2.01.2008
Binasa ko ang ilang mga entries ko dito sa blog na 'to. Nagbago na pala akong magsulat. O mas tumpak, ang atake sa pagsulat ng blog. Nakita kong mas personal ako dati. Ngayon, parang ang dami kong sine-censor. Hindi naman sadya. Minsan nahihiya lang. Kahit hindi naman nakakhiya ang kuwento. Mas naging sarado ako. Hindi lang sa blog na 'to. Pero marahil sa buhay na rin. Sa araw-araw. Oo, maingay pa rin ako. Magulo. Pero mas walang binabahagi kundi ang mga impresyon na walang wawa.Minsan tinatamad lang. Naiisip isulat ang mga nangyari kaso naiisip ko kaagad na napakatagal kong magsulat. Kahit walang kuwentang entry lang. Ang dami ko kasing satsat. Aaabutin siguro ako ng 30 minutos. Ngayon, tignan mo, ito pa lang ang nagagawa ko, naka-7 minuto na ako. Hindi na ako nag-iisip sa lagay na ito. Dire-diretso lang. Kung ano ang pumasok sa isipan, tinatayp. Kaya kapag may sumulpot na pulang tigre na may panty sa ulo, isusulat ko. Kitams.
Hayan, nawala na ako. Ehersisyo 'to siguro para maging bukas lang ako. Pero bakit ngang kailangang maging bukas o magbigay? Hindi naman para sa inyo. Kundi para sa'kin. Para maya't maya nangangata ko ang sarili ko. Chaingang ang tumutgtog, na-miss ko sila. Inarbor ko pa ang tape nila dati mula sa pinsan ko.
Nawala na ako. Hindi naman ako nangangako na magiging ganito na ako magsulat. Puna lang ba. Na parang mas gusto ko ang dating ako sa ngayong ako ko.
Wrong letters daw ang na-type ko sa verification code. Try ko i-publish uli.
Ayaw pa rin. Third try na 'to.
Labels: muni
Ernan at 8:10 PM