4.29.2003

April 29, 2003 || 3:09 pm


Ayokong tumanda. Hindi sa pagiging vanidoso kundi ayokong umako ng kung anu-anong responsibilidad.

In short, ayokong mag-decide.

Ilang beses ko na bang napatunayan 'yan. Maski sa pinakamaliit tulad ng kung saan kakain hanggang sa pinakamalaki gaya ng anong gagawin sa buhay, hindi ko mabigyan ng sagot.

Lagi, nagpapadala ako sa desisyon ng iba o sa takbo ng buhay. Pinapabayaan ang buhay at ang pagkakataon ang dumaluyong at magpapadala na lang ako sa agos.

Mas mainam na sa akin ang maglakad-lakad at pabayaan ang lahat. Bata pa rin akong tumatakbo takbo at sumisigaw ng palos. Nakikipatintero sa mga problema. Nakikipagtaguan sa mga desisyon.

Ernan at 3:49 PM

0   comments


4.23.2003

April 23, 2003 || 3:30 am


Lagi na lang tuwing sasapit ang Semana Santa, nag-aayos ako ng gamit at ipinapangako sa sarili na kukuha ng sandali para umupo't magsulat.

Baon ko ang kuwaderno, lapis at bolpen, ilang lumang journal at mga piling libro ng tula. Ngunit lagi na lang nauuwi sa wala.

Mangyari'y matagal nang di sumusubsob sa pagsusulat kaya't ang tagal na tumutunganga. Nakatitig lang sa nandidilat na blankong papel. Susubukang magsulat ng isang salita, ng kahit ano. Hindi rin matutuwa at hihinto. Nitong huling linggo lang nahimay, natatakot na akong magsulat. Tila isang malaking butas ang kailangan talunin mula sa unang salita at katapusan ng ideya. At hindi ko iyon magawa. O tinatamad akong upuan iyon at pakiramdaman ang isang salita'y maging dalawa, dumugtong para maging isang pangungusap o linya. Hanggang sa matapos.

Kadalasan ang nangyayari'y bumibigay ako. Gugulin na lang ang oras sa pagbabasa ng lumang naisulat, magkukunwang mag-revise. O magbabasa ng libro.




Matagal na ang panahon na kaagad akong umibig sa isang manunulat. Ang tawag ko roo'y "aakuhin" ko ang isang poet. Akin siya at ipapaloob ko sa puso. Sila ang mga manunula na jive kami, personal favorites, at kung ano pa ang itawag mo. Bawat isa sa kanila'y may "anthem poems" ako.

Sa nakaraan si Yeats at ang kaniyang "No Second Troy", si Neruda at ang "Child of the Moon", si Hikmet at ang "Things I Didn't Know I Loved", si Juan Ramon Jimenez at ang "God Desiring and Desired", si Rilke at ang "I am too small in the world", si Amichai at ang "Anniversaries of War", si Tinio at ang "Kundangan", at si Milosz at ang "Capri". Ang anim sa mga nabanggit ay minahal sa kasagsagan ng high sa poetry. Ang mga panahon na ang importante lang ay ang tula at panunula.

Kay tagal na ang panahon na nagbasa ako at tablan, nang sagaran. Dati'y nawawalan pa ako ng hangin at napapabuntung hininga ng malakas. Parang sa pagtagal ng panahon, feeling ko jaded na ako. Naging cynic sa pagbabasa. Maraming nakitang magaganda ngunit walang talab-talaban.

Kaya nga't anong saya na may nakita akong bagong katuwang. Si RS Thomas. Na binili ang koleksiyon ng di siya nakikilala at wala ni isang nababasang tula niya. Muli, sumikip ang tiyan at huminga ng malalim, napakalaki ng ngiti matapos basahin ang isa sa mga tula niya. Sa lahat, ito ang pinaka-iibig ko:

Truly

No, I was not born
to refute Hume, to write
the first poem with no
noun. My gift was

for evasion, taking
cover at the approach
of greatness, as of
ill-fame. I looked truth

in the eye, and was not
abashed at discovering
it squinted. I fasted
at import's table, so had

an appetite for the banal,
the twelve baskets full left
over after the turning
of the little into so much.

Ernan at 3:54 AM

0   comments


4.19.2003

April 19, 2003 || 3:01 pm


Sabado de Gloria at katulad ng nakasanayan nasa Pampanga kami.

