8.20.2004

"Erase and rewind 'cause I've been changing my mind. I've changed my mind." Habang tumatagal ang panahon lalo akong kumikiling sa sentimiyento ng kantang iyan ng Cardigans.

Dati rati'y iniisip ko na dapat lagi kang matuwid at di bumabaluktot. May isang salita, isa sa mga tinuro sa ating pahalagahan. Nakataga sa bato. Walang urong. Hindi nagbabago.

Ngunit ang mga salita'y salita lang. Ang inaakalang nakataga sa bato'y nakasulat sa tubig. Nagbabago ang isip. Nag-iiba ang ihip ng hangin.




May mga napapag-tripan akong pintor. Na kinagigiliwan ko ng lubos sa loob ng isang panahon. Napagdaanan ko na sina Van Gogh, Magritte, Degas, Sargent at iba pa.

Ngayon, mahal na mahal ko si Gustave Courbet. Kung hindi niyo pa siya nakikilala, hayaan niyong ipakita ko ang galing niya.

Man with a Pipe, 1848 The Oak at Flagey, 1864 The Origin of the World, 1866 Portrait of Jo, the Beautiful Irish Girl, 1865 The Cliff at Etretat After the Storm, 1869 The Wounded Man, 1854 The Sleeping Spinner, 1853 Sleep, 1866

<<

Ernan at 10:19 PM

0   comments

0 Comments

Post a Comment