11.23.2002

November 23, 2002 || 1:34 am


Sa ganitong oras ng pagbibinata sinusumpangan ako ng pangungulila. Pakiramdam ko'y nagwawakas na ang mahabang panahon na pagiging 18 anyos.

"and at eighteen our lives are what we value least"
       - Nazim Hikmet, Things I Didn't Know I Loved


"If I could get you for all the years,
 how could I ever get you from all the years--"
       - Dahlia Ravikovitch, Trying Again


Paggising isang araw naramdaman ang mahinang pagaspas ng lahat ng nangyari. Ang kahapon ay lalong nabaon sa kahapon. Ngunit kahit kailan hindi magawang bitiwan. Anong pamamaalam ang maaring gawin?

"You sit alone.
 Your heart aches, but
 it won't break...

"Isn't there a country you love? A word?
 Surely you remember."
       - Dahlia Ravikovitch, Surely You Remember


Ito na lamang, ang paggunita. Ang kuwentuhan sa benches habang kumakain ng Zest-O at bologna sandwich mula sa Food For Thought. Ang paglalaro ng bridge sa Pubroom. Ang pagkanta ni Mely ng isang sinaunang himig sa Eagle's Park. Ang pagpipilit na pagkasiyahin ang buong sangkatauhan sa big chair. Ang Sacred Heart Novitiate at ang usapan na poetry bilang church, isang vocation. Ang amoy ng narra tuwig naghuhubad ito ng mga bulaklak. Ang sulok ng library. Ang sulok ng Pubroom. Isang sulok ng buhay na hinding hindi na mababalikan.

"I sit by the window. Outside, an aspen.
 When I loved, I loved deeply. It wasn't often...

"I sit by the window. The dishes are done.
 I was happy here. But I won't be again...

"I sit by the window. And while I sit
 My youth comes back. Sometimes I'd smile...

"I sit in the dark. And it would be hard to figure out
 Which is worse: The dark inside, or the darkness out."
       - Joseph Brodsky, I Sit By The Window


Ito na lamang, manatili sana ang pagsilip ko sa bintana. Kahit paminsan-minsan. Kahit lumabo ang salamin. Hayaang lisanin ako, huwag lamang ako ang lilinga at tuluyang talikuran.

Ernan at 1:36 AM

0   comments

0 Comments

Post a Comment