3.11.2007

Naku, lagi na akong napupuna sa dalawang bagay. Ang tangkad ko at ang timbang ko. Patpatin kasi ako na ga-poste ang tangkad kung tignan. Sanay na ako at gaya nga ng ilang beses ko nang nabanggit, komportable ako at hindi ako nababahala sa (kakulangan ng) anyo ko.

Hanggang sa isang tanghali at nanonood kami ng utol ko ng The Machinist na pinagbibidahan ni Christian Bale. Ito ang tumambad sa akin


Pinindot ko kaagad ang pause. Tinanong ko ang utol ko kung ganyan din ba ang hitsura ko kapag walang damit. Tinitigan niya ako. Tinitigan niya ang TV. At agad na sinabi na "hindi." Buti naman, nakngpigang! Kundi matatakot na ako sa pangangatawan ko. Hindi daw ako mukhang emaciated. Payat daw ako pero healthy tignan. Medyo oxymoronic. Pero gets ko. Buti naman. Pheew!

Kaso pagkatapos manood, nalaman ko na gaganap bilang Batman si Christian Bale. At ito na ang katawan niya


Nakngpigang! Ang galing naman niyang mag-bulk up. Medyo naiinggit ako. Pero medyo lang. Paano niya nagawa? At naalala ko ang lahat ng mga aktor at mga aktres na nagpataba, nagpapayat, at nagpa-anupaman para sa kanilang roles. Sina Renee Zellweger, Matt Damon, Tom Hanks, Charlize Theron, isama mo na pati ang 6 pack boys ng 300, at iba pa. Napagtanto ko ang disiplina nila. Ang higitan ang sarili para mahulma ang katawan sa kinakailangan na anyo. Kahit pa may personal trainers sila at million dollar equipment. Pagod at ngasab pa rin ang kanilang pinuhunan.

Mapapa-isip ka na kung sila kaya nila gawin para sa isang role, e ako, ano ang excuse ko para di ayusin ang pangangatawan para sa sarili? Para sa future? Naks! Para maging mas guwaping pa!

Anong excuse? Wala. Pero gaya ng lahat, naisip ko rin na mas madaling gawin ang isang bagay o maging mas pursigido kung ang dahilan kung bakit ginagawa ito ay labas sa sarili. Kung may nagungulit na tapusin o gawin mo ang bagay.

Kasi kung ako rin ay bayaran ng ilang milyong piso para maging si Batman, goodbye waistline 29! Tangna, hanggang masuka ako kakain ako ng walong cups ng kanin bawat meal, iinom ako ng sanglatang broccoli shake three times a day, at wala akong gagawin kundi mag-workout at mahalin ko ang sarili sa salamin. Pero puwedeng si Flash na lang ako. Mas astig kasi para sa'kin si Flash kaysa kay Batman na laging nakasimangot. Ayun, kailangan ko din palang mag-praktis sumimangot buong araw (at mukhang mas mahirap gawin ito).

Kaya sa mga taong nangungulit na magpataba ako. Ito lang. Pilitin niyo na lang akong mag-artista at baka matupad pa ang panagarap niyo para sa akin.

Malay mo, maging bundat din ako tulad ni Jared Leto.


Gusto mo?

Ernan at 7:20 PM

0   comments

0 Comments

Post a Comment