12.05.2006
Isa-isa nang kinakasal ang mga kaibigan ko. Nito nga lang ika-11 ng Nobyembre, umakyat kami ng Baguio para dumalo at makibahagi sa kasal nina Reggie at Donna. Siyempre isa lang 'yun sa agenda namin.A-8 pa lang, umalis na kami ng Maynila. Kasama ko ang mga Mega people. Ang dami-daming trabaho kaya halos last minute ang pagdating ko sa bus station. Pero kahit pagod hindi ako nakatulog ng maayos kasi pinanood ko ang Walk the Line na ipinahiram ni Daryl.
Kaya pagdating sa Baguio, bagsak ako.
Kumain kami ng agahan. Pero pagkatapos gusto nilang mag-ukay kaya sinamahan ko sila. Hindi pa bukas ang ukay ay naghihintay na kami sa labas. At matapos mag-ukay the whole day, nag-SM Baguio naman kami.
Masaya ang SM Baguio at may over-looking. Pero siyempre pinili namin magpa-picture sa hagdanan. Nag-meryenda lang kami tapos tuloy ukay ulit. Buong araw na ukay, di ko kinaya. Kaya tumambay na lang ako sa may ukayan.
Pansinin ang bigla kong umikling buhok. Dahil kasi mag-aabay ako sa kasal, nagpagupit ako sa isang gulatang gupitan sa may Session Road. Gulatan dahil Gulatan na lang sa magiging hitsura mo pagkatapos ng gupit mo. Maayos naman lumabas di ba? 35 pesos lang 'yan. Native pa. Kinagabihan, kinita namin ang ikakasal. Kumain kami sa Cafe By The Ruins.
At pagkatapos kumain, kumain at nagkape uli kami sa Kaffe Klutsch.
Pagkatapos, umuwi na kami sa wakas sa tinutuluyan namin. Hapo, busog at nilalamig, di pa rin kami kaagad natulog. Nanood muna kami ng Akeelah and the Bee.
Kinabukasan, matapos mag-agahan, nag-ukay uli sila. Pero hindi ko na kinayang mag-ukay pa. Hinatak ko si Armi at Comsti at pumunta kami ng Good Sheperd para mamili na ng pasalubong. Dahil may over-looking, nagpicture-picture kami.
At matapos ang picture-an, kumain naman kami sa Waffle House.
Kinailangan naming pumunta ni Zena sa wedding rehearsals. Dahil kasal naman talaga ang ipinunta namin sa Baguio at hindi ukay. Habang papunta ng rehearsals tinamaan ako ng antok.
Sa bagay, bagsak naman talaga ako tuwing bumibiyahe kami sa Baguio. Araw na ng kasal kinabukasan. Alas-2 ang kasal pero alas-6 pa lang ng umaga, may naliligo na at nag-aayos ng muk-ap. Hindi naman kami na-late. Katunayan, kami nga ang isa sa mga nauna sa simbahan. Dapat lang dahil ang aga ng preparasyon nila. At kasal na nga.
At cocktails. At wedding reception.
Na nagtapos sa sayawan.
Kain, ukay, kain, ukay, kain, tulog, kain, ukay, kain, ukay, kain, tulog, kasal. In a nutshell, 'yan ang ginawa namin sa Baguio. Walang nakagugulantang puwera sa inampon ni Armi na nagkaroon ng love child.
Wala pa mang honeymoon, nagka-baby na. May milagro rin palang nangyari.
Ernan at 12:51 AM