12.10.2004
Disyembre na naman. Unti-unting bumibitiw ang takbo ng oras sa taon. Maaring isang lingon mo lang at may bago ng taon. Disyembre. Ang huling buwan, mga huling araw, mga nahuhuling sandali.Hindi ko alam kung bakit pero natataon sa Disyembre ang mga katiyakan ko. Kasabay sa nanlalamig na hangin, ang pagbubuo ng mga desisyon. Kadalasan mga pagbitiw o pagtalikod. Ang panlalamig ng puso at pagtitipon ng sarili, hindi alintana ang mga maaari.
Arrival
- Philip Larkin
Morning, a glass door, flashes
Gold names off the new city,
Whose white shelves and domes travel
The slow sky all day.
I land to stay here;
And the windows flock open
And the curtains fly out like doves
And a past dries in a wind.
Now let me lie down, under
A wide-branched indifference,
Shovel-faces like pennies
Down the back of the mind,
Find voices coined to
An argot of motor-horns,
And let the cluttered-up houses
Keep their thick lives to themselves.
For this ignorance of me
Seems a kind of innocence.
Fast enough I shall wound it:
Let me breathe till then
Its milk-aired Eden,
Till my own life impound it-
Slow-falling; grey-veil-hung; a theft,
A style of dying only.
Dalawang magkasunod na Disyembre na nang biglang iwan ko ang mga trabaho. Ang isa'y itinago sa parating na eleksiyon, ang ngayo'y sa burnout (isang malabong terminong pamasak sa hindi masabi).
Sinasabayan ko ang pagpalit ng taon. Nagpapalit din ako ng resolusyon, pinanunumblaik ang pagkilala sa sarili. Pahapyaw, tinatanong ang tunay na mahalaga. Kahit na nagtatago ito sa himbing ng pagiging batugan. Dahil kung hahalungkatin kung bakit, isang simpleng sagot lang ang mabubungkal. Tinatamad na akong gawin ang trabaho. Ngunit nasasaalang-alang din naman ang tanong na "ano nga ba talaga ang nais gawin?" At kung wala pa man itong sagot, masasabing "hindi itong ginagawa ko ngayon."
Ngunit hindi lamang iyan ang mga nais talikuran.
Noong isang gabi'y nasulyapan ko ang dalawang bulalakaw. Iisa ang hiniling ko sa parehong pagkakataon. Isang pagsuko.
Naiisip ko tuloy si Sabina.
<<
Ernan at 4:34 PM