11.30.2002
November 29, 2002 || 4:00 amSa kanto ng J. Marzan at R. Magsaysay tambak ang basura. May asong naghahanap ng makakain o maiihian. Kinakamot ang ulo nito ng amo.
Pinalamutian na ang Nagtahan Bridge ng mga parol. Dalawa kaagad ang pundidong parol. Nalalapit na ang Pasko.
Sa kahabaan ng Quirino Avenue, ang Burger Machine. May kumakain na lalake habang nakasandal ang babae. Nakaakbay ang lalake sa babae at sapu-sapo niya ang suso nito samantalang kumakagat sa Bart Burger.
May nakaabang na binata sa kalye ng Zamora. Marahil malamig sa labas at naka-jacket siya. Nakatalukbong ang hood at nakahulikipkip. Halatang may hinihintay.
Ito ang mukha ng Maynila. Ang hindi ikinukubli ng dilim.
Inihaharap sa akin habang patungo sa pagkikitaan namin ni Steph na galing pa sa South Harlem.
Maligayang pagdating.
Ernan at 2:48 PM
11.28.2002
November 28, 2002 || 9:03 pmMy work is crap. But I'm not whining again. Just stating a fact.
And just to rub it in, here's something I got from Humpty...
Why can't I get a job like that?
Ernan at 9:12 PM
11.26.2002
November 26, 2002 || 11:54 pmWhile following a search from Ramon's site, I found this story.
"A businessman and former pastor was charged with possessing child pornography after a photo of a nude boy appeared during a computer slide presentation he gave at work, officials said."
(read full article)
How stupid can you get? The moral of the lesson: never save porn on your computer, i-burn mo na kaagad sa CD.
Kasabay ng pangungulila sa nakalipas, ang pagkalumbay sa pagsusulat. Noong Huwebes hinagilap ko ang mga lumang journal at nadismaya nang di mahanap ang isa. Binasa ko ang ilang mga tala at nagulat ako nang halos isang taon na ang lumipas ng huling magsulat ng kasama sina Neva at Larry. Parang ang bilis-bilis ng panahon at walang nangyari sa akin.
Sinasadya ko ngayong ligawan ang mga salita. Nanunumbalik ang masidhing pagkamangha sa salita. Natutuwa ako at my poetry reading sa Biyernes. Hindi ako makapaghintay.
Pinipilit ko ngayong mabuhay at mamatay. Iisa lang ang panata ko: magsulat, anupaman, magsulat. At nagpapasalamat ako at may mga kaibigang gumagabay at hindi ako hinahayaang bumitaw. Kahit na parang ilang ulit bumulusok ang isang dekada.
Ernan at 11:43 PM
11.25.2002
November 25, 2002 || 8:41 pmand at the touch, our palms revealed
we had been awaiting activity.
To spill onto all this white space
words balanced on our tongues.
To spill onto all this white space
images tucked under our eyelids.
To unbalance words and untuck images
carried from all the trips since the one out of the womb.
To test all the possibilites of language and color on paper.
Ernan at 8:48 PM
11.23.2002
November 23, 2002 || 1:34 amSa ganitong oras ng pagbibinata sinusumpangan ako ng pangungulila. Pakiramdam ko'y nagwawakas na ang mahabang panahon na pagiging 18 anyos.
"and at eighteen our lives are what we value least"
- Nazim Hikmet, Things I Didn't Know I Loved
"If I could get you for all the years,
how could I ever get you from all the years--"
- Dahlia Ravikovitch, Trying Again
Paggising isang araw naramdaman ang mahinang pagaspas ng lahat ng nangyari. Ang kahapon ay lalong nabaon sa kahapon. Ngunit kahit kailan hindi magawang bitiwan. Anong pamamaalam ang maaring gawin?
"You sit alone.
Your heart aches, but
it won't break...
"Isn't there a country you love? A word?
Surely you remember."