Nakalakihan ko na ang mga rituales na pinagkakamanghaan pala ng marami. Dalawang barangay lang ang layo at 10 minuto kung lalakarin ang Brgy. Cutod sa matandang bahay ng lola ko sa San Fernando. Ang Cutod ang puso ng mga kaganapan sa Mahal na Araw.

Dito makikita ang napakaraming mandarame kung tawagin namin. Mga flagellants. Mga mama (at manaka-nakang ale) na may talukbong sa ulo ng kulay dugo, kadalasa'y may koronang tinik, masigasig na pinapalo ang likod ng katawan ng puno ng saging (minsan lubid), at naglalakad sa 13 istasyon na ikinalat sa buong distrito. Mga nagpepenitensya. Mga makasalanang nagsisisi o nakakakita ng himala't nangako.

Ang paniniwala naming mga magpipinsan o panakot ng matatanda, ang dugong tumatalsik mula sa kanilang likuran ay mga kasalanan na natatanggal sa kanila. At kung sino man ang dapuan nito'y, malilipat sa kaniya ang kasalanan.

Isipin na lang ang takot namin. Bukod sa kakaiba nilang anyo (sinong bata ang di matatakot sa mga mamang may takip ang mukha, dumudugo at may dalang pamalo?), kapag lumapit ka'y maari ka pang mapuntang impiyerno. Sapagkat ang tingin nami'y sobrang makasalan ang mga taong ito, mga mamatay-tao, magnanakaw, rapist, at kung ano pa. Sobra silang makasalan at di sila puwedeng pumasok o tumapak man lang sa loob ng simbahan o kahit kapilya man lang. Malay ba naman namin na ang mga iyon pala ang pinagbibilhan namin ng tubo o ang tito ng kasama naming nanunungkit ng santol sa Bacolor?

Sa Cutod din ang may tala ng pinakamaraming pagpapapako. Umaga pa lang, abala na ang lahat. Kailangan muna kasing buhatin ng mga nagpapapako ang krus ng mga isa o dalawang kilometro. Hindi biru-biro ang krus, mabigat ito at kadalasan may mga alalay ang mga kristu-kristo dahil di lamang sila miminsan bumibigay. Kapag planado, mayroon din siyang Santa Veronica na magpupunas ng kanyang mukha. Mainit ang araw at diretso ang tama kasi bukid ang pinaglalakaran mo. Walang masisilungan ang mga nagbubuhat.

Hanggang sa ipako sila sa krus. Ang iba'y itinatali lamang. Ang karamiha'y mas matapang. Butas ang palad at nagpapatagalan pa sa itaas ng krus. Pagsapit ng Biyernes Santo, hindi lang isa o tatlo ang masasaksihan mong nagpapapako. Aabot ng bente. Sunod-sunod. Halos bawat sampung minuto, may pinapakong Hesus.

At buong araw, walang tigil ang mga matatanda sa pagkanta ng Pasyon. Bente kuwatro oras. Hindi ka makaliligtas sapagkat bawat kanto ay may Pasyon. May mga loud speaker pa sa labas ang iba. Iba-ibang melody, iba-ibang tinig. Minsan, binibisita naming mga magpipinsan ang mga kumakanta. Nakikiinom ng salabat at nakikikain ng puto. Minsan, sumusubok din. Ngunit dadalawa lang sa amin ang natuto ng tamang pagkanta. Kung mahirap kantahin, mas mahirap pang basahin sapagkat nasa Capampangan ang teksto. Matandang Capampangan pa. Puno ng mga letrang q at c na di mo na maintindihan.

Bawal pa nga palang magkasugat sapagkat ang kasabiha'y di na ito gagaling. Hinay naman kami sa pagbibisikleta at pag-akyat ng puno. Ang isa pa'y nagbababad kami sa swimming pool bago sumapit ang alas tres ng Biyernes Santo. Kapag tumuntong na kasi sa oras na iyon, bawal nang maligo. Patay na si Hesus ng oras na iyon at patay na rin ang tubig. Bago pa man pumatak ang alas tres, tinatawag na kami sa loob. Kulubot ang mga balat, naninigas ang buhok sa chlorine, mga basang sisiw kaming ikinukulong sa loob ng kuwarto at pinapanood sa amin ang Ten Commandments at Ben-Hur. Sa paglaki ko lang nalaman na iyon pala ang paraan nila para di kami mag-ingay. Bawal din kasi ang maingay at maharot, patay kasi si Hesus.

