11.10.2003

November 11, 2003 || 12:09 am


I got tickets to the Mandy Moore MTV Aids concert. Now to get backstage passes.




Puta, paanong nangyari na-shotdown ang pag-quit ko sa trabaho? Sana'y makaalis na ako bago matapos ang Nobyembre.




Bukam-bibig ko na ang tumatanda ako. Maraming senyales. Hindi na uso ang disco at mas gugustuhin na lang magkape o uminom sa isang tahimik na lugar para makapagkuwentuhan ng maigi. Dumarami na ang inaanak ko at minsan napagbabaliktad ko ang pangalan nila pati na rin kung sino ang may anak kanino. Pinagsasabihan ko na rin ang mga estudyante na sulitin nila ang college life dahil masarap maging estudyante maniwala ka sa'kin peksman! Nagsisikuha na ng entrance exams sa kolehiyo ang mga batang binabatuk-batukan ko noon at pinagsisibalibag. Nage-gets ko ang quarter life crisis mantra. Angst, chocnut at si Manang Bola -- kilala at napagdaanan ko lahat 'yan.

Tumatanda na nga ako. Kaya nga minamabuti kong ngayon na pagdaanan ang karamihan ng pagkakamali. Habang bata at di pa tuluyang tumanda. Ngayon ipaglaban at sundin ang hilig at ideals. Habang walang ibang nakasalalay kundi ang sariling kinabukasan at buhay. Na sabi nga ni Hikmet "and at eighteen our lives are what we value least." Di man disiotso, feeling at isip disiotso pa rin.

Magpakabata habang bata dahil bukas makawala paglingon mo baka wala kang makita kundi responsibilidad. At lumipad ang kabataan mo kasama ni Peter Pan sa Neverneverland at di ka sinama. Sino bang gustong maiwan kasama ng asong yaya?




At pinapanood ko sa dalawa kong asungot na kapatid ang Bowling for Columbine. Ang alam ko, kauna-unahan nilang documentary na napanood. Bukod siyempre sa National Geographic at Discovery features ng kung anu-anong hayop sa mundo na hindi tao.

Nagulat ako at natagalan nila ang pelikula. Nagtanong pa sila. Kung ano ang halaga ng pagpirmi ni Rosa Parks sa upuan niya sa bus noong 1955. Kung totoo nga ba talaga ang mga binaggit na detalye sa pelikula. Kung ganoon nga ba talaga kagrabe ang mga kano. Kung bakit nagkaroon ng Vietnam War.

Food for thought. Bowling for Columbine pagkatapos panoorin ang Care Bears the Movie sa Disney Channel.




And oh, blogger fucked up my template big time. Katamad ayusin uli.

Ernan at 11:58 PM

0   comments

0 Comments

Post a Comment