8.28.2004
Hindi talaga ako mahilig sa sports. Napapasama lang. Lampa talaga ako. Wala akong sports sports. Wala akong hilig sa basketball. Madaling sumusuko sa soccer. Hindi makatama sa baseball. Tamad sa volleyball. Masyadong mainit ang tennis. Boring ang golf. Masyadong sikat at ayokong magpa-in para sa badminton. Nilalamig sa swimmig pool. Maalat ang dagat. Payat para sa football. Nakakangawit ang pistol shooting. Mabaho ang fencing. Nakakasawa ang table tennis. Nakakabugbog ang judo at iba pang martial arts.Na-gets mo na? Marami akong dahilan. Pero isa lang talaga. Ayaw ko ng sports. Nakakatamad kasi. Putsa, hindi mo nga ako mapag-ehersisyo ng regular. Seryosohin pa ang sports?
Pero minsan naman nagkaroon ako ng hilig. Noong bata'y soccer baseball. Ang soccer na may base na trianggulo. Tuwing recess at lunch naglalaro kami sa tapat ng batibot tree. O kahit sa tapat ng bahay sa apartment. Ingat nga lang kasi madalas kaming makabasag ng bintana. Kapag nagkaganoon bigla-biglaang magsisiuwian kaming mga bata.
Sumabak din ako sa swimming. Nag-compete rin kahit papaano. Pinakamabilis ko na ang breast stroke. Kaso ang pinakamabilis ko e pinakamabagal nila. Ilaban mo ako sa long distance, huwag lang sa dash. Alala ko pa na X-Men cartoons theme pa ang rhythm ko habang naglalaps. Tenene-nenen-tenene-nenen...
At doon nagtapos ang career ko bilang sportsman. Ay, sinubukan ko rin palang magpistol team nung college. Pero suhol yun ng mga kaibigan at di rin nagtagal. Maayos din ako sa fencing kaso wala e. Mainit ang maskara at mabaho. Tsaka nakakatamad magpraktis.
Maski panonood wala akong gaanong hilig. Kung tutuusin nga, nakakapanood lang talaga ako ng mga laro kapag Ateneo - La Salle games, NBA championships, naglalaro ng playstation o kapag tumatambay sa bahay ni Ron at saktong nanonood siya ng laro.
Pero, oo nga pala, may isang sports akong pinapanood. Rugby. Katuwa kasi e. Balyahan at laging sapak. Lalo na kapag winter at may niyebe. Hala, sige pa rin sila sa laro kahit namumuti na ang paligid at kimpal na ang usok na lumalabas sa labi at ilong nila. Pero hindi ko laging naabangan. Hindi rin naman ako die hard fan. Na mag-aabsent para panoorin ang Wallabees.
Minsan napapadaan naman ako at napapatutok sa TV. Halimbawa, boksing championship ni Pacquiao o kapag sadyang walang ibang mapanood. Gaya ng Olympics ngayon. Ni hindi ko nga namalayan na Olympics na naman pala. Nakita ko na lang ang opening ceremonies sa NBN 4. Lagi sigurong nirereplay.
Pero kanina, nang mapa-channel surf ako, nahinto ako. Women's diving competition. Kadalasan naman talaga aliw panoorin ito. Kahit wala kang alam sa porma nila, magkukunya-kunyaring alam mo ang techniques. Mga 1/2 pikes, back flips, 1/4 sommersault, a ewan. Basta kaunti ang splash, panalo!
Ngunit may iba pang dahilan kung bakit napatigil ako at nanood. Nanood ng undivided attention. Kasi naman nakita ko si Guo Jing Jing. Ang diver ng China. Malupit. Ika nga ni Kiko, "Chick yun. Ang ganda ng legs noh. Super lupit ng legs." Chick talaga. Mas masarap panoorin ang paikut-ikot ng katawan niya kasi masarap siya panoorin. Nakakatulong pa na maganda pa siya. Kadalasan mga mukhang mongoloid na tibak na walang boobs ang divers. Putsa, si Guo Jing Jing hindi. May grace siya at may saliw. May awit ang mukha niya.
Naku, kung may ganyan din lang sana sa basketball.
Nanalo nga pala siya ng gold medal.
<<
Ernan at 1:32 AM