8.30.2003

August 30, 2003 || 2:44 am


Sasamantalahin ko na ang pagkakataon habang may oras pa ako at hindi gaanong inaantok at nalalata ang katawan. Makakapag-post din ako ulit, sa wakas.

Kagagaling ko lang sa Pulp Nite sa Mayric's. Tumugtog ang C.O.G., Kamikaze, Cheese, Sky Church at dalawa pang bandang di ko kilala. Kukupaw kukupaw. Dumalo ako dahil nakiusap si Peach na kuhanan ko ang event para sa Pulp. In short, instant photographer ang labas ko. Ako na hindi raw marunong mag-frame, na laging malaki ang headroom, na walang kalatoy-latoy ang composition, na hindi marunong humawak ng manual cam (haha naalala ko tuloy ang payo ni Irwin, hold your cam like you would your genitals), na pinapatong ang daliri sa kaliwang mata para makakuha dahil hindi makakindat ng maayos.

Pagdating ko'y binigyan ako ng digicam. Aba'y kinapa ko pa kung papaano pa-clickin. Buti na lang at di ako malaking tanga, nakakuha naman ako. Ewan ko nga lang kung maayos.

At speaking of kupaw, punung-puno ang Mayric's. Ngayon ko lang nakita itong nag-uumapaw sa tao mula noong kainitan ng Sunday Grabe Sunday. Ano pa ba ang may hatak? Ang Cheese. Kesong tumatalbog-talbog at nagheheadbang.

Kakaiba ang hatak. Siyempre, sila ang huli. At walang umuwi ng maaga bukod sa mga usual na grupo ng mga manong na manginginom sa Mayric's (na ipinagtataka ko lagi kung papaano silang napadpad sapagkat di sila mukhang rakers kahit nung kabataan). Unang bagsak pa lang ng gitara, kumakawala na ang ulo ng mga bata sa mga leeg nila. Ang isang grupo sa tabi animo'y umaalon-along buhok at ang mga babae sa kabilang dulo'y epileptic ang tama. Nakakatakot. Naalala ko bigla ang binabanggit ni Ken Kesey na Octopus sa concert ng Grateful Dead. Kapangyarihang nagmumula sa gitarang hawak at garalgal na boses. Sandamukal na katawan na di mo mapaghiwa-hiwalay at ang banda sa stage ang isang mapangahas na ulo.

Nagulat din ako na nakita ko ang isang kaklase ng high school. Si Bordeos. Pagkatapos batiin, saka ko lang naalala na drummer pala siya ng Kamikaze. Bitbit niya ang utol niya. Wala pa yatang 10 taon ang bata. Aba tinalo sina Goldie at Hannah.

At napag-uusapan na rin ang high school classmates, nakipagtagpo ako sa ilan pang high school classmates noong isang araw. Sa napakaingay at napakalamig na Pier One kami nagsalo-salo. Paalis kasi si Giannini at dalawang taong mamalagi sa Qatar bilang stewardess. Si Tabera'y med rep na. Si James ay guro na sa Mapua. Si Vernon, di ko na naka-usap. Si Valmadrid ay nasa Citibank sa Binondo. Si Jacquelyn ay may bagong trabaho. Si Pam ay nasa law school pa rin. Si Grace mukhang magbabakasyon sa States para bisitahin si Macky. Si Napoles, tumaba. Bakit ko ba iniisa-isa ito, di niyo naman sila kilala?

Oh wells, anyways. Sakit ko na nga talaga iyan. Ang magkuwento at pangalanan ang bawat isa na tila kilala niyo rin. Iginuguhit ko ang daigdig sa sariling pagkakakilala at pinipilit sa lahat ng kausap. Kaya ikaw, masanay ka na sa akin dahil wala akong balak magbago. Dapat ba?

Ernan at 3:02 AM

0   comments


8.24.2003

August 24, 2003 || 3:32 pm


May bago akong natutunan kahapon. Ang simbahan ng Nuestra Senora de Guadalupe ang pinakamatandang simbahan sa kalakhang Maynila. 1629 nang ito ay matapos maitayo. Nakaligtas ng di kukulangin ng 5 malubhang lindol, 4 na giyera't rebolusyon, ilang henerasyon ng mga naniniwala atdi naniniwala. Lampas 300 taon.

Doon ikinasal kahapon sina Jules at Erwin. Kasama ng mga import na entourage. Sa blessings ni Fr. Dacanay. Mabuhay silang dalawa at ang dalawa nilang anak.




Siguro ako lang iyon. O kami ng mga kaibigan sa college. Ang nae-excite sa libro, sa unang talata ng isang libro. Ang mapangiti ng pagkalaki-laki, magtatalun-talon sa bookstore, ingudngod ang libro sa katabi, paghinga ng malalim, mapakagat labi at basahing muli ang unang pangugusap.

