4.23.2003

April 23, 2003 || 3:30 am


Lagi na lang tuwing sasapit ang Semana Santa, nag-aayos ako ng gamit at ipinapangako sa sarili na kukuha ng sandali para umupo't magsulat.

Baon ko ang kuwaderno, lapis at bolpen, ilang lumang journal at mga piling libro ng tula. Ngunit lagi na lang nauuwi sa wala.

Mangyari'y matagal nang di sumusubsob sa pagsusulat kaya't ang tagal na tumutunganga. Nakatitig lang sa nandidilat na blankong papel. Susubukang magsulat ng isang salita, ng kahit ano. Hindi rin matutuwa at hihinto. Nitong huling linggo lang nahimay, natatakot na akong magsulat. Tila isang malaking butas ang kailangan talunin mula sa unang salita at katapusan ng ideya. At hindi ko iyon magawa. O tinatamad akong upuan iyon at pakiramdaman ang isang salita'y maging dalawa, dumugtong para maging isang pangungusap o linya. Hanggang sa matapos.

Kadalasan ang nangyayari'y bumibigay ako. Gugulin na lang ang oras sa pagbabasa ng lumang naisulat, magkukunwang mag-revise. O magbabasa ng libro.




Matagal na ang panahon na kaagad akong umibig sa isang manunulat. Ang tawag ko roo'y "aakuhin" ko ang isang poet. Akin siya at ipapaloob ko sa puso. Sila ang mga manunula na jive kami, personal favorites, at kung ano pa ang itawag mo. Bawat isa sa kanila'y may "anthem poems" ako.

Sa nakaraan si Yeats at ang kaniyang "No Second Troy", si Neruda at ang "Child of the Moon", si Hikmet at ang "Things I Didn't Know I Loved", si Juan Ramon Jimenez at ang "God Desiring and Desired", si Rilke at ang "I am too small in the world", si Amichai at ang "Anniversaries of War", si Tinio at ang "Kundangan", at si Milosz at ang "Capri". Ang anim sa mga nabanggit ay minahal sa kasagsagan ng high sa poetry. Ang mga panahon na ang importante lang ay ang tula at panunula.

Kay tagal na ang panahon na nagbasa ako at tablan, nang sagaran. Dati'y nawawalan pa ako ng hangin at napapabuntung hininga ng malakas. Parang sa pagtagal ng panahon, feeling ko jaded na ako. Naging cynic sa pagbabasa. Maraming nakitang magaganda ngunit walang talab-talaban.

Kaya nga't anong saya na may nakita akong bagong katuwang. Si RS Thomas. Na binili ang koleksiyon ng di siya nakikilala at wala ni isang nababasang tula niya. Muli, sumikip ang tiyan at huminga ng malalim, napakalaki ng ngiti matapos basahin ang isa sa mga tula niya. Sa lahat, ito ang pinaka-iibig ko:

Truly

No, I was not born
to refute Hume, to write
the first poem with no
noun. My gift was

for evasion, taking
cover at the approach
of greatness, as of
ill-fame. I looked truth

in the eye, and was not
abashed at discovering
it squinted. I fasted
at import's table, so had

an appetite for the banal,
the twelve baskets full left
over after the turning
of the little into so much.

Ernan at 3:54 AM

0   comments

0 Comments

Post a Comment