1.04.2006

Usapang pelikula naman tayo.

Alam kong medyo huli na pero ihahabol ko pa rin. Ang dalawang pelikulang dapat niyong mapanood.

Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros Big Time

Kilalanin ng mabuti si Maxi dito. At alamin kung paano maging Big Time rito.

Isang mahusay na pagtatanghal ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros. Inilalahad nito ng walang piring ang pagmulat ng isang dinadalaginding sa salimuot ng buhay. Laki sa pamilyang puro lalake, namumukadkad si Maxi at sa unang subok nito sa pag-ibig kaakibat ang mga pagbabago sa paligid at mga taong malapit sa kanya. Matutuwa at mapapalapit ka hindi lang kay Maxi ngunit pati sa pinupuso nitong pulis na si Victor at maging sa buong pamilya Oliveros.

Walang humpay ka namang patatawanin ng Big Time. Marahil ito na ang pinakmagandang pelikulang Filipino na napanood ko ng nagdaang taon. Dalawang small time goon ang nangangarap maka-score ng Big Time. Nagsimula sa isang kabulastugang plano at natapos sa all-out killing spree. Tutok na panulat at makukulit na tauhan, hawak ng pelikula ang atensyon at pulso ng manonood mula simula hanggang dulo.





Nasimulan ko na rin naman ng paghahabol sa mga natatanging pelikula. Ngayon ko pa lang i-po-post ang Best of ko ng 2004. Bagkus marami pa akong di napapanood na pelikula na dapat panoorin (tulad ng Hotel Rwanda), hayaan na at kapag hinintay ko pang magkaroon ako ng oras na panoorin lahat e hindi ko na matatapos ang listahan ko. Kaya heto:

Best of 2004

Film
1. The Incredibles
2. Eternal Sunshine of the Spotless Mind
3. Closer
4. 3-iron
5. Finding Neverland
6. The Motorcycle Dairies
7. Kekexili: Mountain Patrol
8. Before Sunset
9. 2046
10. The Passion of the Christ

Cast Ensemble
1. Sideways
2. We Don't Live Here Anymore
3. Closer
4. Vera Drake
5. Mean Creek

Director
1. Michel Gondry - Eternal Sunshine of the Spotless Mind
2. Zhang Yimou - House of Flying Daggers
3. Michael Mann - Collateral
4. Walter Salles - The Motorcycle Dairies
5. Martin Scorsese - The Aviator

Original Screenplay
1. Charlie Kaufman, Michel Gondry and Pierre Bismuth - Eternal Sunshine of the Spotless Mind
2. Brad Bird - The Incredibles
3. Frank Cottrell Boyce - Millions
4. Simon Pegg and Edgar Wright - Shaun of the Dead
5. Kim Ki-duk - 3-iron

Adapted Screenplay
1. Patrick Marber - Closer
2. Jose Rivera - The Motorcycle Diaries
3. Richard Linklater, Kim Krizan, Ethan Hawke and Julie Delpy - Before Sunset
4. David Magee - Finding Neverland
5. Michael Radford - The Merchant of Venice

Leading Actress
1. Hilary Swank - Million Dollar Baby
2. Kate Winslet - Eternal Sunshine of the Spotless Mind
3. Julie Delpy - Before Sunset
4. Imelda Staunton - Vera Drake
5. Catalina Sandino Moreno - Maria Full of Grace

Leading Actor
1. Paul Giamatti - Sideways
2. Jamie Foxx - Ray
3. Al Pacino - The Merchant of Venice
4. Kevin Bacon - The Woodsman
5. Gael Garcia Bernal - The Motorcycle Dairies

Supporting Actress
1. Cate Blanchett - The Aviator
2. Natalie Portman - Closer
3. Laura Dern - We Don't Live Here Anymore
4. Zhang Ziyi - 2046
5. Sharon Warren - Ray