Napakatagal na panahon noong huli kong maranasan iyon. Ilan sa mga librong kaagad nasasaisip,
"In the beginning there was river. The river became a road and the road branched out to the whole world. And because the road was once a river it was always hungry."
— Ben Okri, The Famished Road

"One day a man may just pick up and walk out. What he leaves behind stays behind. What's left behind has nothing to stare at but his back. In the winter of 1965 Yonatan Lifshitz decided to leave his wife and the kibbutz on which he had been born and raised. He had finally made up his mind to run away and start a new life."
— Amos Oz, A Perfect Peace

Ilang linggo nang nakaraan, napadaan ako ng Fully Booked sa Power Plant at nabasa ko ang unang talata na ito,
"I was born twice: first, as a baby girl, on a remarkably smogless Detroit day in January of 1960; and then again, as a teenage boy, in an emergency room near Petoskey, Michigan, in August of 1974. Specialized readers may have come across me in Dr. Peter Luce's study, "Gender Identity in 5-Alpha-Reductase Pseudohermaphrodites," published in the Journal of Pediatrci Endocrinology in 1975. Or maybe you've seen my photograph in chapter sixteen of the now sadly outdated Genetics and Heredity. That's me on page 578, standing naked beside a height chart with a black box covering my eyes."
— Jeffrey Eugenides, Middlesex

at na-excite akong uli. Hindi ko alam kung sino si Eugenides (maalala ko pagkatapos na siya ang gumawa ng Virgin Suicides na di ko pa rin naman nababasa) at kahit nasa Bestseller section ang kopya (katabi ni Tom Clancy), malakas ang kutob ko na maganda ang libro. Ngunit, hay, hindi ko nabili kasi hardbound ang kopya at 1,374.00 ata ang presyo (basta hindi bababa ng isang libo).

Pero isang araw may natanggap akong text kay Vivian, "Middlesex is now available at 360. I can get it for u at 288. :)" God bless Vivian! Siguro'y dadaan ako next week sa Fully Booked, by that time, tapos na ako sa The Once And Future King.

Ernan at 4:10 PM

0   comments


8.22.2003

August 22, 2003 || 10:50 pm


Dahil sa palagay matagal na akong bum, kinuha ko ang trabaho sa Salt 'N Pepper. Tama, Salt 'N Pepper talaga ang pangalan ng kumpanya, isang bagong production house. At Hearts & Minds naman ang kakambal nitong ahensiya.

Tuesday nung una akong pumasok at mula noon alas-nuwebe ng gabi ang pinakamaaga kong uwi. Pagod ang buto ko at wala na akong ibang buhay. Trabaho tulog, iyan lang inaatupag ko.

Iniisip ko na ngang umalis. Hindi dahil sa pagod o sa trabaho, para kasing di ko masisikmura ang pulitika. Kapag sinabi kong pulitika, politics talaga. Dahil maka-GMA kami at lahat ng projects namin ay gobyerno.

Kapag may napanood kayong 30 seconders na mga sundalong papogi na commercial, isa ako sa mga may kagagawan nun. Madaliang script at madaliang shoot. Mapapadali ang buhay ko nito.




I Know

So be it, I'm your crowbar
If that's what I am so far
Until you get out of this mess
And I will pretend
That I don't know of your sins
Until you are ready to confess
But all the time, all the time
I'll know, I'll know

And you can use my skin
To bury secrets in
And I will settle you down
And at my own suggestion
I will ask no questions
While I do my thing in the background
But all the time, all the time
I'll know, I'll know

Baby I can't help you out
While he's still around
So for the time being,
I'm being patient
And amidst the bitterness
If you just consider this
Even if it don't make sense
All the time, give it time

And when the crowd becomes your burden
And you've early closed your curtain
I'll wait by the backstage door
While you try to find
The lines to speak your mind
And pry it open,
Hoping for an encore
And if it gets too late for me to wait
For you to find you love me,
And tell me so
It's ok, don't need to say it.

Ernan at 11:24 PM

0   comments


8.19.2003

August 19, 2003 || 2:36 am

Maganda ang Keka. Palabas na bukas.



At hindi ko ito sinasabi dahil kaibigan ko si Quark. Pero maayos talaga ang pelikula. Kung ayaw mo maniwala panoorin mo.

Ernan at 2:29 AM

0   comments


8.16.2003

August 16, 2003 || 3:18 pm


Slow, slow days have passed. Now, the days are becoming faster. I wake up immediately off to somewhere or with an urgency to do something. I come back haggard of spirit or weary of body or just plained tired of everything, play a bit of Ragnarok (I must have my fix you know) and then sleep.

