7.31.2007

Akala mo okay lang ako parati. Akala mo pa-easy-easy lang. Minsan tinatamaan din ako.

Your Heart Is An Empty Room
Death Cab for Cutie


Burn it down
Until the embers smoke on the ground
And start new when your heart is an empty room
With walls of the deepest blue

Home's face, how it ages when you're away
The spring blooms
Then you find the love that's true
But you don't know what now to do
Because the chase is all you know
And she stopped running months ago

And all you see
Is where else you could be
When you're at home
And out on the street
Are so many possibilities
To not be alone

Flames and smoke
Climbed out of every window
And disappeared
With everything that you held dear
But you shed not a single tear
For the things that you didn't need
Because you knew you were finally free

Cause all you see
Is where else you could be
When you're at home
And out on the street
Are so many possibilities
To not be alone

And all you see
Is where else you could be
When you're at home
And out on the street
Are so many possibilities
To not be alone

And there on the street
Are so many possibilities
To not be alone


Nakakatuwa. Kung anu-ano ang inaako natin. Tila ang paraan natin para bagtasin ang buhay ay akuhin o di akuhin ang mga nakakasalamuha natin -- pangyayari, bagay, emosyon, panahon. At ang sukatan nating ng pag-ako ay ang paglapit ng sarili, ni kadalasan hindi nga sa pagkakalapit nito sa ating personalidad.

Ano't sukat akuhin ko na ang video sa taas. Na siya namang balak kong ipa-ako rin sa'yo. Na siya namang unang inako ng isang youtube user. Na halaw pa (matutuwa nito si Baudrillard). Your Heart Is An Empty Room ang kanta pero ang clips ay galing sa A Movie Script Ending, na kanta rin ng Death Cab for Cutie.


Now we all know the words were true
In the sappiest songs, yes, yes
I'll put them to bed, but they won't sleep
They're just shuffling the sheets
They toss and turn...
Passing through unconscious states
When I awoke I was on
The onset of a later stage
The headlights are beacons on the highway



Hindi ba tama ang gumawa. Mas bagay sa Your Heart Is An Empty Room ang video. Kahit gusto ko rin ang A Movie Script Ending. Mas malakas ang dating sa Your Heart Is An Empty Room.

May isa pa. Ibang video version naman ng Your Heart Is An Empty Room. Gawa naman ng cartoon artist na si Jeffrey Brown.

Labels: , ,

Ernan at 12:21 AM

0   comments


7.29.2007

Pinipigil ko na ang sarili ko bago pa man ako magsulat. Hindi ko alam kung kailan nangyari ito pero ang mga ideya na nagkakatinig sa utak ay sadyang nanatiling alingawngaw.

Kailan akong humintong magsulat? Napakatagal na. Hindi ko na nga matandaan. Isang mabilisang sukatan ko ay ang makalipas ang Baguio Workshop noong 2000. Isang taon pagkatapos ng kolehiyo, pitong taon nang nakalipas.

Ang tagal ko namang magmukmok.

Anong nangyari?

Wala akong maisagot. O ang dami kong sagot. Wala akong pokus, busy, katamaran, takot, expectation, hindi na kayang manatili, maging tahimik. Pero iisa ang suma total.




Pinipilit kong manumbalik ngunit napakahirap. Ano ba ang kaartehang ito? Ano pa bang kailangan ko bukod sa lapis at papel o monitor at keyboard?

Dapat sunugin ko ang sarili at subukang magsimula muli sa kung anuman ang natira.

Labels:

Ernan at 1:06 AM

0   comments