12.27.2006

Nitong kapaskuhan, lagi ko na lang inirereklamo sa lahat na hindi ko man lang nararamdaman ang Christmas spirit. Walang masyadong mga palamuti at kumikislap-kislap na ilaw, kahit sa Makati. Walang himig ng Pasko. Ang tanging caroling na nakita ko ay sa Cavite pa at ang taunang caroling/solicit ng mga tiples/brothers ng Sto. Domingo sa bahay. Walang mga batang may pinitpit na tansan at de latang tambol na humaharang sa daan at sumisigaw ng We wishyu a meri krismas. Pati ang panahon hindi nakisama, kahit suminghap ka, wala ang laming ng Pasko.

Wala talaga, walang dating ang Pasko. Hindi ko matanggap ang stock answer na tumatanda lang ako o kaya'y para sa bata lang ang Pasko. Kasi kahit naman nang mga nagdaang taon, hindi man masayang-masaya ang Pasko, nararamdaman ko pa rin naman.

Ang Pasko ko ay nauwi sa shopping, pagbabalot ng regalo, pananaga ng mga taxi drivers, trapik, siksikan sa mall, at pagmamadali dahil bigla ilang araw na lang pasko na pala. Isang holiday break na lang ito na may kasamang hassle at tuwa ng exchange gift at iba't ibang parties.

Kanina lang ako natauhan. Papasok ako ng opisina at naiisip na naman ang walang sayang Pasko nang mabaling ang tingin ko sa simbahan. Naisip ko, bakit sinusukat ko ang Pasko sa pagkanta ng carols, sa makulit na andap ng Christmas lights, sa init ng panahon, sa mga bagay? Binibigyang diin ko ang mga bagay na ito na hindi naman talaga buod ng kapaskuhan. At sa pagbibigay ko rito ng lubos na importansya, ako mismo ang naglagak na holiday break, exchange gift at parties lang talaga ang Pasko. Nakalimutan ko ang dahilan, corny oo, pero totoo. Bakit hindi ko inaankla ang kapaskuhan kay Kristo o sa spirtiwalidad man lang? Nakalimutan ko.

Hindi porke't walang palamuti hindi na feeling Pasko. Kaya pala hindi ko maramdaman, sa maling paraan ko pala hinahanap. Hindi ko nga talaga mararamdaman ang Pasko. Ikaw, naalala mo ba, naramdaman mo ba talaga ang Pasko?

Ernan at 11:38 PM

1   comments


12.05.2006

Isa-isa nang kinakasal ang mga kaibigan ko. Nito nga lang ika-11 ng Nobyembre, umakyat kami ng Baguio para dumalo at makibahagi sa kasal nina Reggie at Donna. Siyempre isa lang 'yun sa agenda namin.

A-8 pa lang, umalis na kami ng Maynila. Kasama ko ang mga Mega people. Ang dami-daming trabaho kaya halos last minute ang pagdating ko sa bus station. Pero kahit pagod hindi ako nakatulog ng maayos kasi pinanood ko ang Walk the Line na ipinahiram ni Daryl.

Kaya pagdating sa Baguio, bagsak ako.


Kumain kami ng agahan. Pero pagkatapos gusto nilang mag-ukay kaya sinamahan ko sila. Hindi pa bukas ang ukay ay naghihintay na kami sa labas. At matapos mag-ukay the whole day, nag-SM Baguio naman kami.


Masaya ang SM Baguio at may over-looking. Pero siyempre pinili namin magpa-picture sa hagdanan. Nag-meryenda lang kami tapos tuloy ukay ulit. Buong araw na ukay, di ko kinaya. Kaya tumambay na lang ako sa may ukayan.


Pansinin ang bigla kong umikling buhok. Dahil kasi mag-aabay ako sa kasal, nagpagupit ako sa isang gulatang gupitan sa may Session Road. Gulatan dahil Gulatan na lang sa magiging hitsura mo pagkatapos ng gupit mo. Maayos naman lumabas di ba? 35 pesos lang 'yan. Native pa. Kinagabihan, kinita namin ang ikakasal. Kumain kami sa Cafe By The Ruins.


At pagkatapos kumain, kumain at nagkape uli kami sa Kaffe Klutsch.


Pagkatapos, umuwi na kami sa wakas sa tinutuluyan namin. Hapo, busog at nilalamig, di pa rin kami kaagad natulog. Nanood muna kami ng Akeelah and the Bee.


Kinabukasan, matapos mag-agahan, nag-ukay uli sila. Pero hindi ko na kinayang mag-ukay pa. Hinatak ko si Armi at Comsti at pumunta kami ng Good Sheperd para mamili na ng pasalubong. Dahil may over-looking, nagpicture-picture kami.


