3.30.2007
Mga bulung-bulungan sa internet:* Sabi nila kupal raw si David O. Russell, ang direktor ng Three Kings at I Heart Huckabees. Dito nagsasabong si Lily Tomlin at ang nasabing direktor. Ang saya. Fight!
* Isa nang maginoong knight si Bono. Pero huwag mo siyang matawag-tawag na Sir Bono.
* Anong kalalabasan kung ang paparazzi naman ang tutukan mo ng camera? Ito o, gawa ni Joseph Gordon-Levitt, Pictures of Assholes.
Labels: tsismis
Ernan at 2:18 AM
3.28.2007
Nakita mo na ba ang bagong patalastas ng Nokia? Maganda siya. Noong una kong napanood, akala ko nga plug para sa National Geographic. Para sa cellphone pala.Pinondohan ng emosyon at ng human significance ang isang cellphone. Halos patula ang dating. Isang oda. Isang listahan ng mga bagay na mahalaga sa mga tao. Isang listahan ng features ng binebentang cellphone. Napa-ibig tuloy ako uli sa isang patalastas. Ang galing e.
Hindi mo pa ba nakikita.Ito o:
Nokia N95
There's a thing in my pocket
But it's not one thing, it's many.
It's the same as other things
But exactly like nothing else.
It has an eye and an ear.
It shares what billion hear and see.
It's not a living thing
But if you feed it, it will grow.
It can rally the masses.
It can silence the crowd.
It can speak a thousand words
But it has no voice.
It can find you the places
So you can get lost.
And it can let others feel
What you've just been touched by.
There's a thing in my pocket
But it's not one thing, it's many.
Naeengganyo tuloy akong bumili ng N95. Kung may bago akong cellphone, alam niyo na kung sino o ano ang salarin.
Ernan at 12:32 PM
3.23.2007
Ito lang ang hiling ko:isang minutong kapanatagan sa buong mundo.
No joke. Isipin mo. Isang minuto, walang malungkot, lahat payapa, walang mamamatay, walang umiiyak. Isang minuto lang. Malay man tayo o hindi. Tayong lahat, buong sansinukuban, panatag.
Okay ko na sa'kin 'yun. Iniisip ko na posibleng mangyari 'to.
Ernan at 1:18 AM
3.14.2007
Minsan na lang ako makatagpo ng "bagong" manunulat na nakaka-jive ko. "Bago" dahil hindi naman sila kadalasang baguhang manunulat pero "bago" dahil first time ko silang mabasa. Bagong kakilala.Ang pinaka-latest nga na natuklasan ko ay si Vladimir Holan. Suwerte ko at napadpad ako minsan sa isang site at nabasa ko ang mga tula niya. Kaagad nabighani ako ng tulang ito.
Snow
It began to snow at midnight. And certainly
the kitchen is the best place to sit,
even the kitchen of the sleepless.
It's warm there, you cook yourself something, drink wine
and look out of the window at your friend eternity.
Why care whether birth and death are merely points
when life is not a straight line.
Why torment yourself eyeing the calender
and wondering what is at stake.
Why confess you don't have the money
to buy Saskia shoes?
And why brag
that you suffer more than others.
If there were no silence here
the snow would have dreamed it up.
You are alone.
Spare the gestures. Nothing for show.
Ang lupit ng tula. Walang pakundangang paghahalungkat at paghahayag. Hindi kumukurap sa emosyon at sa katotohanan. Ang tagal na ng panahon nang maramdaman kong ulit ang paninikip ng dibdib sa tuwa at pagkuyom ng palad sa ganda. Dramatic situation pa lang nakaka-antig na. Simple pero totoo. Simple pero maganda. Mula sa niyebe, mula sa kinauupuan, pinalawak niya ang diskurso, pinalalim niya ang unawaan. Hanggang ito, muli sa masusing pagmumuni, idedeklara niya sa atin ang apat na statements. Mapanindigan. Mapanghusga. Nananadya. Tumbok na tumbok. Gugulatin ka. Pero aamin ka, oo totoo. Magtatanong ka, bakit nga kaya?
Ang lakas ng dating ng tula sa'kin. Oras ng trabaho ng unang makasalamuha ang tula. At kahit oras ng trabaho, paulit-ulit kong binasa ang tula. Ng malakas. Hindi na ako nahiya. Tangan-tangan na ako ng tula at wala akong magawa kundi namnamin ito.
Kaya naman hinanap ko siya. Sino nga ba si Vladimir Holan?