For one thing, the Loki servers are up and there's a pressure to gain instant momentum. Then there's Cinemanila and I have only seen one movie wich I have seen before in my DVD copy (if I might add). My DVD's piled up and have to watch it before another trip to Quiapo. The typing job's crawling at a very very miserable pace. Parties and social functions I just have to attend. For another, I suddenly might have a new job on Monday. Whether I want it or not, I still don't know; but everyone in the new workplace seems to assume that I'm coming in Monday. And because of that, I'm confused whether to pursue that master's and the research I planned. I simply think I don't have the time.

August catches me like the weather. Extremes and no moderation. Very hot when hot and pouring when it rains. I may just be walking on a sunny day and after turning a corner a brewing storm showers me and there's no choice but to run and enjoy everything.

Well, I'm off again.

Ernan at 3:19 PM

0   comments


8.14.2003

August 14, 2003 || 1:49 pm


Payat na kung payat pero iniisip ko namang medyo fit ako. Kaya ko namang makipagsabayan sa iba na umakayt at bumaba ng bundok, tumakbo papalayo sa inaasahang peligro, magbuhat ng di naman magagaang bagay. Iyon ang akala ko.

Kahapon naglipat kami ng opisina. Mula sa 4th floor na dati naming inookupahan, binuhat namin ang mga gamit pababa sa naghihintay na sasakyan para dalhin sa bagong opisina sa UP. Puta, dalawang akyat-baba lang pagod na ako. Hindi lang pagod, bumibigay na ang paa ko at goma na ang kamay. Masel, anong masel? Wala pala talaga ako nun.

Tumuloy ako sa fishball-an sa tapat at kumain sandali, hehe, ng mga 20 minutos. Tapos sumabak uli. Pagkatapos ng isang baba, dala-dala ang isang 21" monitor. Wala na, plastado na ako. Pakiramdam ko kapag umakyat pa ako'y T-shirt na lang ako. Maski buto ko'y matutunaw at magiging pawis.

Kinakailangan ko ngang mag-excercise. Sino gustong maging gym partner ko?




And oh yeah, I am now a Hunter. And I have a cool falcon named Balan. Asteeg...and I wanted to be a bard.

Ernan at 1:50 PM

0   comments


8.09.2003

August 13, 2003 || 12:53 am


Dapat mga lumang posts ito kaso tinamad ako. Ganito kalubha ang katamaran ko na maski pag blog e di matapos-tapos.




82 - 68. Ateneo astig!

Nabanggit ko na naman na hindi talaga ako nanonood ng basketball at faux fan lang ako. Aminado naman ako na Ateneo - La Salle games lang ang karaniwang pinapansin ko.

Pero astig pa rin. Mula first quarter tambak. Magdiwang!




Sanayan din pala ang pag channel surf. Isang skill ang panonood ng TV nang magdamag ng wala naman talagang gustong panoorin o inaabangan.

Siguro'y halos dalawang taon din kaming nawalan ng cable. Minsang magpull out ang Star channels sa Home Cable, binalak ko lumipat ng ibang cable company. Kaya naman pinaputol ko at sa pagitan ng ilang araw na walang cable, namihasa sa panonood ang mga magulang ko. Dahil iisa lang ang TV namin, noong mga araw ng cable ay hindi sila nakakapanood kasi kami ng mga utol ko ang laging may hawak ng remote. Ilang beses nang sinubukan na multiple TVs ngunit lagi lang silang naaasar kasi laging iisa ang pinapanood namin sa lahat ng TV at naaksayahan sila sa kuryente. Kaya't minabuti nilang itambak na lang sa bahay sa Pampanga.

Kaya nga heto, nang ipaputol ko ang cable saglit para ipalipat, naburyong kami ng utol ko sa local programming. At sa wakas, nahawakan din nila ang remote ng TV. Buong araw at buong gabi, ang mommy ko ang reyna ng TV. Nakapanood siya ng Eat Bulaga at K! The One Million Videoke Challenge. Ngunit higit sa lahat, nahatak na naman siya sa kabobohan ng mga telenovelas at sinumulan niyang subaybayan ang mga ito muli gaya ng kaniyang La Traidora days.

Nang tumawag ang kabilang cable channel para i-konpirma ang pagkakabit. Aba, walang pasabing kinansela ng nanay ko. Heto na nga't nalugmok kami sa cable-less state ng mga kapatid ko. Goodbye Star Movies, goodbye TV E, goodbye Hard Talk. Iyon pa naman yata ang mga panahon na binabalik ng Disney Channel ang The Wonder Years.

Ngunit itong nakaraang linggo, biglang gumulo ang signal namin. Ang pinakamahalaga, kahit hindi bumabagyo sa labas, bumabagyo sa loob ng TV. Kunot noo kang nanonood. Walang nagawa ang mga magulang ko kundi magpakabit ng cable dahil hindi na nila malaman kung napapatay na si Doña Dolores o nakakulong na ba ang ina ni Waldo. Telenovelas din pala ang dahilan ng pagbabalik ng cable.

