9.07.2007
US Open finals na at panonood ng tennis ang inaatupag ko. Siyempre pa, nasa top form si Justine Henin. Binuldoser niya sa court nang magkasunod ang Williams sisters. Hot pa rin talaga si Justine kapag naglalaro. Oo, alam ko, wala siyang hitsura. Ginoogle ko na siya at masyado siyang maputi at may mali sa panga at ngipin niya. Pero kapag naglalaro na siya at pawisan, concentrated sa paglalaro, nagiging mas hot pa siya kaysa kay MaSha. AtAt! At may mga bago akong paboritong tennis players. Isa sa women's at isa men's. Nagkataon pang magkababayan ang dalawa.
Jelena Jankovic
Novak Djokovic
Kasama sina Ana Ivanovic at Tipsarevic, sila ang Serbian invasion ng tennis. Pero ang gusto ko sa dalawa, kay Jelena at kay Novak, may sense of humor.
Si Jelena sa gitna ng laro makikita mong ngumingiti at natatawa sa mga mali na nagagawa niya. Oo, sumasabog pa rin siya at nagagalit pero klarong nag-eenjoy siya sa laro. Kahit quarterfinals ng Grand Slam. Kahit kalaban niya ang nakakatakot na si Venus Williams. At kahit talunan, kahit nalulungkot, nakukuha pa ring ngumiti at mag-enjoy.
Isang fan tribute
Si Novak naman ang bagong class clown ng tennis world. Lagi siyang nagpapatawa at sikat sa kanyang mga imitations ng ibang players. Mukhang masayang kasama at masarap ka-party ang mokong. Game na game sa lahat.
Kalokohan sa practice court ng Wimbledon
Kalokohan pa rin sa loob ng locker room ng US Open
Aba, kumakanta pa ng I Will Survive ang mokong
Buti nga paminsan-minsan nakikita natin ang lighter side ng laro. Nakakalimutan natin na halos mga teenagers lang ang mga professional players na 'to. Si Jelena ngaa'y 22 at si Novak ay 20 lang. Pero siyempre hindi dinadaan ni Jelena at Novak ang laro sa tawa. Mahusay maglaro ang dalawa. Idol nga at parehong Top 3 sa kani-kanilang division. Excited na ako para sa finals!
Labels: Jelena Jankovic, Justin Henin, Novak Djokovic, tennis
Ernan at 11:49 PM
9.05.2007
Alas dos ng madaling araw at di pa ako makatulog. Ika-21 ng Agosto. Kaarawan ni Tessa. Isa sa tatlong petsa ng kapanganakan na naalala ko ng walang effort. Ang una'y ang sa akin (bandang Marso), ang sa tatay ko (Pebrero 15, madali kasi pagkatapos ng Valentine's Day), at ang huli nga'y Agosto 21.Latag ang gabi pero hindi man lang ako manatiling nakahiga. Hindi ako makatulog. Nagpahuli talaga ako matulog kasi balak talagang batiin si Tessa sa bukana ng kaarawan. Pero matapos nun, libreng-libre na para humiga at managinip.
Pero hindi. Hindi makatulog. Kaya nagpatalo na ako sa gising at tumayo. Naghanap ng pampatulog. Nanood ng DVD. Ang nabunot ko, ang docu na Don't Look Back. Sentro nito si Bob Dylan. Kuha habang tour niya sa England. Intimate, honest at pranka. Maaring ang pinakamagandang music documentary na napanood ko.
Lampas alas dos ng madaling araw at pinapanood ko si Bob Dylan. Namamangha ako. Hindi lang kay Bob Dylan. At may namumuo ring bagong pagmamahal. Para kay Joan Baez.
Kilala ko na siya. Alam ko na ang iba niyang mga kanta. Ngunit nang mapanood ko siya sa Don't Look Back, doon ako tuluyang nahulog.
Kinakanta niya ang Percy's Song habang nagtatayp naman si Bob Dylan. Iba ang timbre ng boses niya. Nakakaaliw ang sungki niyang ngipin. Mahal ko si Joan Baez sa tagpong iyan. May kakaibang resonance ang tagpo na di ko mapaliwanag.
Mag-aalas kuwatro na nang matapos ang Don't Look Back. Hindi pa rin ako makatulog. Pero may bagong pagkilala kay Bob Dylan. May bagong pagmamahal kay Joan Baez. May dagdag na ngiti sa buod ko.
Labels: Bob Dylan, Joan Baez, musika
Ernan at 8:28 PM