11.27.2003

November 27, 2003 || 2:04 pm


Naguusap sa Mr. Kabab kagabi ng marinig kong banggitin ni Lavin na naghayag na si FPJ na tatakbo siya sa eleksiyon sa pagkapangulo. Hindi ko na ikinagulat iyon. Hindi ko man nais hindi ko masasabing hindi inaasahan. Ang interesante ay wala siyang plataporma. Nang tanungin daw si FPJ ng mga reporters tungkol doon ay umiwas ito at sinabi na magtatakda na lang siya ng isa pang presscon para sa plataporma niya. Ni wala man lang siyang pagkukunwaring may plataporma. Dito pa lang halata na siyang umaasa sa mga advisers niya. Papaano pa sa mga usaping gaya ng trade embargo?

Hindi ko naman hinihingi na maging dalubhasa siya sa larangang iyon. Hindi naman ako ultimate pro technocrat. Pero it wouldn't hurt di ba kung may kaalaman ka. Ngunit nakikita ko sa maliit na tagpong iyon ang sakit ng lahat ng presidente natin matapos kay Marcos. Ni isa sa kanila ay hindi naging magaling na lider. At iyan ang kailangang kailangan ng bansa natin. Matagal na tayong di nakakita ng matatag na pamunuan. At mukhang hindi pa rin.

Kung boboto ako sa eleksiyon, pagtitiyagaan ko na lang kung sinuman iyong iboboto ko. Kumbaga, siya na nga lang kasi iyong iba ay hindi ko kursunada. Wala ka talagang mapili. Tuwing eleksiyon tila ganoon lagi ang naririnig ko. May mali sa ganoong situwasyon na hindi na nabago kada botohan.

Hindi ko maiwasang magbigay ng sariling kuro sa politika sapagkat kay lunos na natin. Hindi lang ako sigurado ngunit may nangumpara na yata sa Pilipinas sa Bhutan. Ibig sabihin, isinasama na tayo ng ibang analysts sa mga fourth world countries. Hindi lang basahan ang tingin nila sa atin. Pampunas ng puwet.

Kung anu-ano ang sinasabi ko, hindi naman ako boboto. Ni hindi nga ako rehistrado. O simulan na ang pagpapako at ang kalbaryo.

Ernan at 1:46 PM

0   comments


11.13.2003

November 13, 2003 || 2:03 am


Kadalasan ang nilalagay ko bilang status sa YM e lyrics ng kantang kasalukuyang pinapakinggan. Ngunit may nangungulit sa'kin na baka may sinasabi ang lubog na kamalayan ko sa mga sipi ng lyrics na pinipili.

become yourself
time isn't kind
and the stars they don't mean nothing
when you know that you know
someday i will be much more
he pours a little his way




Alam ko na kung bakit lagi akong ginagabi.







"Nothing spoils the taste of peanut butter quite like unrequited love." -- Charlie Brown





Ernan at 1:43 AM

0   comments


11.10.2003

November 11, 2003 || 12:09 am


I got tickets to the Mandy Moore MTV Aids concert. Now to get backstage passes.




Puta, paanong nangyari na-shotdown ang pag-quit ko sa trabaho? Sana'y makaalis na ako bago matapos ang Nobyembre.




Bukam-bibig ko na ang tumatanda ako. Maraming senyales. Hindi na uso ang disco at mas gugustuhin na lang magkape o uminom sa isang tahimik na lugar para makapagkuwentuhan ng maigi. Dumarami na ang inaanak ko at minsan napagbabaliktad ko ang pangalan nila pati na rin kung sino ang may anak kanino. Pinagsasabihan ko na rin ang mga estudyante na sulitin nila ang college life dahil masarap maging estudyante maniwala ka sa'kin peksman! Nagsisikuha na ng entrance exams sa kolehiyo ang mga batang binabatuk-batukan ko noon at pinagsisibalibag. Nage-gets ko ang quarter life crisis mantra. Angst, chocnut at si Manang Bola -- kilala at napagdaanan ko lahat 'yan.

Tumatanda na nga ako. Kaya nga minamabuti kong ngayon na pagdaanan ang karamihan ng pagkakamali. Habang bata at di pa tuluyang tumanda. Ngayon ipaglaban at sundin ang hilig at ideals. Habang walang ibang nakasalalay kundi ang sariling kinabukasan at buhay. Na sabi nga ni Hikmet "and at eighteen our lives are what we value least." Di man disiotso, feeling at isip disiotso pa rin.

Magpakabata habang bata dahil bukas makawala paglingon mo baka wala kang makita kundi responsibilidad. At lumipad ang kabataan mo kasama ni Peter Pan sa Neverneverland at di ka sinama. Sino bang gustong maiwan kasama ng asong yaya?




At pinapanood ko sa dalawa kong asungot na kapatid ang Bowling for Columbine. Ang alam ko, kauna-unahan nilang documentary na napanood. Bukod siyempre sa National Geographic at Discovery features ng kung anu-anong hayop sa mundo na hindi tao.

Nagulat ako at natagalan nila ang pelikula. Nagtanong pa sila. Kung ano ang halaga ng pagpirmi ni Rosa Parks sa upuan niya sa bus noong 1955. Kung totoo nga ba talaga ang mga binaggit na detalye sa pelikula. Kung ganoon nga ba talaga kagrabe ang mga kano. Kung bakit nagkaroon ng Vietnam War.

Food for thought. Bowling for Columbine pagkatapos panoorin ang Care Bears the Movie sa Disney Channel.




And oh, blogger fucked up my template big time. Katamad ayusin uli.

Ernan at 11:58 PM

0   comments


11.04.2003

November 4, 2003 || 11:45 pm


Kapag sinabi kong taga-UP ako hindi na ako nagsisinungaling.

And I take it back, UP cono girls are cute. Nakatutuwa ang tisod nila sa Filipino. Masarap silang ngitian at tulungan. Pampatanggal pagod pa.

Ernan at 11:34 PM

0   comments


11.03.2003

November 3, 2003 || 2:41 am


Astig talaga ang Star Movies. Noong nakaraang buwan ipinalabas nito ang Ghost World at kahapon ng madaling araw nagulat ako ng makita ang Waking Life. Sa Star Movies ko nga pala unang napanood ang Trainspotting. Sino man ang programmer o license buyer ng Star Movies, saludo ako sa'yo. Walang takot. Sino bang magtatangkang ipalabas ang isang pelikulang walang storyline at puro pilosopikal na talakayan? Kumpletos recados na kung magpapalabas din sila ng mga documentaries.

Ghost World Waking Life Trainspotting





Buong akala ko Return of the King lang ang hihintayin kong pelikula. Marami-rami rin pala. Sana mapanood ko na sila agad. Nananabik na ako.

Return of the King Kill Bill Lost in Translation Elephant

Ernan at 2:29 AM

0   comments