan sila ng ihi.
Gumana na naman ang pagiging snob ko. Basta literatura talaga ang pinaguusapan. Ang pinakaayaw ko sa lahat e yung nagmamarunong.
Nagdala kasi ako ng Odes to Common Things ni Pablo Neruda kanina. Nakita nila at nagsimula ang ratsada nila sa panulaan. Na "I like Pablo Neruda. I love this book." Okay lang naman kaso hetong isa nagmagaling. Nagtanong si Girl 2 kay Girl 1: "O tell me why you like that book?"
Girl 1: "Wala lang."
Girl 2: "You can't tell me naman pala tapos sasabihin mo you like it. Ako I like him because he's good at Il Postino."
Girl 1: "I like those kind na 3rd world literature."
Girl 2: "Third world?"
Girl 1: "Literature from the third world. Duh? Poor countries."
Girl 2: "What do you like about them?"
Girl 1: "Like si Isabel Allende, the struggle. I like the class struggles."
At nagtune off na ako. Mga tao talagang galing sa ahensiya! E puro Nicholas Sparks at Oprah Book Club naman ang alam nila. Tuesdays with Morrie's, Bridget Jones' Diary. Makapagdala nga bukas ng Rilke bukas at tignan ko kung may masasabi sila. Ay huwag pala baka sabihin nila, "I like Rilke from The Sister Act".
Ang hirap maiwan sa gitna ng pagbubunuan ng pulitika at kahungkagan. Hindi pa sila enjoy kasama.
Ernan at 1:11 AM