11.30.2002

November 29, 2002 || 4:00 am


Sa kanto ng J. Marzan at R. Magsaysay tambak ang basura. May asong naghahanap ng makakain o maiihian. Kinakamot ang ulo nito ng amo.
Pinalamutian na ang Nagtahan Bridge ng mga parol. Dalawa kaagad ang pundidong parol. Nalalapit na ang Pasko.
Sa kahabaan ng Quirino Avenue, ang Burger Machine. May kumakain na lalake habang nakasandal ang babae. Nakaakbay ang lalake sa babae at sapu-sapo niya ang suso nito samantalang kumakagat sa Bart Burger.
May nakaabang na binata sa kalye ng Zamora. Marahil malamig sa labas at naka-jacket siya. Nakatalukbong ang hood at nakahulikipkip. Halatang may hinihintay.
Ito ang mukha ng Maynila. Ang hindi ikinukubli ng dilim.

Inihaharap sa akin habang patungo sa pagkikitaan namin ni Steph na galing pa sa South Harlem.
Maligayang pagdating.

Ernan at 2:48 PM

0   comments

0 Comments

Post a Comment