- Dahlia Ravikovitch, Surely You Remember
Ito na lamang, ang paggunita. Ang kuwentuhan sa benches habang kumakain ng Zest-O at bologna sandwich mula sa Food For Thought. Ang paglalaro ng bridge sa Pubroom. Ang pagkanta ni Mely ng isang sinaunang himig sa Eagle's Park. Ang pagpipilit na pagkasiyahin ang buong sangkatauhan sa big chair. Ang Sacred Heart Novitiate at ang usapan na poetry bilang church, isang vocation. Ang amoy ng narra tuwig naghuhubad ito ng mga bulaklak. Ang sulok ng library. Ang sulok ng Pubroom. Isang sulok ng buhay na hinding hindi na mababalikan.
"I sit by the window. Outside, an aspen.
When I loved, I loved deeply. It wasn't often...
"I sit by the window. The dishes are done.
I was happy here. But I won't be again...
"I sit by the window. And while I sit
My youth comes back. Sometimes I'd smile...
"I sit in the dark. And it would be hard to figure out
Which is worse: The dark inside, or the darkness out."
- Joseph Brodsky, I Sit By The Window
Ito na lamang, manatili sana ang pagsilip ko sa bintana. Kahit paminsan-minsan. Kahit lumabo ang salamin. Hayaang lisanin ako, huwag lamang ako ang lilinga at tuluyang talikuran.
Ernan at 1:36 AM
11.18.2002
November 18, 2002 || 11:32 pmFor someone who reads too much, I never took to reading newspapers. The first section I'd read is the Comics. After that, I'd browse through the Entertainment section and sometimes I check out Obituaries. Not exactly to see if I know someone who died but I wanted to see how people can rephrase death. They usually run the same sentiments, he was dearly beloved, will be missed, and all that crock outpouring of love after death.
Only after all these would I skim the main stories. I'd just read the headlines and probably the first paragraphs. I find newspaper layout tiresome. I find the broadsheets unwieldy. I hate it that I have to fold the paper into neat little squares just to read it. I hate how I have to look for the story and probably go from page 1 to a very small column in page 6. I hate how the paper crinkles when you turn the pages or how your fingers go grey because of the ink.
Most of the time I don't trust the stories. I feel I have to read at least three articles from three different newspapers just to get the story straight. So that's why I'm stuck with the headlines. They're easier to read and sometimes that's all the info you need to know. Take away all that word clutter, get the gist. If I want details, I just watch Mike Enriquez and his quivering nostrils late at night. It beats a grey thumb.
Ernan at 11:39 PM
11.16.2002
November 15, 2002 || 11:55 pmDapat maaga ang tulog ko kagabi ngunit biglaang nag-text si Anthony at nag-ayang lumabas. Alas dose na noon ngunit dahil madali akong kausapin, nagbihis ako at nakiinom na rin. Habang natutuwa sa pagtalbog ng suso, binanggit ni Anthony na nagimprenta uli ng mga libro ni Tony Perez. Alam niya kasing gusto ko ang mga naisulat ni Tony Perez at ang mga libro ko'y hiniram ni Pasion at hindi na at wala na rin planong ibalik ni Pasion ang mga ito.
Matapos niyon, nagsimula na ang kuwentuhang paramihan ng tamod. Nagbida na si Edward tungkol sa magandang puta na napick-up niya. Umaga'y agent daw ng Philam Life at sa gabi'y nagtatanggal ng panty. Inarkila niya ang babae at pinagsaluhan ng mga kasama sa opisina. Ngunit biglang nadiskaril ang usapan at tumungo sa pag-ibig. Kung papaanong umiyak si Edward ng mabalitaan niyang may ibang dinedate ang girlfriend. Ika niya, "ang sakit pare. Buong araw akong umiyak." Umiyak at nasaktan gayong may iba siyang kinakantot ng mga panahong iyon. Ngunit bibigay ang pang-unawa mo sapagkat makakarating sa'yo na mahal niya ang girlfriend niya, hanggang ngayon. Kahit na kakatawag pa lang niya sa ibang babae at nag set-up ng date. Kahit na kakasabi niya na kung hindi umuwi ng maaga, tinake home na niya.