Isa pala siyang Czech writer. Tinatangi ng Czech Republic na pinakamagaling nitong modern writer. At aminado pati si Siefert na si Holan ang pinakamagaling sa kanilang mga Eastern European Writers. Minsan na siyang naging nominado para makatanggap ng Nobel. Ang malungkot ay mahirap na makahanap ng kopya ng mga tula niya. Kahit mismo sa original na Czech language. Kahit magpunta ka pa sa Czech Republic. Wala nang nag-iimprenta ng mga tula niya. Kaya pala hindi ko siya nababasa.
Doon ko rin nalaman na karamihan ng tula niya ay lyric, erudite at esoteric. Mahilig maglabo-labo ng kung anong mitolohiya at teorya mula sa iba't ibang larangan. Mula Botany hanggang mga kinalimutang European folklores. Kadalasang hindi accessible ang mga tula, mahirap pasukin. Isang example, ang pinakasikat niyang tula. Ang A Night with Hamlet. Kapag nabasa mo at naintindihan mo, pakikuwento na lang sa'kin. Sinubukan ko kasing basahin pero hindi ko natapos. Mahaba kasi. Saka na, may panahon din 'yan.
O eto isang actual quote mula sa isang reviewer at kritiko. Para mas ma-appreciate niyo pa ng todo si Holan. Hindi ko kasi siya ma-defend kasi hindi ko pa siya nababasa ng todo at hindi ko pa rin kilala ang panulaan niya. Pero naniniwala ako sa sinasabi nila.
"Holan's poetry is renowned for its difficulty (not always correctly) and for his experimentation with language and metaphor. It draws heavily on Holan's great erudition, weaving together imagery from myth, religion, botany, music and literature amongst other fields, as well as exploring all the resources of the Czech language. The inner struggle in Holan's poetry is the attempt to say the unsayable, to encompass in words the nature of human existence in the face of the arbitrary and often brutal forces that seem set against it."
May babaeng anak si Holan na may Down Syndrome. At nang mamatay ito, hindi na nagsulat muli si Holan. Hanggang sa kamatayan niya. Di ba ang sweet? May tula diyan sa sitwasyon na 'yan, lumiligid-ligid lang. Ayan na naman ako, niro-romanticize ang lahat.
Noong mabasa ko na lyric poet siya. Nagkaroon ng dagdag na dimension ang mga tulang ito.
Human Voice
Stone and star do not force their music on us,
flowers are silent, things hold something back,
because of us, animals deny
their own harmony of innocence and stealth,
the wind has always its chastity of simple gesture
and what song is only the mute birds know,
to whom you tossed an unthreshed sheaf on Christmas Eve.
To be is enough for them and that is beyond words. But we,
we are afraid not only in the dark,
even in the abundant light
we do not see our neighbour
and desperate for exorcism
cry out in terror: 'Are you there? Speak!'
Mi Lascio
I learnt tonight from a book on astronomy
that certain stars are the oldest
and near to extinction... Grateful for the news
I opened the window
and looked for the youngest star... But I could see
only clouds when someone's mean laugh
(like the wind howling in a crematorium chimney)
drove me to find
a star in interstellar space
as dawn was breaking...
O my love, how shall we love and not despair,
how be desperate and wise at the same time?
Naisip ko na napakalaki ang nawala sa Ingles na salin. Hindi mo masalat ang daloy ng salita. Sinubukan kong hanapin ang orihinal na teksto pero nadalumat ko na kahit pala makita ko ang orihinal na teksto ay hndi ko rin maiintindihan. Bukod sa nasa ibang wika ito, hindi ko rin mababasa phonetically kasi may mga ibang characters sila.
Pero sa paghahanap kong iyon, may mga nakita akong Spanish translations ng mga tula niya. At hindi hamak, mas lyrical ito.
No Es
No es indiferente el lugar donde estamos.
Algunas estrellas se acercan entre sí peligrosamente.
También aquí abajo hay separaciones violentas de amantes
sólo para que el tiempo se acelere
con el latido de su corazón.
Las gentes sencillas son las únicas que no buscan la felicidad...
La Belle Dame Sans Merci
Estaba sentada en un estéreo de madera y cantaba.
Era como si me hubiera herido en la ternura.
Era como si el deseo sin esperanza
hubiera despreciado el llanto acariciando las lágrimas.
Era como si el mismo sol entre nubes hubiera escuchado
a ese tordo que pasa con una cereza en el pico.
Era como si aquella canción de ella hubiera recorrido por encima
incluso ese río vecino tan lleno de truchas.
Era como si... Pero ella dejó de cantar y dijo:
"No vayas allí, hace frío".