Supporting Actor
1. Clive Owen - Closer
2. Thomas Haden Church - Sideways
3. Rodrigo De la Serna - The Motorcycle Diaries
4. August Diehl - Love in Thoughts
5. Phil Davis - Vera Drake

Cinematography
1. Zhao Xiaoding - House of Flying Daggers
2. Dion Beebe and Paul Cameron - Collateral
3. Robert Richardson - The Aviator
4. Tom Stern - Million Dollar Baby
5. Cao Yu - Kekexili: Mountain Patrol

Editing
1. Valdis Oskarsdottir - Eternal Sunshine of the Spotless Mind
2. Thelma Schoonmaker - The Aviator
3. Jim Miller and Paul Rubell - Collateral
4. Matt Cheese - Finding Neverland
5. Kazuaki Kiriya, Jeremiah O'Driscoll and Chisako Yokoyama - Casshern


Alam kong marami kayong mga angal sa listahang 'yan pero pagbigyan niyo na ako. Maniwala na kayo kunyari. Paniwalain niyo namang may bigat ang opinyon ko.

Salamat.

Sana mas magaganda pa ang mga pelikula ngayong taon.


<<

Ernan at 1:59 AM

0   comments


1.02.2006

Nanaganip ako kagabi. Sa unang gabi ng taong 2006. Isang interesanteng panaginip. Natandaan ko pa halos lahat paggising. Magandang senyales.

Ang unang tagpo sa panaginip ay sa isang kalye. Naglalakad ako papunta sa isang party. May nakaparadang kotse. May bumabang lalake. May isa pang lalake. Binaril niya ang naunang bumabang lalake. Bumulagta sa kalye ang naunang lalake. Patay.

Ang ikalawang tagpo. Sa isang magarang hotel. Nagtatanong ako ng availability ng kuwarto sa isang magandang receptionist. Sa tanong ko, ipinakita niya ang iba't ibang uri ng kuwarto. Hindi ko alam kung papaano ngunit alam kong nakatira ang lalakeng bumaril sa unang tagpo sa ika-apat na palapag ng hotel. Isang kuwarto sa ika-limang palapag, sa dulo. May bakas pa ng naunang tumira. May mga lumang litrato nakadikit sa salamin. May dalawang kama. Gaya ng pagkakaalam ko na ang lalakeng bumaril ay nakatira sa ika-apat na palapag alam kong ito ang dating kuwarto ng lalakeng nabaril. Matanda na pala ang lalake. Mga sitenta o otsenta anyos. Kaya't sinabi ko sa magandang receptionist na balak kong sa kuwartong iyon tumira. Matapobreng sagot ng magandang receptionist na hindi tinatanggap ang gift check na pambayad para sa kuwartong iyon. Gift check pala ang ibabayad ko. Ngunit agad akong suminghal na magbabayad ako ng pera. Marami pala akong pera sa bangko.

Ikatlong tagpo. Sa kuwarto ng matandang lalake na binaril. Sa dulo ng ika-limang palapag. Inaayos ko na ang aking mga gamit sa cabinet. Nag-iisip ako. Alam kong aalamin ko kung ano ang misteryo ng matanda. Ang kuwarto. Ang lalake sa ika-apat na palapag. Matagal-tagal akong mapipirme sa hotel na ito.

Doon nagtapos ang panaginip. Ngayong isinusulat ko na at inilalahad uli, magulo pala ang panaginip. Ngunit dahil panaginip samantalang nasa panaginip may sense ang lahat. Ang mga tauhan, ang mga tagpo, hindi humihingi ng kadahilanan. Ang mangyari't maramdaman ay siyang katotohanan.

Nanaginip ako kagabi. Unang gabi ng taong 2006. Alam ko pa rin ang panaginip nang magising. Matagal na akong hindi nakakaalala ng panaginip. Sa paggising, nararamdaman ko pa rin ang tono ng panaginip. Kaiba sa tono ng iba kong panaginip. Isang panaginip na kapanapanabik. Isang interesanteng paniginip. Magandang senyales.

<<

Ernan at 9:36 PM

1   comments