Dahil sa sinabi ni Anthony, binisita ko ang Powerbooks sa Megamall bago pinanood ang Harry Potter kanina. Binili ko ang Cubao Midnight Express ni Tony Perez. At ang unang tumamba sa akin ay ang Introduksiyon ni Ma'm Beni.
"Ito. Itong bahaging nasa kulimlim, nasa lambong, nasa anino...[ang] bahaging mahirap suriin at tistisin dahil nasa madilim na sulok ng puso ng tao. Subalit kung bibihisan ng isang naratibo ng pag-ibig—ng nabigong pag-ibig—at isasawalat nang tagpu-tagpo, makakayanang tuntunin at unawain at tanggapin kahit pa ang kakaibang-kakaiba, ang karima-rimarim, ang kahambal-hambal, at ang kapanglaw-panglaw."Ang lalim ng katotohanan na naungkat ni Ma'm Beni sa napakaikling talata. Kaagad bumalik sa isip ko ang tagpo kagabi. Nang kasama si Edward at Anthony at umiinom ng serbesa. Nang nagpapatigas ari si Edward at sabay inaamin na mahal niya ang girlfriend niya. Nakatutuwa kagabi. Ngayon nakalulungkot.
Tama nga. Sa liwanag o anino ng pag-ibig, tila ang lahat ng gawain ay nagiging makatuwiran. Kailangan nating maging malay sa sarili. Lagi-lagi. Baka tayo rin ay malihis ng landas at madiskaril, hindi lamang ang mga puso, pati pagkatao.
Ernan at 12:20 AM
11.14.2002
November 14, 2002 || 7:32 pmI had my first memory in a dream yesterday morning.
In the dream, Alex told me that Myra's cellphone smelled funny after I borrowed it. While he was talking, I felt fear because I remembered that I accidentally dipped her cellphone in vinegar. I even imagined the cellphone falling into the vinegar in the dream. That was it.
It's weird, yes. But way so cool. I actually remembered a dream where I was conscious that I remembered something. It shows that dreams are capable of so much more. It never occured to me that dreams can play with time as well. Not just feelings, images and smell. Dreams actually has a capacity to recognize time and memory. I wonder what else it conjures.
And for some strange reason, I usually recall my dreams when I dream in the mornings. Around 5 am to 9 am. The time where I am skimming the surface of everyday reality.
Kakasilip ko lang sa Site Meter at binisita ko ang mga mahuhusay na sites na nag-refer sa akin. Kakatawa na kabilang sa mga blogs ng mga kaibigan ay mga search engines tulad ng Yahoo at Google . Kung papansinin, samu't sari ang mga hinahanap nila na lumalagapak sa site ko. Wala namang kinalaman sa topic ng pinaghahanap nila. Tulad na lamang ng napaka-generic na "tula tungkol sa sarili", "malisya" "babae maganda". Ang huhusay ng mga surfers na ito. Talagang makikita nila ang hinahanap nila.
Mayroon din namang pang-inis gaya ng "Carlos Agassi naked pictures". Tang inang kumag 'yan! At ang best seller na Powerboys. Napakarami ng requests. Aabot siguro ng walo. Ngunit heto, sana alam ko kung saan ito, "baga beach lesbian sex".
Para makarami ng hits, maglagay ka lang pala ng mga Natalie Portman naked o Britney Spears sucking cock. At ilang malilibog ang siguradong bibisita sa blog mo.
Alam mo namang nariyan pa. Hindi mo kinakaila. Sino nga bang nagsabing hindi? Nakalamukos pa rin ang atay mo. Tangan-tangan.
Hindi mo rin naman pinipigilan. Bakit pa? Sa anong kadahilanan? May maidudulot bang mabuti? Kilala mo na ang tahanan mo at hindi na humihingi ng iba pa. Sa panagimpang palad ka magpahinga, sa malayong tingin. Humingi ka ng katuparan sa biglaang sagutan na ilang libong milya ang layo. Doon na lamang.
Ngunit bakit bumubulagta ka pa sa muling pagsulak ng mukha? Pumapaimbulog kang muli. Batid mo na, hindi ba? Wala mang mararating, nahuhulo mong ganito karubdob at wala kang maaasahan. Binabalak mo pa bang magbago?