At matapos ang picture-an, kumain naman kami sa Waffle House.


Kinailangan naming pumunta ni Zena sa wedding rehearsals. Dahil kasal naman talaga ang ipinunta namin sa Baguio at hindi ukay. Habang papunta ng rehearsals tinamaan ako ng antok.


Sa bagay, bagsak naman talaga ako tuwing bumibiyahe kami sa Baguio. Araw na ng kasal kinabukasan. Alas-2 ang kasal pero alas-6 pa lang ng umaga, may naliligo na at nag-aayos ng muk-ap. Hindi naman kami na-late. Katunayan, kami nga ang isa sa mga nauna sa simbahan. Dapat lang dahil ang aga ng preparasyon nila. At kasal na nga.


At cocktails. At wedding reception.


Na nagtapos sa sayawan.


Kain, ukay, kain, ukay, kain, tulog, kain, ukay, kain, ukay, kain, tulog, kasal. In a nutshell, 'yan ang ginawa namin sa Baguio. Walang nakagugulantang puwera sa inampon ni Armi na nagkaroon ng love child.


Wala pa mang honeymoon, nagka-baby na. May milagro rin palang nangyari.

Ernan at 12:51 AM

0   comments


12.01.2006

Dich wundert nicht des Sturmes Wucht

You are not surprised at the force of the storm--
you have seen it growing.
The trees flee. Their flight
sets the boulevards streaming. And you know:
he whom they flee is the one
you move toward. All your senses
sing him, as you stand at the window.

The weeks stood still in summer.
The trees' blood rose. Now you feel
it wants to sink back
into the source of everything. You thought
you could trust that power
when you plucked the fruit;
now it becomes a riddle again,
and you again a stranger.

Summer was like your house: you knew
where each thing stood.
Now you must go out into your heart
as onto a vast plain. Now
the immense loneliness begins.
The days go numb, the wind
sucks the world from your senses like withered leaves.

Through empty branches the sky remains.
It is what you have.
Be earth now, and evensong.
Be the ground lying under that sky.
Be modest now, like a thing
ripened until it is real,
so that he who began it all
can feel you when he reaches for you.

- Rainer Maria Rilke
  salin nina Anita Burrows at Joanna Macy


Galing 'yan sa Book of Hours na lagi kong binabalikan kapag may dalahin akong mabigat. Kung tutuusin, malulungkot ang mga tula sa librong ito ni Rilke. Pero sa tuwing babasahin ko ang mga tula, pinaluluwag nito ang buhol sa kalooban ko at may dalisay na kasiyahan na natatagpuan sa buod ng lungkot. Marahil dahil napapakita ni Rilke na maari mong katagpuin ang sarili, at mapagtagumpayan na makipag-diyalogo.

At siyempre, ang harapin ang sinasabing banal. Na ang sinasagot ng sarili ay ang pinakasimple ang natatangi. Parang isang bagay, pangalan, kanta.

Kaya nga nang malaman kong may kipkip na problema ang isa kong kasamahan, inisip kong ipahiram ito sa kanya. Mahilig din kasi ang kasamahan kong ito sa salita (hindi man sa tula, sa mga kuwento). Baka sakaling makatulong.

Hinanap ko pa ang kopya ko ng libro, xerox lang na pina-book bind. Matagal ko na kasing hindi binabasa kaya hindi ko na alam kung saan nakalagay. Natagpuan ko sa may bookshelf na malapit sa higaan, nasa ilalim, napatungan ng mga bagong biling libro. At nang hinaltak ko at binuklat, may naka-ipit pang ticket ng Ultraelectromagneticjam album launch concert, ika-29 ng Nobyembre 2005. Isang taon na rin pala nang huli ko itong binasa.

Binasa ko ito uli. Pahapyaw lang dapat kasi nga ipapahiram ko. Kaso hindi ko mapigilan - sa jeep, sa mrt, sa opisina, sa bahay, binubuklat-buklat ko ang libro at paulit-ulit na binabasa ang mga tula. Hanggang ngayon nasa akin pa ang libro at pinapaalalahan ako ng mga tula ng mga bagay na matagal ko nang alam, at malaon nang nakalimutan. Inihaharap sa'kin ang katunayan ng pag-iisa at kamatayan; tinatahan ang pangamba na hindi marating ang dulo at hindi masagot ang tanong.

"I've been circling for thousands of years
and I still don't know: am I a falcon,
a storm, or a great song?"

Ernan at 1:42 PM

0   comments