Taun-taon ko nang tinanggap na namamatay si Jesus Christ. Taun-taon ko nang tinanggap na pag patay ka para kang natutulog, ayaw mo ng maingay. Taun-taon ko nang tinanggap na maraming may idol kay Jesus Christ at ginagaya siya pati pagpapapako niya. Taun-taon na rin naming nakagawian na sumugod sa bumper to bumper trapik sa North Expressway, hindi indahin ang init, at umuwi sa Pampanga para makasama ang kamag-anak. Dahil nga patay si Jesus Christ.

Ernan at 4:22 PM

0   comments


4.15.2003

April 15, 2003 || 11:08 pm


Ngayon sinasabing bagsak na ang rehimeng Saddam sa Iraq. Nanalo na si Bush. Ngunit isang tanong, nasaan na ang sinasabing itinatagong mga armas ng Iraq?

Hindi ba dapat iyon ang inuna nilang hanapin? Hindi ba at may sinasabi pa silang intelligence reports kung nasaan ang mga iyon? Hindi ba at may ipinresenta pa silang recorded audio na nagpapatunay na may mga armas?

Ngunit heto't sira-sira na ang Baghdad, walang lumabas na kahit anong armas nukleyar.

Sa tuwa ng Amerika, maalala pa kaya nila ang dahilan ng kanilang pagatake. Mukhang lumalabas na dahilan nga lang talaga ang mga armas.

Kailan kaya mabubunyag ang mga armas?

Ilang araw pa ba ang kinakailangan ni Bush para makapag set-up ng mga dummy warehouses na pinagtataguan ng sinasabi niyang "weapons of mass destruction" na itinatago ng Iraq?




Nakapanlulumo ang init ng araw nitong mga nagdaang araw. Maglakad ka lang ng isang kanto at mararamdaman mong tinutusta ang pisngi at batok mo. Pagkaligo mo at hindi pa tuyo ang balat, namumuo na sa ilalim ang pawis.

Kaya't kahit ako'y tinatamad maglakad.

Mataas at matingkad ng araw kahit alas nuwebe ng umaga. Maski ang mga gabi'y di nagdudulot ng lamig. Laging tuyo ang kalsada at kita mong naglilipad ang alikabok.

Sobra ang liwanag at pagpasok mo sa loob ay nangingitim ang paningin mo.

Ganitong mga araw, ang sarap lang humilata at paypayan ang sarili ng abaniko. Kapag dating ng hapon ay bibili ng halo-halo at matakam sa namamawis sa lamig na baso.




Maaring maputol ang mainit na panahon. Sinasabing may sigwa na darating kasabay ng Semana Santa. Paparating ang isang bagyo. Paparating. Napaaga ang unang ulan ng Mayo.

Ernan at 11:15 PM

0   comments


4.13.2003

April 13, 2003 || 10:36 pm


It seems that blogger has been down the whole day.




They say that scientists are identifying every human gene there is. All of 100,000 ++ of them. And they are starting to track the gene in its developments including to the human bain.

A new theory is rising. That the we are born with a set of properties. Givens. And that these determine our personalities. Not circumstances. Not actions. Not free will.

Rather that these givens bring about the circumstances. Determine all our actions. Make the illusion of free will.

The Calvinists' Predestination advanced to a sci-fi level.

They are saying that Descartes was wrong. That "cogito ergo sum" (I think I am) is wrong. Because there is no cogito. There is no duality of the body and the mind. It is all one machine. Our body, the genes, from birth, dictate what we are. What we will become. Our deaths.

Imagine the movie Gattaca, taken to the extreme. A computer, they say, will be able to predict our actions. The doubts that I am having now, the shake of the head, the flutter of an eyelid, these words I am typing. They are all predetermined. Ford was destined to succeed as Tolstoy had to write Anna jumping towards the train. It is all in the genes.

It is frightening. At the same time, I am in awe at the daring of their thoughts. And curious of the possibilty. If it is true, then there is no reason to be happy, to be sad, to live, other than the reason our genes set us to do. Life wouldn't be drudgery rather just one rollercoaster ride you can't jump off from. You have to take all the turns and the spins until the ride is over.

And as with the myth of eternal return, everything is pardoned in advance. Right and wrong don't much matter. Everybody will have a reason for failure, for misery. They can easily say they were built that way. That it's all in the genes.

God and the devil would stop being the stop gaps and the explanation for everything. Bahala na would be something like DNA na (or maybe not kasi corny haha). If that were true, excuses wouldn't be excuses. Rather they would all be just babblings along with other babblings.

The whole world, one fantastic genetic machine.

