1.28.2008
Makakatulog na rin ako ng maaga. Tapos na kasi ang Australian Open. At si Maria Sharapova at Novak Djokovic ang naging kampiyon sa Women's at Men's Divisions.Tumpak ang hula ko ng nakaraang 4 na araw. Ang gusto ko kasing manalo e si Novak mula simula. Lalo na nang matalo si Nadal kay Tsonga, mawawala kasi ang Nadal Feds love-hate laban. At nang masubukan ang determinasyon ni Sharapova laban sa kasalukuyang world no. 1 na si Justine, nasilip ko nang dire-diretso ito sa finals. Injured pa man din si Jelena.
Per nagsalita kasi ako agad. Sabi ko walang pang upsets sa Australian Open. Hindi pala mga tsonggo ang aabot sa finals, si Tsonga pala. Binuldoser si Nadal, Youzhny at Gasquet. At nangyari rin ang imposible, hindi nakarating si Feds sa finals. Tinalo siya sa straight sets ni Djokovic. Pero ayos lang dahil si Nole naman ang nagtagumpay at nakuha niya ang unang Grand Slam niya.
Ang daming magagandang laban. Pero para sa'kin, ito ang Top 5 ko:
5. Djokovic vs. Federer
Maaanghang na salita bago ang laban. Pero nagawa ni Novak na pangatawanan ito. Nanalo ang mokong sa hari. Straight sets pa man din. Nagulat ang karamihan. May bagong superstar ang tennis. At itong match na 'to ang turning point.
4. Sharapova vs. Ivanovic
Kailgan siyempre nandito 'to. Hindi ang galing ng match kung bakit nandito 'to. Kundi sa ganda ng players. Tennis ball wet dream na pagpasahan at paluin pabalik-balik nina Ana at Maria. Pawisan at umuungol. Wala talagang hihigit sa tennis.
3. Federer vs. Tipsarevic
Ang epic match na umabot sa 10-8 games sa ika-limang set. Ang maliwanag na pahiwatig na puwedeng puwedeng matalo si Federer.
2. Kohlschreiber vs. Roddick
Limang sets at pulos aces. Naka-42 aces si Roddick pero natalo pa rin siya. Ganoon kahusay ang ipinakita ni Kohlschreiber (letse ang hirap i-spell).
1. Djokovic vs. Tsonga
Mula simula hanggang dulo, walang tigil ang aksiyon. Do or die si Tsonga. Ayaw naman sumuko ni Nole. The best at pang-champion talaga ang laban.
Huling hirit lang: isang katuwaan at sweet pose mula sa dalawang kampiyon.
Labels: tennis
Ernan at 9:33 AM