Kaya heto, noong unang gabi, umuwi ako ng maaga at sumalampak sa harap ng TV. Ngunit hindi ko na kayang magchannel surf. Nalito ako sa dami ng channels. Palipat-lipat, ang gulu-gulo. Isasara ko na sana ang TV ngunit buti na lang napadaan ako sa Star World, Buffy the Vampire Slayer pala.

Ernan at 10:09 PM

0   comments


8.08.2003

August 8, 2003 || 2:51 pm


Nakalimutan ko na yatang mangarap. Ito ba ang pagiging jaded na sinasabi nila, o cynical. Hindi pa naman siguro ako umaabot sa ganoong katigas na paningin.

Ngunit napansin ko na lagi na lang nakalipas ang pinag-uusapan ko. O ang kasalukuyan. Ganito kami noon, ganito kami ngayon. Wala sa pelikula ng sarili ang bukas. Parang ang lahat ay nangyari na at gusto na lamang ulitin ngayon sa pammagitan ng pag-ungkat.

Makakalimutin akong tao ngunit kapag tinanong mo ako sa mga karanasan noon, marami akong maidedetalye. Ngunit kapag tinanong mo naman ako kung anong gagawin ko sa isang buwan, isang mahabang patlang ang isasagot ko. Sapagkat wala, sapagkat hindi ko alam, sapagkat hindi ko sapat yatang napag-iisipan.

Sa kakatakot ko sigurong tuluyang mawala ang nakalipas e tuluyan na lang yatang nakalingon ako. Me stiff neck na siguro, at napapansin kong umaangal ang buong katawan. Kaya nga susubukan ko ngayong harapin ang bukas. Kung ano mang hugis nito. Babaluktutin ko ang sinabi ni Ritsos, "and maybe someday, from a different direction, we'll meet."




Masarap pakinggan ang I Wanna Be Your Dog ni Iggy Pop at Use Me Till You Use Me Up ni Al Jarreau.




At kahit ipikit mo ang mata mo, nagbago na ang timbre ng boses niya. Parang pinipisil ang mga salita sa dulo—mas matining, mas mahina, mas maarte. At kahit iiwas mo ang tingin mo, may nagbago sa mukha niya. May pinangangalagaan, hindi tunay na sarado ngunit hindi rin naman talagang bukas. At kahit hindi mo intindihin ang ibig niya, may nagbago o hindi ka napansin dati. Madaling mairita at mapangahas kung manuya, maraming bagay na gusto mong ipaglaban.

Ngunit gayunpaman, ikaw ang nag-ayang magkape sa haba ng kahapunan. At kahit hindi ka sanay sa mapait na kape, matamis ang ngiti mo.




Cinemanila na pala. Dumaan naman kayong Greenbelt Cinemas 1, 2 and 3. Nandito ang schedule.

Ernan at 3:09 PM

0   comments


8.05.2003

August 5, 2003 || 10:30 pm


Lumipas ang isang gabi ng Heights workshop sa pakikinig. Sa poetry reading, balita ng matagal nang di nakikita, nakagugulat na 5 year old tsismis, kantiyawan ni Alwynn at Becky, kuwentuhan ng mga di kilalang mga bata, huni ng gabi at kalembang ng kampana ng umaga.

Ngunit ang matagal ko na palang pinakaabangan na tunog ay ang mga bulung-bulungan at kuro-kuro ng mga workshoppers. Na kung papaano pagkatapos ng sessions ay magkukumpul-kumpol at pag-uusapan ang literatura—ang gawa ni ganito't ganoon, bakit pumalya, napakaganda, panatang magsusulat hangga't makakaya.

Ang nag-aalab na kabataan. Ang galak at gayak ng bagong salta. Ibang karinyo ang timbre ng boses nila. Mga kuwentuhang pamorningan. Pagbubuo ng isipan, pintuho sa salita.

Naalala ko kung papaano kami noon. Ang pagtambay sa isang prayer room, bisita sa sementeryo ng mga pari sa talukbong ng gabi at ang takutan, ang pag-stay naming lahat sa pinakamalaking kuwarto at pagsisiksik namin sa kakarampot na espasyo. Iyakan, intriga, instant bonding. Mga teoryang poetry as church, the creative cartesian plane, at kung ano pa.

Higit sa lahat, iyon ang kinaiinggit ko sa mga workshoppers. Ang mga tatlong gabi na gustong ulitin ulit. Kahit gaano mo pala sulitin, gugustuhin mo pa rin ng take two.

Ernan at 11:22 PM

0   comments


8.01.2003

August 1, 2003 || 1:59 am


Do you understand how everything is eclipsed by the personal?

How the ground supports only you and you alone? How the lights change for you and you alone? How the music plays for you and you alone? How everything is for you and you are alone?

And there is no helping it.

Ernan at 1:53 AM

0   comments