Ernan at 11:03 PM

0   comments


4.11.2003

April 11, 2003 || 12:06 am


Tama nga talaga si Joni Mitchell, kung kailan wala na o pawala na saka mo lang mapapansin ang naroroon at meron.

Ilang beses na tayong nagpaalam ngunit kahit ilang beses pa hindi tayo masanay-sanay.

Sa mga pinagpaalaman o tinalikuran, iniisip natin na iyun na iyon at wala na tayong kinalaman pa sa kanila. Ngunit kumakapit sila sa atin. Dala-dala natin lagi-lagi. Malay man tayo o hindi.

"They had been raised as Baptists, Methodists, Congregationalists, Presbyterians, United Brethren, whatever. They had been led through the church door and prodded toward religion, but it had never come alive for them. Sundays made their skulls feel like dried-out husks. So they slowly walked away from the chuch and silently, without so much as a growl of rebellion, congratulated themselves on their independence of mind and headed into another way of life. Only decades later, in most cases, would they discover how, absentmindedly, inexplicably, they had brought the old ways along for the journey nonetheless. It was as if...through some extraordinary mistake...they had been sewn into linings of their coats!"

            - Tom Wolfe, Two Young Men Who Went West


Tumatalun-talon na ako rito. Habulin niyo na lang. Napapagod na akong maghintay.

Ernan at 12:27 AM

0   comments


4.07.2003

April 7, 2003 || 3:44 pm


The Oscars done and it's my turn. Though I haven't seen The Pianist and Far From Heaven. What the hell! It's time for the Ernans. Fixing where the Academy fucked up! Hahaha :)

Best Animated Feature Film - Hayao Miyazaki, Spirited Away
Best Foreign Language Film - Zhang Yimou, Hero (China)

Best Art Direction - John Myhre and Gordon Sim, Chicago
Best Costume Design - Colleen Atwood, Chicago
Best Makeup - John Jackson and Beatrice de Alba, Frida

Best Music (Score) - Philip Glass, The Hours
Best Music (Song) - Lose Yourself, Eminem - 8 Mile

Best Sound - Tom Fleischman, Eugene Gearty and Ivan Sharrock, Gangs of New York
Best Sound Editing - Ethan Van der Ryn and Michael Hopkins,
                                       The Lord of the Rings: The Two Towers

Best Visual Effects - Jim Rygiel, Joe Letteri, Randall William Cook and Alex Funke,
                                     The Lord of the Rings: The Two Towers
Best Film Editing - Martin Walsh, Chicago
Best Cinematography - Conrad L. Hall, Road to Perdition

Best Actor in a Supporting Role - Paul Newman, Road to Perdition
Best Actress in a Supporting Role - Catherine Zeta-Jones, Chicago

Best Actor in a Leading Role - Daniel Day-Lewis, Gangs of New York
Best Actress in a Leading Role - Nicole Kidman, The Hours

Best Adapted Screenplay - Charlie Kaufman and Donald Kaufman, Adaptation
Best Original Screenplay - Pedro Almodóvar, Talk to Her

Best Direction - Roman Polanski, The Pianist
Best Picture - Barrie M. Osborne, Fran Walsh and Peter Jackson,
                          The Lord of the Rings: The Two Towers

Ernan at 4:32 PM

0   comments


4.05.2003

April 5, 2003 || 1:07 pm


Nagtatae at may lagnat na't lahat-lahat, dumiretso pa rin ako sa UP Film Center noong April 1 at nanood ng Sex Drive.

Lalong nag-init ang katawan at pagdating sa bahay ay isinara ang aircon, pinatay ang electric fan, kinabig pasara ang mga bintana, nagsuot ng extra t-shirt, ng isang long lseeved na shirt, ng sweater, ng medyas, ng shorts, ng jogging pants, at nagtalukbong sa blanket. Mainit ang katawan ngunit nilalamig ng todo-todo. Todong lagnat na at sabi'y lampas 40 ang temperatura ko.

Lahat pa ng kinakain ko'y inilalabas ko rin matapos ng 10 o 15 minutos. Ngayon lang uli ako napabisita sa duktor matapos ang 7 taon.

Pero ayos na ako ngayon. Ni hindi nga ako pumayat kahit isang guhit ng timbangan.




Masarap talikuran ang mga bagay na araw-araw mo nang nakasanayan gawin. Na sinasakal ka. Dalawang linggo pa. Dalawa. Sana.

Ernan at 1:07 PM

0   comments