7.24.2004
Mahilig ako sa mga listahan. Hindi listahan ng utang kundi mga kung anong bagay na nakatala na nagpapahiwatig ng interes o kalooban ng mga tao. Mga Top 10, Top 5, Top 40, Top 100 ng kung sinu-sino, ng kung anu-ano. O mga personality quizzes, mga likes at dislikes. Mga listahang binubutingting ang sarili o hinihimay ang interes.Sa mga ganyang listahan kasi mabilis kong nahahawakan ang katauhan ng isang tao. Naikukumpara ko sa iba at sa sarili. Tipong gusto rin niya yun. O ayaw niya iyon. Kaya nga aliw naman ako magbasa paminsan-minsan ng mga bulletin board sa friendster. At nagagalak malaman ang mga year-ender charts ng kung anong magazine o ng kung sinong kilalang kritiko.
May mga taong iwas sa mga ganitong listahan. Lalo na yaong tungkol sa mga personalidad ng tao. Na sinasabing kinukulong ang tao sa mga nakatala roon o sa kahon na ginawa mo.
Maarte. Madaldal. Mayabang. Mabait. Mahilig sa emo. Coffee person. Paborito si Billy Ray Cyrus. Idol si Hero Angeles. Likes: trees and rainbows. Dislikes: plastic people.
Sinasabi na matapos ang lahat, hindi mo pa rin kilala ang tao. Na hindi lang siya 'yan. Na hindi mo makikita ang lahat ng angulo niya sa listahan. Tama nga. Hindi naman kasi nangangahulugan kapag gumawa ka ng isang tala, o inilarawan mo ang isang tao ay siya na iyon at iyon lang. Hindi.
At hindi rin naman nakakalimutan iyon. Na kapag isinulat mo na love is blind. At sa tingin ko'y love is blind din ay soulmates na tayo. Ang mga bagay na tulad ng slumbooks, Top 5, quizzes at kung ano pa ay isang paraan lang para simulang hawakan ang katauhan ng isang tao. Isang panimula. Isang kamayan.
Lahat tayo doon nagsisimula mangilala. Bumuo ng mga unang ideya tungkol sa isang tao. Isama mo na rito ang sabi-sabi ng ibang tao, mga tsismis na para ring isang tala ng katauhan ng isang tao. Mahilig manood ng sine, palangiti. At sa pakikisalimuha mo sa kanya, doon mo nalalaman ang katauhan niya. Itatambis mo ito sa alam mo na. Hindi naman pala siya mataray, mahilig pala siya sa mga kotse.
Ang mga listahan at mga sabi-sabi ay hindi nangangailangang maging kahon, maari itong maging susi. Pokpok ang isang babae, sabi nila. At gigi mo itong lalapitan. Hanggang makilala na oo nga pokpok siya. Pero hindi lang siya pokpok. Mabait din siya at matulungin.
Ang pagkukulong at pagkakahon ay hindi na sa mismong sabi-sabi o tala. Ngunit nasa paraan kung paano mo ito gagamitin.
At dahil mahilig nga ako sa mga tala. Ito ang Top 10 ko ng 2003. (Napansin mo ba na isang walang kuwentang rationalization at introduction lang ang nasa itaas para maisulat ko ito)
Music
1. Like the Deserts Miss the Rain - Everything But the Girl
2. Give Up - Postal Service
3. Chutes Too Narrow - The Shins
4. Fever to Tell - Yeah Yeah Yeahs
5. Long Knives Drawn - Rainer Maria
6. Elephant - The White Stripes
7. Speakerboxxx/The Love Below - OutKast
8. Sa Wakas - Sugarfree
9. Songs for Jane - Maroon 5
10. Nocturama - Nick Cave
Film
1. Lost in Translation
2. Lord of the Rings: The Return of the King
3. City of God
4. Kill Bill: Vol. 1
5. Finding Nemo
6. Big Fish
7. 28 Days Later
8. 21 Grams
9. Mystic River
10. The Station Agent
At matapos ang kalokohan ko. Magbasa naman kayo ng may kabuluhan. Bisitahin ang Favorite Poem Project.
Isang proyekto sa America na naglalayong ipakita ang kagandahan ng tula. Manood kayo ng mga videos at mga basa ng mga tula sa site. Kahit isa lang, panoorin niyo.
<<
Ernan at 12:56 PM