2.17.2007

Si Breughel the Elder ang trip kong pintor ngayon. Una ko ngang ginawa sa opisina ngayong pagpasok ng bagong taon ay palitan ang wallpaper ng desktop ko. Pinta na ni Breughel ang nakapaskil doon. Pati na rin sa computer ko sa bahay.

Ayon sa wikipedia, isa siyang Dutch at isang mahalagang pintor na nabuhay noong Renaissance period. Ang kagalingan niya ay sa pagpapakita at pagsasabuhay ng araw-araw na gawain ng mga pesante. Malamang naantig ng mga pinta niya ang nagtatagong sosyolohiyo sa sarili. Hindi siya tanyag sa mga portrait ng mga babae o ng patron niya. Bagkus, kilala siya sa mga pinta niya ng mga simpleng ritwal at kasiyahan, sa pagbusisi at kakaibang tingin sa mga pangyayari.

Pansinin na lang ang isa sa mga pinakakilala niyang pinta, ang Landscape with Fall of Icarus. Hanapin mo nga si Icarus. Naririyan siya, nalulunod sa isang tabi. At walang nakapapansin. Isang magandang basa sa isang mitolohiya. Tinulaan pa ni WH Auden.

Landscape with Fall of Icarus


At ito pa ang iba pa niyang mga gawa.

The 'Little' Tower of Babel
The 'Little' Tower of Babel


The Procession to Calvary
The Procession to Calvary


The Fight Between Carnival and Lent
The Fight Between Carnival and Lent


The Triumph of Death
The Triumph of Death

Labels:

Ernan at 6:25 PM

0   comments

0 Comments

Post a Comment