11.27.2016

an unexamined life

Kataga 'yan mula kay Plato. Pero patunay din sa akin. Hindi sulit mabuhay kung di rin susuriin ang buhay.

Tinutulak ako ng mga pagkakataon sa isang landas na di ko sure na ninanais ko. Takot? Marahil. Kaba? Oo. Pero kapag inisip ko, hindi takot sa challenge eh. Mas takot sa magiging kung sino ako. Parang hindi ko gusto ang pagbabago o ang ako na kalalabasan nun.

Kaya napaka-importante ngayon sa akin na maging malay ako kung sino ako. Kung ano ang pagkatao ko. Para mapilitan man sa landas na 'yun, mahuli ko ang sarili kapag nagta-transform na sa isang kung sino na hindi ko gusto.

Nawawala ako. Marapat na hanapin ko uli ang sarili. Baka mas tama na natatakot akong mawala. Kaya marapat na maglagay ako ng giya para matagpuan muli (kung mawala nga) ang ako ko.

Ernan at 10:25 PM

0   comments


6.08.2011

Lemonheads makes me happy.





I know a place where I can go when I’m alone
Into your arms
Whoa, into your arms
I can go

I know a place that's safe and warm from the crowd
Into your arms, whoa
Into your arms

And If I should fall ...
I know I won't be alone.
Be alone anymore

Labels:

Ernan at 11:04 PM

1   comments


4.23.2011

Hindi na madali ang magsulat para sa akin. Di tulad nooon.

Hindi lang tula o mga malikhaing akda, kahit ano. Nahihirapan na akong magsulat. At kamakailan, habang nakasakay ng jeep o bus, o naglalakad sa kalye, napagtanto ko na parte ito ng pleasure control ko.

Iwas hirap kasi ako. Kapag ang isang bagay o gawain ay naging mahirap na, o naging balakid, o hindi ko makita ang agarang solusyon, iniiwan ko ito. Isinasantabi.

Marahil naisama ko ang pagsusulat dito. Dahil hindi naman naging madali sa akin ang pagsusulat. At sa tagal ng panahon na hindi ako nagsulat (kung tutuusin mas matagal pa ang hindi ako nagsulat kaysa sa mga taong nagsulat), lalong humihirap lang. Walang pagsasanay.

Kaya salamat na rin sa mga kaibigan na patuloy na naniniwala.

Kaya heto, kahit pakunti-kunti, sanayan uli ang utak, ang isipan, ang kalooban, ang imahinasyon magsulat, gumalaw, bumulaga, lumikaw, bumulusok, magsulat at magsulat.

Labels:

Ernan at 2:56 PM

0   comments


9.02.2008

Simula ngayon kahit isang pangungusap lang.

Bakit nagpipigil? Kanino takot? Kanino nahihiya?

Ako rin lang naman. Ako. Hindi ba?

Labels:

Ernan at 11:53 AM

1   comments