9.05.2007

Alas dos ng madaling araw at di pa ako makatulog. Ika-21 ng Agosto. Kaarawan ni Tessa. Isa sa tatlong petsa ng kapanganakan na naalala ko ng walang effort. Ang una'y ang sa akin (bandang Marso), ang sa tatay ko (Pebrero 15, madali kasi pagkatapos ng Valentine's Day), at ang huli nga'y Agosto 21.

Latag ang gabi pero hindi man lang ako manatiling nakahiga. Hindi ako makatulog. Nagpahuli talaga ako matulog kasi balak talagang batiin si Tessa sa bukana ng kaarawan. Pero matapos nun, libreng-libre na para humiga at managinip.

Pero hindi. Hindi makatulog. Kaya nagpatalo na ako sa gising at tumayo. Naghanap ng pampatulog. Nanood ng DVD. Ang nabunot ko, ang docu na Don't Look Back. Sentro nito si Bob Dylan. Kuha habang tour niya sa England. Intimate, honest at pranka. Maaring ang pinakamagandang music documentary na napanood ko.

Lampas alas dos ng madaling araw at pinapanood ko si Bob Dylan. Namamangha ako. Hindi lang kay Bob Dylan. At may namumuo ring bagong pagmamahal. Para kay Joan Baez.

Joan Baez  Joan Baez at Bob Dylan

Kilala ko na siya. Alam ko na ang iba niyang mga kanta. Ngunit nang mapanood ko siya sa Don't Look Back, doon ako tuluyang nahulog.


Kinakanta niya ang Percy's Song habang nagtatayp naman si Bob Dylan. Iba ang timbre ng boses niya. Nakakaaliw ang sungki niyang ngipin. Mahal ko si Joan Baez sa tagpong iyan. May kakaibang resonance ang tagpo na di ko mapaliwanag.

Mag-aalas kuwatro na nang matapos ang Don't Look Back. Hindi pa rin ako makatulog. Pero may bagong pagkilala kay Bob Dylan. May bagong pagmamahal kay Joan Baez. May dagdag na ngiti sa buod ko.

Labels: , ,

Ernan at 8:28 PM

0   comments

0 Comments

Post a Comment