Y yo le dije: "¿Dónde? No veo el lugar",
- mga salin ni Clara Janés
At naengganyo naman akong madaliang isalin ang mga tula sa Filipino. Para mas maintindihan ko pa ng lubos ang tula. At makita kahit kaunti paano ang pakilawa't kanan ng mga tula niya. Siyempre, literal translation lang ang mga ito. Hindi ko nga nabasa ang orihinal. Isa pa, hindi na mahusay ang Spanish ko. Baka meron diyan na mas magaling magsalin at may oras. Pakisalin naman. Tapos, pabasa. Pero sa ngayon, ito munang aking nakaya.
Hindi
Hindi patay ang damdamin ng lugar kung nasaan tayo.
May ilang talang delikadong lumalapit sa isa't isa.
Tulad dito sa ibaba, may marahas na paghihiwalayan ang magsing-irog
para tuluyang sumabay ang panahon
sa bilis ng tibok ng puso nito.
Ang mga simpleng tao lang ang mga natatanging hindi naghahanap ng kaligayahan...
La Belle Dame Sans Merci
Ay nakaupo sa kahoy na stereo at kumakanta.
Tulad kung ako'y saktan ng iyong lambing.
Tulad kung ang pagnanasang walang pag-asa,
hamakin ang hinagpis na humimas sa mga luha.
Tulad kung ang mismong araw sa gitna ng mga ulap ay makinig
sa pipit na lumilipad na may seresa sa tuka.
Tulad kung ang kanyang kanta'y maging daloy paitaas
kasama itong katabing ilog na tigib sa isda.
Tulad kung...Pero siya'y tumigil kumanta at nagsabi:
"Huwag kang magpunta doon, malamig."
At sinabi ko sa kanya: "Saan? Hindi ko makita ang lugar,"
Ernan at 2:50 AM
3.11.2007
Naku, lagi na akong napupuna sa dalawang bagay. Ang tangkad ko at ang timbang ko. Patpatin kasi ako na ga-poste ang tangkad kung tignan. Sanay na ako at gaya nga ng ilang beses ko nang nabanggit, komportable ako at hindi ako nababahala sa (kakulangan ng) anyo ko.Hanggang sa isang tanghali at nanonood kami ng utol ko ng The Machinist na pinagbibidahan ni Christian Bale. Ito ang tumambad sa akin
Pinindot ko kaagad ang pause. Tinanong ko ang utol ko kung ganyan din ba ang hitsura ko kapag walang damit. Tinitigan niya ako. Tinitigan niya ang TV. At agad na sinabi na "hindi." Buti naman, nakngpigang! Kundi matatakot na ako sa pangangatawan ko. Hindi daw ako mukhang emaciated. Payat daw ako pero healthy tignan. Medyo oxymoronic. Pero gets ko. Buti naman. Pheew!
Kaso pagkatapos manood, nalaman ko na gaganap bilang Batman si Christian Bale. At ito na ang katawan niya
Nakngpigang! Ang galing naman niyang mag-bulk up. Medyo naiinggit ako. Pero medyo lang. Paano niya nagawa? At naalala ko ang lahat ng mga aktor at mga aktres na nagpataba, nagpapayat, at nagpa-anupaman para sa kanilang roles. Sina Renee Zellweger, Matt Damon, Tom Hanks, Charlize Theron, isama mo na pati ang 6 pack boys ng 300, at iba pa. Napagtanto ko ang disiplina nila. Ang higitan ang sarili para mahulma ang katawan sa kinakailangan na anyo. Kahit pa may personal trainers sila at million dollar equipment. Pagod at ngasab pa rin ang kanilang pinuhunan.
Mapapa-isip ka na kung sila kaya nila gawin para sa isang role, e ako, ano ang excuse ko para di ayusin ang pangangatawan para sa sarili? Para sa future? Naks! Para maging mas guwaping pa!
Anong excuse? Wala. Pero gaya ng lahat, naisip ko rin na mas madaling gawin ang isang bagay o maging mas pursigido kung ang dahilan kung bakit ginagawa ito ay labas sa sarili. Kung may nagungulit na tapusin o gawin mo ang bagay.
Kasi kung ako rin ay bayaran ng ilang milyong piso para maging si Batman, goodbye waistline 29! Tangna, hanggang masuka ako kakain ako ng walong cups ng kanin bawat meal, iinom ako ng sanglatang broccoli shake three times a day, at wala akong gagawin kundi mag-workout at mahalin ko ang sarili sa salamin. Pero puwedeng si Flash na lang ako. Mas astig kasi para sa'kin si Flash kaysa kay Batman na laging nakasimangot. Ayun, kailangan ko din palang mag-praktis sumimangot buong araw (at mukhang mas mahirap gawin ito).
