7.29.2007
Pinipigil ko na ang sarili ko bago pa man ako magsulat. Hindi ko alam kung kailan nangyari ito pero ang mga ideya na nagkakatinig sa utak ay sadyang nanatiling alingawngaw.Kailan akong humintong magsulat? Napakatagal na. Hindi ko na nga matandaan. Isang mabilisang sukatan ko ay ang makalipas ang Baguio Workshop noong 2000. Isang taon pagkatapos ng kolehiyo, pitong taon nang nakalipas.
Ang tagal ko namang magmukmok.
Anong nangyari?
Wala akong maisagot. O ang dami kong sagot. Wala akong pokus, busy, katamaran, takot, expectation, hindi na kayang manatili, maging tahimik. Pero iisa ang suma total.
Pinipilit kong manumbalik ngunit napakahirap. Ano ba ang kaartehang ito? Ano pa bang kailangan ko bukod sa lapis at papel o monitor at keyboard?
Dapat sunugin ko ang sarili at subukang magsimula muli sa kung anuman ang natira.
Labels: muni
Ernan at 1:06 AM