1.18.2008

Australian Open na!

Day 5 na nga e. Siyempre nakatutok na naman lagi sa tennis games ang TV. Kahit replay ng matches. Kahit recap lang at highlights.

Round 3 na at wala pang gaanong upsets. Walang Bartoli na biglang bumuldoser sa crowd favorites. Parang easy breezy ang mga seeded players. Parang ang pagkatalo na ni Ljubicic kay Haase ang major upset sa'kin so far. Gusto ko naman kasi si Mardy kaya okay lang na napagtagumpayan niya si Tommy.

Ang saya at nakikita ko uli si Jelena. Hot pa rin talaga si Justine sa kort, lalo na kapag nakasumbrero. Parang lumaking bulas o naging full ang katawan ni Hantuchova.


Sa ngayon, ang pinakamasayang laro na nakita ko e ang laban nina Federer at ni Santoro. Hindi dahil close fight (straight sets nga natalo ni Feds si Santoro e) pero dahil ang saya ng disposisyon ni Santoro. Kita mong gusto lang niya talagang maglaro. At ang husay ng laro niya at di siya nagpabaya. Yun nga lang, si Roger katapat niya at talaga namang mas mahusay ang laro ni Feds. Ang sarap panoorin ng dalawa. Parehas na bigay, walang alitan, enjoy lang. Kapag naka-score si Santoro masaya siya. Kapag natalo, napapailing na lang pero walang bitterness.

At ang highlight at ang kagulat-gulat, hindi na mukhang mabaho si Baghdatis. Nagpagupit ang loko, nag-ahit at mukha nang nagpupulbo.

Labels:

Ernan at 1:22 AM

0   comments

0 Comments

Post a Comment