1.28.2008

Makakatulog na rin ako ng maaga. Tapos na kasi ang Australian Open. At si Maria Sharapova at Novak Djokovic ang naging kampiyon sa Women's at Men's Divisions.

   

Tumpak ang hula ko ng nakaraang 4 na araw. Ang gusto ko kasing manalo e si Novak mula simula. Lalo na nang matalo si Nadal kay Tsonga, mawawala kasi ang Nadal Feds love-hate laban. At nang masubukan ang determinasyon ni Sharapova laban sa kasalukuyang world no. 1 na si Justine, nasilip ko nang dire-diretso ito sa finals. Injured pa man din si Jelena.

Per nagsalita kasi ako agad. Sabi ko walang pang upsets sa Australian Open. Hindi pala mga tsonggo ang aabot sa finals, si Tsonga pala. Binuldoser si Nadal, Youzhny at Gasquet. At nangyari rin ang imposible, hindi nakarating si Feds sa finals. Tinalo siya sa straight sets ni Djokovic. Pero ayos lang dahil si Nole naman ang nagtagumpay at nakuha niya ang unang Grand Slam niya.

Ang daming magagandang laban. Pero para sa'kin, ito ang Top 5 ko:




5. Djokovic vs. Federer
Maaanghang na salita bago ang laban. Pero nagawa ni Novak na pangatawanan ito. Nanalo ang mokong sa hari. Straight sets pa man din. Nagulat ang karamihan. May bagong superstar ang tennis. At itong match na 'to ang turning point.




4. Sharapova vs. Ivanovic
Kailgan siyempre nandito 'to. Hindi ang galing ng match kung bakit nandito 'to. Kundi sa ganda ng players. Tennis ball wet dream na pagpasahan at paluin pabalik-balik nina Ana at Maria. Pawisan at umuungol. Wala talagang hihigit sa tennis.




3. Federer vs. Tipsarevic
Ang epic match na umabot sa 10-8 games sa ika-limang set. Ang maliwanag na pahiwatig na puwedeng puwedeng matalo si Federer.




2. Kohlschreiber vs. Roddick
Limang sets at pulos aces. Naka-42 aces si Roddick pero natalo pa rin siya. Ganoon kahusay ang ipinakita ni Kohlschreiber (letse ang hirap i-spell).




1. Djokovic vs. Tsonga
Mula simula hanggang dulo, walang tigil ang aksiyon. Do or die si Tsonga. Ayaw naman sumuko ni Nole. The best at pang-champion talaga ang laban.


Huling hirit lang: isang katuwaan at sweet pose mula sa dalawang kampiyon.

Labels:

Ernan at 9:33 AM

0   comments


1.18.2008

Australian Open na!

Day 5 na nga e. Siyempre nakatutok na naman lagi sa tennis games ang TV. Kahit replay ng matches. Kahit recap lang at highlights.

Round 3 na at wala pang gaanong upsets. Walang Bartoli na biglang bumuldoser sa crowd favorites. Parang easy breezy ang mga seeded players. Parang ang pagkatalo na ni Ljubicic kay Haase ang major upset sa'kin so far. Gusto ko naman kasi si Mardy kaya okay lang na napagtagumpayan niya si Tommy.

Ang saya at nakikita ko uli si Jelena. Hot pa rin talaga si Justine sa kort, lalo na kapag nakasumbrero. Parang lumaking bulas o naging full ang katawan ni Hantuchova.


Sa ngayon, ang pinakamasayang laro na nakita ko e ang laban nina Federer at ni Santoro. Hindi dahil close fight (straight sets nga natalo ni Feds si Santoro e) pero dahil ang saya ng disposisyon ni Santoro. Kita mong gusto lang niya talagang maglaro. At ang husay ng laro niya at di siya nagpabaya. Yun nga lang, si Roger katapat niya at talaga namang mas mahusay ang laro ni Feds. Ang sarap panoorin ng dalawa. Parehas na bigay, walang alitan, enjoy lang. Kapag naka-score si Santoro masaya siya. Kapag natalo, napapailing na lang pero walang bitterness.

At ang highlight at ang kagulat-gulat, hindi na mukhang mabaho si Baghdatis. Nagpagupit ang loko, nag-ahit at mukha nang nagpupulbo.

Labels:

Ernan at 1:22 AM

0   comments


1.15.2008

Nakasalampak sa kuwartong may dalawang kurtina: pink at green, napag-isipang kulang ng kulay ang buhay.

Ang dami na namang sumisingit na balak. Mga balak na halos singlambot ng bulak ang paninindigan. Pero parang buong-buo ang katuturan.

Nabibigatan na naman ako at nakukulong. Gusto na namang sumiksik sa sulok o magtago sa ilalim ng kama. Mag-abang sa pagkatok ng umaga para lang hindi ito patuluyin. Tuluyang ipikit ang mata at mamaluktot.

Parang ang daming dapat at sana. Hindi alam kung saan magsisimula. Mali. Alam ang pagsisimulan. Dahil kahit alin sa mga dapat at sana ay dapat at sanang pagsimulan. Ngunit ang dami. Ngunit ang bigat. Ngunit ang gulo.

Dito na lang muna. Huwag mag-alala. Hindi na tulad ng dati. Natuto na. Kahit papaano. Hindi sisiksik sa sulok o kikipkip sa ilalim ng kama.

Dito na lang muna. Magmumukmok sa gitna ng pink at green.

Sandali lang.

Labels:

Ernan at 2:25 PM

0   comments