11.27.2003

November 27, 2003 || 2:04 pm


Naguusap sa Mr. Kabab kagabi ng marinig kong banggitin ni Lavin na naghayag na si FPJ na tatakbo siya sa eleksiyon sa pagkapangulo. Hindi ko na ikinagulat iyon. Hindi ko man nais hindi ko masasabing hindi inaasahan. Ang interesante ay wala siyang plataporma. Nang tanungin daw si FPJ ng mga reporters tungkol doon ay umiwas ito at sinabi na magtatakda na lang siya ng isa pang presscon para sa plataporma niya. Ni wala man lang siyang pagkukunwaring may plataporma. Dito pa lang halata na siyang umaasa sa mga advisers niya. Papaano pa sa mga usaping gaya ng trade embargo?

Hindi ko naman hinihingi na maging dalubhasa siya sa larangang iyon. Hindi naman ako ultimate pro technocrat. Pero it wouldn't hurt di ba kung may kaalaman ka. Ngunit nakikita ko sa maliit na tagpong iyon ang sakit ng lahat ng presidente natin matapos kay Marcos. Ni isa sa kanila ay hindi naging magaling na lider. At iyan ang kailangang kailangan ng bansa natin. Matagal na tayong di nakakita ng matatag na pamunuan. At mukhang hindi pa rin.

Kung boboto ako sa eleksiyon, pagtitiyagaan ko na lang kung sinuman iyong iboboto ko. Kumbaga, siya na nga lang kasi iyong iba ay hindi ko kursunada. Wala ka talagang mapili. Tuwing eleksiyon tila ganoon lagi ang naririnig ko. May mali sa ganoong situwasyon na hindi na nabago kada botohan.

Hindi ko maiwasang magbigay ng sariling kuro sa politika sapagkat kay lunos na natin. Hindi lang ako sigurado ngunit may nangumpara na yata sa Pilipinas sa Bhutan. Ibig sabihin, isinasama na tayo ng ibang analysts sa mga fourth world countries. Hindi lang basahan ang tingin nila sa atin. Pampunas ng puwet.

Kung anu-ano ang sinasabi ko, hindi naman ako boboto. Ni hindi nga ako rehistrado. O simulan na ang pagpapako at ang kalbaryo.

Ernan at 1:46 PM

0   comments

0 Comments

Post a Comment