Ernan at 6:46 PM
11.08.2002
November 8, 2002 || 12:41 pmSiguro'y halos isang taon na akong di nagsisimba. Hindi na rin ako nakapagdadasal. Hindi talaga ako maaaring maging atheist sapagkat dumarating ang panahon na kinakailangan ko ng sandigan sa spirituality. Hinahanap-hanap ko ang kampanteng pakiramdam na dulot ng relihiyon.
At marahil may dahilan kung bakit isa sa mga paborito kong tula ay isang love poem ni Rilke sa Diyos. Ito ang ilang mga sipi:
"I'm too alone in the world, yet not alone enough
To make each hour holy,
I'm too small in the world, yet not small enough
To be simply in your presence, like a thing
Just as it is.
I want to know my own will
And to move with it.
And I want, in the hushed moments
When the nameless draws near,
To be among the wise ones—
Or alone.
I want to mirror your immensity.
I want never to be too weak or too old
To bear the heavy, lurching image of you.
I want to unfold.
Let no place in me hold itself closed.
For where I am closed, I am false.
I want to stay clear in your sight."
- Rainer Maria Rilke, from the Book of Hours
translated by Anita Burrows and Joanna Marcy
Ernan at 12:49 PM
11.07.2002
November 7, 2002 || 2:43 pmI need help. Could you guys give me your recommendations for your Best Summer Movies and Best Summer CDs.
The criteria for the summer qualifier is up to you. It may be because it's a summer blockbuster, the time frame's summer, it's on the beach, or you just want to watch that movie during summer. The same goes for the records. Thanks!
Oh, use the comment script.
Ernan at 2:50 PM
November 5, 2002 || 1:33 pm
Hi! Ako si Michael. Joel. Robert. Luis. George. Jose Miguel. Anton. Carlo. Jomel. Eric. Mike.
Ilan lang iyan sa mga natatandaan kong ginamit kong mga pangalan. Malamang kapag nagkakilala tayo makikikapagkamay ako at buong tamis kong gogoyoin ka at ibang pangalan ang ibibigay ko. Naalala ko pa nga si Ching-I Wang na dalawang taon na inakalang Mike ang pangalan ko. Tuwing magkakasalubong kami sa hallway o sa caf binabati niya ako ng malakas na "Mike!" Tatango naman ako. At hanggang ngayon, sa tulong nina Redge at Mely, inaakala ng buong Economics Department na Ricardo ang pangalawa kong pangalan dahil nag-submit kami minsan ng final paper na iyon ang gamit kong ngalan.
Nalimot ko na kung kailan at kanino ako unang nagloko sa pangalan. Pero umusbong ito dahil nasawa ako sa mga maling dinig sa pangalan ko. Lagi na lang, "Anong pangalan mo ulit? Bernard? Fernan? Aaron?" Kaya nagbibigay na lang ako ng mas generic na pangalan, kung saan di babaluktot ang dila nila at di sisirko ang pang-unawa.
Ngunit paglipas ng panahon, natuwa na ako sa ganitong biro. Minsan ehersisyo sa kakayahan kong makatanda. Kinakailangan kasi sa ganitong laro ang bilis ng utak at maalalahanin sa detalye. Masarap ding tignan kung hanggang saan matutulak ang tiwala ng tao. Sa buod kasi, sadya tayong lahat mapagtiwala. Kung ano ang hinarap sa'yo ay iyon na ang tatanggapin.
Iniisip ko minsan kung senyales ba ito ng pagpupumiglas ng sarili. Kung gustong baguhin ang personalidad. Ngunit batid ko na kahit anong mangyari, anumang letra ang pagdugtu-dugtungin ko, ganito pa rin ako. Lilitawa at lilitaw ang katangian. Hindi ko binubura o tinatakpan ang sarili sa pagtapal ng kung anu-anong pangalan. Pinatitingkad ko lang ang sariling pangalan. Kahit ano pa man nakatatak na talaga ng husto ang Ernan sa akin. Hindi ko ito mababago at di ko rin naman nais.
Ernan at 2:19 PM