Kaya sa mga taong nangungulit na magpataba ako. Ito lang. Pilitin niyo na lang akong mag-artista at baka matupad pa ang panagarap niyo para sa akin.
Malay mo, maging bundat din ako tulad ni Jared Leto.
Gusto mo?
Ernan at 7:20 PM
3.09.2007
Ano bang dating ng mukha ko at lagi na lang akong kinukuwentuhan ng mga taong hindi kakilala? Lagi na lang. Ang aleng katabi sa simbahan, taxi driver, kasunod sa pila sa McDonald's, o kaya turistang naglalakad sa Cubao. Kinakausap ako at nagkukuwento ng kung anu-anong mga bagay.Gaya na lang kanina.
Galing ako sa opisina sa Antipolo. Pauwi na. Naghihintay ng jeep sa Sumulong Hi-way. May kasabay akong nag-aabang, babae, na tiga-opisina. Hindi ko masyado kilala. Hindi ko talaga kilala. Na-deduce ko lang na pareho kami ng pinagtatatrabahuhan kasi nginitian niya ako at tumango. (O baka naman nakikipag-flirt siya, posible!) Ngumiti si babae. Ngumiti ako. Tumango siya. Ngumiti ako ulit. Tapos dumistansya. Hindi ko siya kilala at ayokong makipag-usap. Wala ako sa mood makipag-small talk. Ang tagal ng hintay bago may dumaang pampasaherong sasakyan. Sumakay siya. Ako hindi. Wala talaga ako sa mood makipag-small talk at unnecessary conversation. Kapag sumakay ako, mapipilitan lang akong ngumiti at makipag-usap kahit dalawang pangungusap lang. Ayoko.
Hindi ako sumakay. Pinauna ko ang babae. Matagal ulit ang hintay bago may dumating na ibang masasakyan. Sumakay ako. Puno. Sumabit na lang ako. May mamang sumabit sa tabi ko. Mukhang sanggano. Tumitingin-tingin sa'kin. Ngumiti. (Baka nakikipag-flirt din, huwag po!). Wala akong magagawa. Pareho kaming nakasabit sa jeep na humaharurot pababa ng Sumulong Hi-way, magkadikit pa ang balikat namin, ngumiti ako pabalik.
Nagsalita si mamang sanggano. Pinuna na ang tagal ko raw naghihintay. (Baka stalker!) Napansin niya ako kasi kumakain daw siya ng balut sa may tapat ng inaabangan ko. Ang tagal ko daw bago sumakay. Napasagot ako. Wala akong magawa. Mabilis ang jeep at isang siko lang puwede akong mahulog. Sumagot ako na "oo nga po e." Maikli. Simple. Walang puwedeng idagdag. Non-committal. Sabay tingin sa harap at sa langit. Ang simpleng irap. Ang mabait na tse, huwag mo akong pansinin. Hindi ako interesado. Ayokong makipag-usap.
Pero dumire-diretso si mamang sanggano. Nagkuwento. Nagkuwento. At nagkuwento. Ngumingiti lang ako at sumasagot ng opo, a ganun po ba, oo nga e, aah... At pagbaba niya sa Major Diaz (sinabi niya sa akin kung saan siya bababa at kung bakit siya kumakain ng balut) nalaman ko na Romy ang pangalan niya; ang unang trabaho ay sa Francisville na pagmamay-ari ng isang Taiwanese; muntik na siyang mangibang-bayan kaso pinigilan ng ina, namatay kasi ang ama niya at siya ang nag-alaga sa pamilya; may mga pinsan at pamangkin sa Domsat na pinanghihinaan ng loob; may pinsan na may bahay sa Dela Paz na walang nakatira pero anim ang kuwarto; may asawa na siya at mahirap daw ang buhay may-asawa, iba sa buhay binata; 36 ang edad niya, at kapag sinasabi niya ang kanyang edad nagugulat ang mga tao kasi babyface siya pero, pero may kaunting wrinkles na siya, hindi naman halata kasi smiling face siya.
Smiling face daw siya, inamin ni mamang sangganong Romy. Ako rin, the whole time, smiling face lang.
Lagi na lang. Hindi ko alam kung bakit. Nagbubuhos ng saloobin sa akin ang mga estranghero. Hindi naman ako pala-imik. Baka mukhang baul ang mukha ko. O kaya butas ng isang dingding ng templo sa Angkor Wat. Ewan. Hindi ko alam. Pero oo nga, totoo. Smiling face din ako.
Ernan at 1:07 AM