1.15.2008

Nakasalampak sa kuwartong may dalawang kurtina: pink at green, napag-isipang kulang ng kulay ang buhay.

Ang dami na namang sumisingit na balak. Mga balak na halos singlambot ng bulak ang paninindigan. Pero parang buong-buo ang katuturan.

Nabibigatan na naman ako at nakukulong. Gusto na namang sumiksik sa sulok o magtago sa ilalim ng kama. Mag-abang sa pagkatok ng umaga para lang hindi ito patuluyin. Tuluyang ipikit ang mata at mamaluktot.

Parang ang daming dapat at sana. Hindi alam kung saan magsisimula. Mali. Alam ang pagsisimulan. Dahil kahit alin sa mga dapat at sana ay dapat at sanang pagsimulan. Ngunit ang dami. Ngunit ang bigat. Ngunit ang gulo.

Dito na lang muna. Huwag mag-alala. Hindi na tulad ng dati. Natuto na. Kahit papaano. Hindi sisiksik sa sulok o kikipkip sa ilalim ng kama.

Dito na lang muna. Magmumukmok sa gitna ng pink at green.

Sandali lang.

Labels:

Ernan at 2:25 PM

0   comments

0 Comments

Post a Comment