11.16.2002
November 15, 2002 || 11:55 pmDapat maaga ang tulog ko kagabi ngunit biglaang nag-text si Anthony at nag-ayang lumabas. Alas dose na noon ngunit dahil madali akong kausapin, nagbihis ako at nakiinom na rin. Habang natutuwa sa pagtalbog ng suso, binanggit ni Anthony na nagimprenta uli ng mga libro ni Tony Perez. Alam niya kasing gusto ko ang mga naisulat ni Tony Perez at ang mga libro ko'y hiniram ni Pasion at hindi na at wala na rin planong ibalik ni Pasion ang mga ito.
Matapos niyon, nagsimula na ang kuwentuhang paramihan ng tamod. Nagbida na si Edward tungkol sa magandang puta na napick-up niya. Umaga'y agent daw ng Philam Life at sa gabi'y nagtatanggal ng panty. Inarkila niya ang babae at pinagsaluhan ng mga kasama sa opisina. Ngunit biglang nadiskaril ang usapan at tumungo sa pag-ibig. Kung papaanong umiyak si Edward ng mabalitaan niyang may ibang dinedate ang girlfriend. Ika niya, "ang sakit pare. Buong araw akong umiyak." Umiyak at nasaktan gayong may iba siyang kinakantot ng mga panahong iyon. Ngunit bibigay ang pang-unawa mo sapagkat makakarating sa'yo na mahal niya ang girlfriend niya, hanggang ngayon. Kahit na kakatawag pa lang niya sa ibang babae at nag set-up ng date. Kahit na kakasabi niya na kung hindi umuwi ng maaga, tinake home na niya.
Dahil sa sinabi ni Anthony, binisita ko ang Powerbooks sa Megamall bago pinanood ang Harry Potter kanina. Binili ko ang Cubao Midnight Express ni Tony Perez. At ang unang tumamba sa akin ay ang Introduksiyon ni Ma'm Beni.
"Ito. Itong bahaging nasa kulimlim, nasa lambong, nasa anino...[ang] bahaging mahirap suriin at tistisin dahil nasa madilim na sulok ng puso ng tao. Subalit kung bibihisan ng isang naratibo ng pag-ibig—ng nabigong pag-ibig—at isasawalat nang tagpu-tagpo, makakayanang tuntunin at unawain at tanggapin kahit pa ang kakaibang-kakaiba, ang karima-rimarim, ang kahambal-hambal, at ang kapanglaw-panglaw."Ang lalim ng katotohanan na naungkat ni Ma'm Beni sa napakaikling talata. Kaagad bumalik sa isip ko ang tagpo kagabi. Nang kasama si Edward at Anthony at umiinom ng serbesa. Nang nagpapatigas ari si Edward at sabay inaamin na mahal niya ang girlfriend niya. Nakatutuwa kagabi. Ngayon nakalulungkot.
Tama nga. Sa liwanag o anino ng pag-ibig, tila ang lahat ng gawain ay nagiging makatuwiran. Kailangan nating maging malay sa sarili. Lagi-lagi. Baka tayo rin ay malihis ng landas at madiskaril, hindi lamang ang mga puso, pati pagkatao.
Ernan at 12:20 AM