9.07.2007

US Open finals na at panonood ng tennis ang inaatupag ko. Siyempre pa, nasa top form si Justine Henin. Binuldoser niya sa court nang magkasunod ang Williams sisters. Hot pa rin talaga si Justine kapag naglalaro. Oo, alam ko, wala siyang hitsura. Ginoogle ko na siya at masyado siyang maputi at may mali sa panga at ngipin niya. Pero kapag naglalaro na siya at pawisan, concentrated sa paglalaro, nagiging mas hot pa siya kaysa kay MaSha. At

At! At may mga bago akong paboritong tennis players. Isa sa women's at isa men's. Nagkataon pang magkababayan ang dalawa.

Jelena Jankovic


Novak Djokovic


Kasama sina Ana Ivanovic at Tipsarevic, sila ang Serbian invasion ng tennis. Pero ang gusto ko sa dalawa, kay Jelena at kay Novak, may sense of humor.

Si Jelena sa gitna ng laro makikita mong ngumingiti at natatawa sa mga mali na nagagawa niya. Oo, sumasabog pa rin siya at nagagalit pero klarong nag-eenjoy siya sa laro. Kahit quarterfinals ng Grand Slam. Kahit kalaban niya ang nakakatakot na si Venus Williams. At kahit talunan, kahit nalulungkot, nakukuha pa ring ngumiti at mag-enjoy.

Isang fan tribute



Si Novak naman ang bagong class clown ng tennis world. Lagi siyang nagpapatawa at sikat sa kanyang mga imitations ng ibang players. Mukhang masayang kasama at masarap ka-party ang mokong. Game na game sa lahat.

Kalokohan sa practice court ng Wimbledon



Kalokohan pa rin sa loob ng locker room ng US Open



Aba, kumakanta pa ng I Will Survive ang mokong



Buti nga paminsan-minsan nakikita natin ang lighter side ng laro. Nakakalimutan natin na halos mga teenagers lang ang mga professional players na 'to. Si Jelena ngaa'y 22 at si Novak ay 20 lang. Pero siyempre hindi dinadaan ni Jelena at Novak ang laro sa tawa. Mahusay maglaro ang dalawa. Idol nga at parehong Top 3 sa kani-kanilang division. Excited na ako para sa finals!

Labels: , , ,

Ernan at 11:49 PM

1   comments

1 Comments

at 9:00 AM Anonymous Anonymous said...

dahil fan ka rin ni Nole, magiging stalker mo na ako. haha.

pucha, dahil kay Novak, napabili ako ng tennis paraphernalia (raketa, apparel, shoes) kahit hindi ako marunong maglaro.

 

Post a Comment