9.02.2003
September 2, 2003 || 12:55 amNaalala ko na kung bakit ayaw ko ng regular na trabaho. At hindi iyon paggising nang maaga, nasanay ko na ang patpatin kong katawan sa kakarampot na tulog at kung kailangang kailangan e nagigising naman ako. Hindi rin ang pagod, hindi ko iniinda ang pagbanat ng buto. At hindi rin na hindi ko hawak ang oras ko, kaya kong pagtiisan basta feeling may kabuluhan ang ginagawa. Ang paghahanapbuhay ay makabuluhan at hindi ako nagrereklamo.
Ang dahilan talaga, nabatid ko, ay ang hindi maging productive. Ang mapilitang tumanganga buong araw at di ka nag-eenjoy. Hindi makatambay ngunit wala ring trabaho pero nasa trabaho ka.
Kanina, halos iyon ang ginawa ko. Buong araw inaliw ang sarili. Lalong mahirap dahil wala ang mga kabatak ko sa opisina. Lalo pa kung wala kang bilib sa karamihan sa kanila at napapansin mong nagpapataasan sila ng ihi.
Gumana na naman ang pagiging snob ko. Basta literatura talaga ang pinaguusapan. Ang pinakaayaw ko sa lahat e yung nagmamarunong.
Nagdala kasi ako ng Odes to Common Things ni Pablo Neruda kanina. Nakita nila at nagsimula ang ratsada nila sa panulaan. Na "I like Pablo Neruda. I love this book." Okay lang naman kaso hetong isa nagmagaling. Nagtanong si Girl 2 kay Girl 1: "O tell me why you like that book?"
Girl 1: "Wala lang."
Girl 2: "You can't tell me naman pala tapos sasabihin mo you like it. Ako I like him because he's good at Il Postino."
Girl 1: "I like those kind na 3rd world literature."
Girl 2: "Third world?"
Girl 1: "Literature from the third world. Duh? Poor countries."
Girl 2: "What do you like about them?"
Girl 1: "Like si Isabel Allende, the struggle. I like the class struggles."
At nagtune off na ako. Mga tao talagang galing sa ahensiya! E puro Nicholas Sparks at Oprah Book Club naman ang alam nila. Tuesdays with Morrie's, Bridget Jones' Diary. Makapagdala nga bukas ng Rilke bukas at tignan ko kung may masasabi sila. Ay huwag pala baka sabihin nila, "I like Rilke from The Sister Act".
Ang hirap maiwan sa gitna ng pagbubunuan ng pulitika at kahungkagan. Hindi pa sila enjoy kasama.
Ernan at 1:11 AM